13 : Sentiments

55.7K 3.1K 688
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


       "You have gotta be kidding me."

        Nanlaki ang mga mata ni Slade nang makita ang iba't ibang potahe na nakahanda sa malapad na mesa. Kambal nga talaga sila ni Silver. Ganitong-ganito rin kasi ang reaksyon ni Elemento nang dalhin ko siya rito at nakasalo namin siya sa Sunday Lunch date namin ni Lolo. 

      "Gramps isn't kidding around. You got yourself in this mess so you gotta eat your way out. He doesn't like it when we waste good food," pabulong kong sambit sa kanya lalo't nasa likuran lang namin si Lolo at namimili ng non-alcoholic cider mula sa cabinet niya.

       Napalunok si Slade at nagpigil ng ngiwi. Tinulak ko na lang siya patungo sa upuan niya.

      "Ikaw po ba ang nagluho nito lahat, Attorney?" tanong ni Slade. 

      "Oo. Nagluto ako kaninang umaga bago ako nag-bike sa labas. Alam kong darating 'tong si Reika eh. Kung alam kong may bisita siya edi sana mas dinamihan ko pa," aniya kaya kapwa kami nagkatinginan ni Slade. Nakita ko ang gimbal sa mukha niya.

        Natawa si Lolo at naupo sa unahang bahagi ng mesa,  gaya ng dati. Nakapili na rin siya ng isang bote ng non-alcoholic cider at walang kahirap-hirap niyang natanggal ang cork nito.

       "Damn your strong," Manghang sambit ni Slade kaya kapwa kami natawa ni Lolo. 

       "Young Man, don't be fooled by my wrinkles and white hair." Natatawang sambit ni Lolo. 

        "Duly noted sir," Slade nodded while jokingly showing a defeated look on his face.

        I thought Grandpa would be all Shady towards Slade since he's in a band but he was surprisingly enthusiastic. They actually got to talk about lots of stuff. Matanong din naman kasi si Slade and Grandpa likes to show off kaya todo kwento ito ng kung ano-ano tungkol sa past achievements niya.

        "So, how's your week Reika?" tanong bigla ni Lolo sa akin.

         How's my week? Hmmm... I was busy plotting and terrorizing Slade's destruction but here we are now, having lunch with him.

        "Awesome!" I smiled and nodded. "Magno and his friends are still hunting girls at clubs again." Pag-iiba ko ng usapan.

         Humalakhak si Lolo. "Those boys.. When will they learn."

         "Don't get your hopes up Gramps. I mean look at my Dad," biro ko pero hindi tumawa si Lolo. He actually didn't react. He just resumed eating. May mali ba sa sinabi ko? Eh totoo naman ah? My Dad is an asshole.

         Tumingin ako kay Slade, wala rin itong kibo habang kumakain.

         Ano bang mali sa sinabi ko? 

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon