8 : Shut up, Slade!

69.8K 3.4K 1.5K
                                    

I'm back from the dead lol

I'm back from the dead lol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


     "Slay! The Dragons! Slay! Slay, the Dragons! Slay! The Dragons!"

      Papasok pa lang kami sa arena pero rinig na rinig na agad namin ang kantyaw ng Rosepike students laban sa eskwelahan namin. Oh the sweet smell of bloody rivalry! 

      Narinig kong kanya-kanya ng mura at sigaw pabalik ang mga kaeskwelang kasabay ko, pero heto ako at natatawa lang. In fairness, gusto ko yung jeer nila laban sa amin.

       Hindi ko na napigilan pang sumabay sa kanila. "Slay! The Dragons! Slay! Slay, the Drago-- Aray!"

       Handang-handa na akong bigwasan ang nambatok bigla sa akin pero nang lumingon ako, nakita kong si Riley pala.  Dali-dali kong binaba ang kamao ko at kusang lumitaw ang ngiti sa mukha ko. Kung s-swertihin nga naman, nasa likod ko pa talaga sila. 

       "Loka! Stop cheering with the enemy! Baka mamaya isipin nilang traydor ka!" Tinaasan ako nito ng kilay, nagtataray na naman. 

       "Thanks for the concern, Riles!" I winked and smirked mischievously dahilan para itulak ako nito nang bahagya patungo sa hagdang paakyat sa mga bleachers. Hindi masyadong malakas, kung tutuusin, marahang tulak lang.

        Nakakatuwa. I guess it's a progress. He's actually showing concern now! He's concerned for what the other students will think of me! That must mean he cares for me right? Kahit bilang kaibigan lang?

        "God! You're so touchy Riley!" Humagikgik ako at nilandian pa ang boses ko sabay lingon ulit, dahilan para maghalakhakan sina Lucho at Piper. 

        "Silver's not with you?" tanong ni Piper at kumapit ito sa braso ko kaya sabay kami sa pag-akyat sa malalapad na baitang ng hagdan. Nasa likod naman namin nakasunod sina Lucho at Riley. 

        "Nah, she's doing some inventory in the bar. Braylee's not with you?" tanong ko pabalik.

         "She'll catch up. Tumawag kasi ang parents niya, private discussion kaya nauna nalang kami." Piper shrugged as she snickered. "Cheer with us tonight?"

          I jokingly gagged, making her laugh out loud. 

         Wala akong nagawa kundi magpadala kay Piper at maupo sa kanyang tabi. Syempre, pabor din ito sakin lalo't magiging malapit ako kay Riley. Akala ko nga magiging magkatabi kami pero tinulak niya talaga si Lucho na maupo sa tabi ko para pumagitna ito sa aming dalawa. Mautak na bakla!

        Biglang nagsimulang dumagundong ang drums ng Filimon Marching Band. May mga sumisigaw narin ng kantyaw laban sa mga taga Rosepike. 

        The intense rivalry between Rosepike and Filimon Heights University is at it again. Rangers VS. Dragons. I can feel the tension and I can already tell that there will be another rumble tonight. Kung walang boys na magsusuntukan, siguradong may mga fangirls naman na magsasabunutan. Sa sobrang dalas nitong mangyari, parang nakasanayan na.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon