53 : Same Page

51K 3K 1.3K
                                    

Chapter Theme: Boys like Girls - Hero/Heroine

Chapter Theme: Boys like Girls - Hero/Heroine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagdating ko sa bahay mula sa University, nagulat ako nang maabutan si Slade na nanonood ng cartoons sa sala. He was sitting straight, sobrang tino ng dating. Ibang-iba noong nasa bahay pa nila kami. He looked so clean and slick in his plain white shirt.

"Where's Mom?" I asked while trying to contain my smile.

"Here! May kukunin lang!" Mom answered from her room.

Slade winked at me kaya natawa na lang ako at pumasok sa kwarto ko upang magbihis. May usapan kasi kami ni Slade na sasamahan ko siya sa ospital para magpakabit ulit ng kanyang cast. I didn't want Slade to wait for long kaya sinuot ko ang unang ripped jeans at oversized black shirt na nakita ko.

Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako nang makitang kapwa nagtatawanan sina Mommy at Slade habang tinitingnan ang mga photo albums.

"Hoy!" Dali-dali kong inagaw ang album na nasa kamay ni Slade lalo't alam kong litrato ko noong bata pa ang mga laman nito. Pinagtawanan lang nila ako ni Mommy.

"Mommy naman eh! Ba't mo pinakita!" I yelled at her.

"You were adorable Reika, don't be shy." Natatawang giit naman ni Mommy kaya napangiwi na lang ako at hinila si Slade paalis.


***


"Masakit?" Tanong ko kay Slade sa paglabas namin ng clinic.

"Hindi naman." Ngumiti siya at napatingin sa kanang kamay niyang may cast na ulit. Gamit ang kaliwa, hinawakan niya ang kamay ko. He sounded assuring kaya kahit papaano naman ay napalagay ako. 

Humawak ako pabalik sa kamay niya at tumango.

I used to hate it whenever I saw couple holding hands in public but with Slade, I became a hypocrite all of a sudden. All that mattered was the fact that holding his hand gave me an indescribable feeling of comfort. 

"Gusto mo na bang umuwi sa inyo?" He asked as we walked towards the elevator, still holding each other's hand.

I glanced at my wristwatch and then to him. "It's only 5pm. Why, do you have something in mind?"

"How about a date?" He grinned.

I nodded. "Sure."

All of a sudden his eyebrows furrowed. "Not even going to blush about it?"

I laughed at his reaction. "I've been out on dates before, boy. Doesn't sound new to me."

Papasok na sana ako sa loob ng elevator pero biglang huminto si Slade sa paglalakad kaya ganun na rin ako.

"Teka, hindi ako ang first boyfriend mo?" He asked.

I was flustered a little by his question but I tried to play it cool by looking at his eyes directly. "You are the first official, but I've been on dates before so it's nothing new."

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon