Epilogue

100K 4.4K 10.7K
                                    

#TheRebelsRival

chapter theme:  gone too soon - simple plan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

chapter theme:  gone too soon - simple plan



"Condolence," sambit ni Heath.

Tipid na ngumiti si Slade at tumango. Itinuro niya ang isang bilugang mesa kung saan nakaupo sina Chewy at Big Troy. "Upo ka lang doon kasama nila. Tapos kung gusto mong magsalita mamaya, mayroong hawak na listahan si Silver. Sina Jao at Vinny naman, lumabas lang sandali. Magpa-practice ata anong sasabihin."

Tumango naman si Heath at tipid ding ngumiti kahit pa sobrang bigat ng kalooban niya habang nakikita ang kaibigan sa ganitong kalagayan; humihinga ngunit tila ba walang kabuhay-buhay.

"We're here for you, Man. All the time." Tinapik ni Heath ang balikat ni Slade.

Muli, tipid ni ngumiti si Slade.


Nang makaalis si Heath, nanatili si Slade na nakatayo sa gilid ng pinto suot ang kulay itim na t-shirt ni Reika na pinaibabawan niya ng kulay itim na polo. Nilibot niya ang paningin sa loob ng restaurant na espesyal para sa kanilang dalawa ng dalaga.

Okupado na ang karamihan sa mga mesa ngunit may mga natitira pang bakante. Gaya ng paboritong kulay ng kasintahan, nakasuot din ng kulay itim ang lahat.

Dumako ang tingin niya sa maliit na stage at nakita niya si Silver na tahimik na inaayos ang mic stand. Gaya niya, namumugto rin ang walang kabuhay-buhay nitong mga mata.

Napatingin si Slade sa malaking litrato ni Reika na nasa tabi lang ng mic stand. Napapalibutan ito ng mga bulaklak na pinaghalong kulay puti at itim ayon na rin sa gusto nito.

Ang litrato ni Reika. Hindi napigilan ni Slade na mapapaitig sa mukha ng kasintahan. Sa ngiti at mga mata nitong kailanman ay hindi na niya ulit masisilayan.

"Slade?"

Mabilis na napalingon si  Slade at nakita niya ang mga magulang na kararating lang. Niyakap siya agad ng kanyang ina at tinapik naman ng ama ang kanyang balikat.

"Slade, pwede kang maupo na lang doon. Andiyan naman ang mga kaibigan ninyo," wika ng ama pero tumango pa rin si Slade at ngumiti.

"Anak, kung hindi na kaya, magsabi ka lang ha?" hinaplos naman ng ina ang kanyang pisngi.

"Okay lang po ako," paniniguro ni Slade sa mga ito. "Para naman po ito sa kanya."

Kapwa tumango ang kanyang mga magulang at nagtungo sa mesa kung saan naroroon ang nagluluksang mga magulang ni Reika, pati na rin si Drummer na hindi maintindihan kung nasaan ang kapatid.

Nang makaalis ang mga magulang, kasunod namang dumating sina Riley, Benji, at Ned na dala ang mga sanggol. 

"Uy, Hi Ned!" bati agad ni Slade sa anak ni Lorenzo at bahagyang tinapik ang pisngi nito gamit ang hintuturo. Kasunod naman niyang nilapitan ang sanggol na karga ni Benji. "Any name for her yet?" tanong niya rito.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon