69 : Pitch-Black

66.9K 3.2K 6.9K
                                    

Note: Sorry guys, I know I have announced before na epilogue na ang ipo-post ko ngayon but I miscalculated. I didn't expect that this chapter would take me days to write lol. Sorry about that.

 Sorry about that

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I pressed the doorbell over and over again, trying hard not to scream. I didn't want to make a scene or catch anyone's attention. I kept looking behind my shoulders, trying to be careful with my surroundings.

It was the middle of the night, the rain has downplayed to a mere drizzle but I was still soaking wet. I was shivering cold, only wearing my black jeans and black sleeveless top. Despite of how I felt, my main concern was the poor baby in my arms wrapped in my black jacket.

"Reika?" Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Benji na lumabas mula sa pinto. Magulo ang buhok nito at namumula pa ang mga mata, halatang nabulabog ang tulog.

Nang buksan niya ang gate, nagmamadali akong pumasok hanggang sa loob ng bahay nila.

"Get me some towels. You're a nurse. You better help this baby." Bulalas ko agad nang makapasok si Benji sa loob ng bahay. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang dumapo ang tingin niya sa sanggol na dala ko. 

"Sandali, ano? ha?" Kinusot-kusot ni Benji ang mga mata, gustong makasigurado kung tama ba ang nakikita. Napasinghap ito at nasapo ang noo gamit ang magkabilang kamay. "What the hell?! Is that a baby?!"

"Yes. Hurry and move your ass. The baby has been exposed to elements, it might catch a cold or something. Please." Nagmamadali man, pinilit kong wag sumigaw o magtaas ng boses dahil sa sanggol na hawak ko.

Huminga nang malalim si Benji, halatang pilit na kinalma ang sarili. Nagmadali agad ito na tumungo sa direksyon ng banyo nila. "Kuha lang ako ng mga tuwalya."

Nagbaba ako ng tingin sa sanggol na karga ko at awang-awa ako nang makitang may mga bahid pa ang mukha nito ng pinaghalong dugo at putik. Natutulog na ito at tumigil na sa pag-iyak mula nang makarating kami sa Filimon Heights.

Napabuntong-hininga ako at nilibot ang paningin sa paligid. Simple man, napakalinis at napakaaliwalas naman ng bahay na pagmamay-ari nina Riley at Benji. Binili nila ito ilang buwan na ang nakakaraan sa tulong na rin ni Apollo. Their choice didn't come without a consequence. Riley was disowned by his Father, he still disapproved Riley's decision to follow his heart. Despite of it, Riley found acceptance in his other relatives and Benji's parents as well. Together, they found happiness each other. 

Dumako ang tingin ko sa malaking salamin na nasa tapat lang ng sofa. Nakita ko ang sarili kong basang-basa. Tadtad ng putik ang mga braso at mukha ko, pati na ang kulay itim kong damit, at ang sanggol na karga ko.

"Bennie, is that you?"

Narinig ko ang antok na antok pang boses ni Riley. 

Mula sa repleksyon ng salamin, nakita ko si Riley na pababa sa hagdan suot ang maiksi nitong short at white sando. Hapit na hapit ito sa balat niya kaya sobrang macho niyang tingnan kung hindi nga lang sa white facemask niya.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon