32 : Familial Guilt

47.1K 2.9K 766
                                    

Chapter Theme : Alibi - Thirty Seconds To Mars

Chapter Theme : Alibi - Thirty Seconds To Mars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Reika?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Daddy na nakatayo sa harapan ko. Nagbaba ulit ako ng tingin at nanatiling nakayakap sa aking mga tuhod habang nakaupo sa sulok ng hospital rooftop. Masyadong mabigat ang kalooban ko para umiwas. Ni hindi ko magawang punasan ang mga lulha ko dahil para akong tinakasan ng lakas sa buong katawan.

"Mabuti na lang at sinabi sa akin ng guwardya na nandito ka. Ginamit mo pa talaga ang pagiging Magno mo para makaakyat dito." Dad's voice was calm as if he was trying to joke around with me. Too calm.

Mula sa gilid ng mga mata ko, umupo rin siya sa sahig, sa tabi ko. 

"D-doon ka lang sa kwarto ng kambal. They need you." Mariin akong napapikit lalo't pumapatak na naman ang mga luha ko. "Slade needs you."

"Paano ka?" Dad's voice was full of concern.

Tuluyan akong napahikbi. Tila ba naglaho ang lahat ng tapang kong itago at ikimkim ang lahat. Nawalan na ako ng lakas para magsuot ng maskara. "S-Slade's right arm has been paralyzed and it's all my fault! Y-you should've seen the look on his face when he realized that he couldn't even close his hand or lift a damn finger! You should've seen how broken he was when the doctor couldn't even tell if he could still play the guitar! It's all my fault! It's all my fault!"

Sa sobrang bigat ng kalooban ko, namalayan ko na lang na yakap na ako ni Daddy at para akong isang batang umiiyak sa kanyang balikat. Walang-wala ang galit ko kay Daddy kumpara sa galit ko sa sarili ko nang mga sandaling iyon.

I didn't just ruin Slade's dreams. I ruined his life. He sacrificed so much for his dreams only for me to ruin it all. 

I sobbed out loud, pouring my heart out to the person I loathed for so many years. My heart was in pieces but I knew my pain is nothing compared to Slade's. 

"Sinisisi ka ba nila?" Tanong ni Daddy kaya naman mabilis kong itinulak ang sarili palayo at napatingin sa kanya. My vision was blurry from the tears in my eyes.

"Yun na nga eh!" Mas lalo akong napahagulgol. "It was clearly my fault but they're not blaming me! Kung tratuhin nila ako, parang wala akong ginawang mali! I ruined Slade's life! They should hate me! Napakasama ko sa kanila! I should--" Napalunok ako at paulit-ulit na napasinghap. Hindi ko na magawang makapagsalita pa dahil sa labis kong paghagulgol.

"Shh... Anak, anak makinig ka kay Daddy." Dad held both of my cheeks as he looked at my eyes, trying to calm me down. "Don't let the guilt eat you up. Don't let it ruin you the way it ruined me... the way I let it ruin our family."

Naguluhan ako sa sinabi ni Daddy ngunit hindi ko pa rin magawang makapagsalita dahil sa labis na bigat ng kalooban. Napatingin ako sa kanya, nangtatanong ang mga mata.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon