7 : Stay Away, Slade

75.4K 3.6K 1.1K
                                    

Sorry for not being able to update in a while. Something just didn't feel right lmao

 Something just didn't feel right lmao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


          Rinig na rinig ko parin ang dumadagundong na musika pero wala na sa isip ko ang makipag rakrakan pa. Wala na akong paki kahit pa may tumutugtog na ng mga Panic! At the Disco songs sa stage. Abala ang isipan ko sa pag-iisip ng mga bagay kung paano ko ididispatsa ang hayop na bassist ng Wave Syndicate.

          If I break his hand, I would forever ruin his music career, which is too evil of course.

          If I beat him up, my knuckles would only hurt, and I could be kicked out of the university which is a big no-no if course because once I get expelled I won't get to see Riley again.

          Hmmm.. I guess one punch would be enough? or one kick in the nut? Or a threat?

          I sighed to myself as it finally dawned on me. "Okay, threaten muna. He has to know what's mine first."

         "Sino bang kausap mo ,Rei?" Humalakhak si Sawyer na nakaupo sa tabi ko at sumisimsim ng alak. Katabi niya si Magno na tahimik na nanonood ng netflix sa isang tabi at umiinom ng alak. Sa tabi naman nito ay si Haji na animo'y agilang naniniktik ng kanyang susunod na bibiktimahing babae. Nakakainis! Ba't ba tumabi sa table ko ang mga ugok na 'to?! Baka mamaya akalain ni Riley na lumalandi ako rito sa bar! Hell no!

          "I'm talking to my guardian devil." I said and turned my head slightly to the back. "Yeah, I'll murder these guys soon, just wait Satan Jr." I whispered on the air.

          Pero habang ginagawa ko ito, napansin kong abala sa paglilibot ng kanilang paningin sina Lucho, Piper, at Warren. Parang may hinahanap sila.

           Ibinaba ko ang hawak kong frappe sa mesa at kunot-noong nilingon ang mesa kung saan ko huling nakita si Braylee suot ang bear costume niya. Wala na ang loka-loka rito. Teka, asan din si Riley?

           "Calling it a night 'cous?" Narinig kong tanong ni Magno pero di ako sumagot, bagkus, lumabit agad ako kay Piper.

           "Rei, have you seen Braylee or Riley?" Tanong agad ni Piper sa akin bago pa man ako makapagsalita.

           "Braylee was just sitting there the last time I saw her." Turo ko sa mesang malapit sa pinto. "And Riley.. he was with you right? Disgustingly ogling at that ugly bassist?" I couldn't hide the bitterness in my voice as I pointed the stage where the band from hell is playing.

          "No, he got a call from his Dad? Lumabas siya kanina pa para sagutin 'yon, didn't you see him walk out the door?" Sabi pa ni Piper kaya napailing ako. I was too busy plotting for the Bassist's demise that I actually didn't notice!

          "Riley's okay, si Braylee ang dapat nating alalahanin. Baka mamaya napano na yun." Lumapit sa amin si Warren at kinuha ang cellphone niya. I guess he was trying to call Braylee.

The Rebel's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon