Chapter 2

3.5K 79 22
                                    

Luckily, I still have half an hour until my second class so I have enough time to fix myself and my wrist. Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang kaagad sa clinic ng school.

I sighed when I finally reached the clinic. Nanghingi ako ng alcohol at betadine sa nurse para sa sugat ko. Mabuti na lang at busy siya sa cellphone niya kaya hindi na nagtanong pa kung saan ko gagamitin ang first aid.

Malamang sa sugat.

Mabilis ang lakad ko papunta sa comfort room na malapit at kinulong ang sarili ko sa isang cubicle. Binuksan ko ang alcohol at walang pag-aalinlangan na binuhusan ang sugat ko.

"Ouch, shit."

Kinagat ko ng madiin ang aking pang-ibaba na labi para pigilan ang sarili na mapasigaw sa sobrang sakit. Halos malasahan ko na ang dugo sa bibig ko sa diin ng pagkaka-kagat ko sa labi ko. Sinulyapan ko ang sugat ko na tila may nagbabagang uling na nilapat doon dahil nanunuot ang init hanggang sa loob ng balat ko. It was very painful but still tolerable since I've experienced worst than this.

Dahan dahan akong umupo sa tuyong tiles ng cubicle at sumandal sa dingding. Hindi ko magawang umiyak kahit gusto ng puso ko dahil alam kong wala din namang mangyayari kung iiyak ako. What's the use, right? Naubos na din yata ang luha ko matagal na panahon na.

Nilagyan ko ng betadine ang bulak na dala ko at dinampi ito sa sugat matapos matuyo ang alcohol na ibinuhos ko. Hindi ko mabilang kung ilan ang mga na hiwa sa pulso ko dahil naghahalo halo na sila. Kitang kita ang pulang laman sa ibabang parte ng pulso ko at halos mangitim na ang nakabukas na sugat dahil sa impeksyon. Alam ko na hindi naman talaga dapat nilalagyan ng alcohol ang mismong sugat pero wala akong pakialam. Matagal na panahon na akong naglilinis ng sugat kaya nasanay na akong alcohol ang nilalagay.

Napabuntong hininga ako at tinakpan ito ng panyo.

Lumabas ako ng cubicle at humarap sa malaking salamin matapos itali ang panyo sa pulso ko. Mapait akong ngumiti ng makita ang walang emosyon kong mga mata. Inilihis ko ang damit ko at nakita ang mga ebidensya ng nangyari kagabi. Mga pulang pantal at pasa mula sa marahas na paghawak sa akin ng lalaking naging costumer ko.

I sighed. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Tinali ko ang buhok ko at pilit na ngumiti sa salamin.

Wala akong mapapala kung magmumukmok ako dito.

Konti na lang, Elizabeth. Konti na lang at makakaalis ka din sa impyerno na 'to.

Lumabas ako ng comfort room at naglakad papunta sa klase ko. Dev texted me that she's already in the classroom. Lakad takbo ang ginawa ko dahil ilang minuto na lang at time na.

Nakarating naman ako on time at tulad ng inaasahan, tahimik ang klase dahil sa presensya ni Oliver. Kunot noo itong nagbabasa ng libro kaya tahimik akong umupo sa tabi niya.

Dev being herself, nilapitan niya ako at kinausap kahit na katabi ko ang presidente ng klase na ayaw sa maingay. Pero umupo pa rin si Dev sa kabilang gilid ko na bakante.

"Where have you been? Wala ka daw dito buong vacant time."

"Ah, may inasikaso lang." Palusot ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "If you say so..."

Nakaramdam ako ng lungkot at konsensya dahil alam ko na alam niyang hindi totoo lahat ng sinasabi kong rason sa kaniya noon pa man. Alam ko na aware siya sa lahat ng kasinungalingan ko pero hindi siya nagtatanong tungkol sa katotohanan dahil alam niya rin na may rason ako kung bakit ako nagsisinungaling.

I'm sorry, Dev. Para sayo din naman 'to...

Bumalik si Dev sa upuan niya kaya namayani ulit ang katahimikan sa pagitan namin ni Oliver. I'm the class secretary while he's the president that's why we're sitting next to each other. Hindi naman dapat ako ang secretary ng klase namin kaso si Dev kasi ang vice president tapos tinulak niya lang ako maging secretary para kahit my meeting ang officers ay magkasama kami.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now