Chapter 11

2.3K 62 10
                                    

It's Sunday. Sobrang tahimik ng apartment dahil umalis si Daisy para asikasuhin ang pagbabalik niya sa ospital na pinagtatrabahuhan sa Lunes. Natapos na ang isang buwan niyang leave kaya kailangan niya ng bumalik. Maayos na rin naman daw ang kalagayan ko kaya kampante na siyang iwan ako dito sa apartment niya.

I already asked her about the address of this apartment and she told me that this place is half an hour's ride from our school. Hindi na daw ako mahihirapang pumasok lalo na at may sakayan dito na dumadaan sa school. I texted Dev the address and now, she's on her way here.

Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay nang may magdoor bell. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Hindi ko inaasahan ang pagdamba ni Dev sa akin kaya muntik na kami matumba parehas!

"Eli!" She cried. Again.

"Good morning too, Dev." I teased her to lighten up the mood. "Ilang linggo lang akong nawala naging iyak na ang pagbati mo. Iyan ba ang bangong trend ngayon?"

But she just cried harder and hugged me tight. I instantly stop my teasing and hug her back sweetly.

"Stop crying already."

"It's your fault! You were gone for weeks! Nag-alala ako! I'm crying because I'm just so happy to see you okay? "

That made me smile. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinunasan ang luha niya.

"Don't be such a cry baby. Come on. Let's go inside." Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay.

She looks cute while pouting with her red face due to her crying. Pinaupo ko siya sa sofa at dinalhan ng tubig para naman umayos ang pakiramdam niya.

"Thank you..."

I just smiled and watch her finishing her drink. Sumandal siya sa sofa at mataman akong tinitigan matapos. Dumaan ang iba't ibang emosyon sa mata niya habang nakatitig sa akin kaya napawi ang ngiti ko at napabuntong hininga.

I know she wants to know the truth from me about everything.

"Eli..."

Huminga ako ng malalim.

"The article was partly true..." Panimula ko.

Nanubig muli ang mga mata niya. "Eli... H-How?"

Nalipat ang tingin ko sa basong nakalapag sa coffee table para iwasan ang pagtama ng mata namin habang nagkukwento ako. Hindi ko kayang makita ang magiging ekspresyon niya sa mga sasabihin ko.

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang dahilan ng pagkamatay ni Mommy... She suffered from a heart attack due to the stress from our family problem. The financial crisis that led to the bankruptcy of our company. The downfall of the Araneta." I smiled bitterly.

Hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit ng nangyari noon. How we fell from above painfully.

That until now... the impact lingers so deep in my heart.

"My dad got addicted to different vices even before the tragedy happened and because of his debts, we don't have enough money to waste anymore. Naglaho si Dad matapos mamatay ni Mom kaya nawalan ako ng koneksyon sa kaniya. Naging maayos naman ang pagtira ko mag-isa sa mansyon matapos ng trahedyang iyon. Ang mansyon na lang at iilang rest house ang natitirang ari arian namin kaya kahit papaano ay maayos pa akong nakakapasok sa school. Not until my Dad suddenly showed up and demand for my Mom's insurance money for me. Wala na siyang pangbili ng droga kaya gusto niyang kunin ang perang para sana sa akin. He didn't succeed taking the money, however, he successfully took something important from me..." Nanginig ang boses ko ng maalala ang bagay na iyon.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now