Chapter 13

2.2K 64 5
                                    

Just like what Jacob said, sinundo niya nga ako kinabukasan. I prepared us breakfast so we ate first before going to school. Kinabahan pa ako dahil baka may makakita sa amin pero mukhang wala lang ang bagay na iyon kay Jacob.

"Thank you." Sinabi ko nang makarating kami sa parking lot ng school.

"I'll text you after your last class."

Tinanguan ko lang siya.

Mabuti na lang at walang masyadong tao sa parte kung saan siya nagpark kaya kampante akong bumaba sa sasakyan niya. Bumaba din siya at pinatunog ang kotse bago naglakad papasok sa entrance. I followed him but I kept my distance.

"Eli!"

 Sinalubong ako ni Dev na kabababa lang rin ng sasakyan niya. Malawak ang ngiti niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Alam mo ba..." Nagsimula na siyang magkwento.

Pinapakinggan ko lang siya at nagsasalita lang kapag kailangan. Parang bumalik sa dati ang lahat kaya mas gumaan ang pakiramdam ko habang naglalakad sa corridor. Wala ng masyadong nag-uusap tungkol sa akin pero naroon pa rin ang mga tinginan nila. Mas okay 'yon kesa pagchismisan nila ako.

Pumasok kami sa klase at tahimik na nakinig sa discussion.

Inaantok ako sa sobrang hinhin ng pagsasalita ng prof namin pero pinilit kong makinig. Hindi tulad nitong katabi ko na nakangalumbaba na at natutulog. Tinatapik ko siya pero ayaw niya talaga magpatinag kaya hinayaan ko na lang hanggang sa matapos ang klase namin.

Mabuti na lang at hindi siya napansin ng prof dahil kung hindi ay pag-iinitan na naman siya.

"Ano na naman ba kasing ginawa mo at napuyat ka?" Tanong ko kay Dev pagsapit ng lunch.

Namula ang pisngi niya. "I-I stalked Dutch."

Nasapo ko sa noo ko.

"Again? Maybe you should uninstall your Instagram account so you can't stalk him anymore."

Ngumiwi siya.

"Even if I delete my Instagram app, I still have Twitter, Facebook, and more applications that would allow me to search for him."

That made me groan. "Yeah, of course. You have all the ways to know his whereabouts."

Tinawanan niya lang ako.

Nagpunta kami sa open field at umupo sa isa sa mga bench na may table doon. We already bought our lunch in the cafeteria a while ago and the cafeteria is packed with students so we decided to eat here instead.

Ilang minuto kaming tahimik nang magsalita si Dev.

"Was... it true? Oliver paid you to be his escort once?"

I froze.

Tinignan ko si Dev at nakitang nakatingin lang din siya sa akin habang sumusubo ng salad niya. She looks careful and serious at the same time. Iba ang dating sa akin ng tono niya.

"Who told you that?"

She drinks her orange juice first before she answers me.

"I saw all your contracts with every man you've been with. After I read them, I burned it all."

Umawang ang labi ko sa gulat. "Paano napunta sayo ang mga kontrata ko?"

"Connections." Tipid na sagot niya.

Natahimik ako. Hindi ko naman inililihim sa kaniya ang bagay na iyon pero ayoko ring sabihin dahil hindi naman importante  'yon. Hindi ko nga lang inaasahan na mapupunta sa kaniya ang mga papel ko sa Archangel.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora