Chapter 16

2.2K 61 45
                                    

"Congratulations!" Masayang bati ni Dev ng makababa ako sa stage matapos ng speech ko.

I smiled. "Thank you."

Dumako ang tingin ko sa isa sa mga guest na nasa stage. He smiled at me, making my heart flutter. I smiled back at the person who helped me get through my problems.

Zedric Jacob Mondragon.

I felt so happy when I saw how proud he was when we shook hands on the stage after my speech. I want to hug him tight because he is the reason why I'm still here and alive. Physically, mentally, and emotionally.

Natigil ang pagtitig ko kay Jacob ng sikuhin ako ng katabi ko na si Dev.

"Baka naman matunaw yung tinititigan mo."

Nag-init ang pisngi ko. I didn't realize that I was already staring too much at him.

"W-Wala akong tinititigan." I tried to deny.

"Oo na lang." She smirked. "Hindi ko inaakalang mauunahan mo akong lumandi."

Sinundot niya ang tagiliran ko. Aba't! Sinong lumalandi?

Napapitlag ako. "Anong lumandi ang sinasabi mo? Walang namamagitan sa amin ni Jacob."

Nagulat ako ng humalakhak siya. Our classmates who sits near us glance at our side because of her laugh. Umiwas ako ng tingin sa kanila at nahiya.

"Got you! I didn't mention any name and you thought about him in instant!" Tumatawang aniya. "Saka mali ka ng sinabi! Dapat sinabi mo na wala pang namamagitan sa inyo. Dahil soon, magkakaroon."

"W-We are talking about Jacob so I thought that you're on him!" I reasoned out to save myself.

"Huli ka na, Eli. Stop denying."

Tinaas baba niya pa ang kilay niya para lalo akong asarin.

I frowned. Nakakainis dahil may punto siya. She caught me off guard!

Hinila ko ang itim na toga niya sa inis.

"Tumigil ka nga, Dev. Pinagtitinginan na tayo!"

Tinakpan niya ang bibig niya pero impit pa rin siyang tumatawa kaya napairap ako. Sakto naman na dumako ang tingin ko kay Jacob na nasa stage at nakatingin sa parte namin. He looked amuse while watching us, making me feel more embarrass.

Tumigil lang si Dev sa pagtawa nang tumayo si Dutch para sa congratulatory speech niya. I looked at Dev when I felt her stiffened while listening to Dutch's speech. Lumapit ako ng bahagya sa kaniya at bumulong.

"Congratulations daw." Asar ko pabalik sa kaniya.

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin at siniko. Natatawang lumayo ako ng kaunti sa kaniya para umiwas.

"Pikon."

Pinanlakihan niya ako ng mata. I chuckled silently. She looks really annoyed.

"Tumahimik ka kung ayaw mong magpagulong gulong sa hagdan na nasa gilid mo." Banta niya sa akin.

Yumuko ako at tahimik na natawa. Talo talaga siya lagi kapag si Dutch ng usapan.

Natapos ang ceremony sa paghagis ng mortarboard sa ere at pagsalo nito. I got my classmate's hat but everything looks the same so I don't mind.

"We have celebration in the house. Tara na at sabay na tayong pumunta." Hila ni Dev sa akin matapos naming kumuha magpicture.

"Wait!" Huminto ako at hinanap si Jacob sa paligid.

Nagliwanag ang mukha ko ng makita siyang papalapit sa pwesto namin. I automatically smile when our eyes met. Then suddenly, tila nagfocus sa kaniya ang lahat. Everything seems blurry except to him.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now