Epilogue

3.7K 77 22
                                    

Life is like a sky. Maliwanag tapos didilim... pero asahang liliwanag din kalaunan. Hindi natatapos ang paulit-ulit na sirkulasyon ng dilim at liwanag.

May mga araw na maganda at makinang ang kalangitan o magaganda ang pormasyon ng ulap. Sa gabi, maliwanag na buwan ang makikita na may kasamang bituing nagniningning sa gitna ng madilim na kapaligiran.

Parang buhay... May oras na maliwanag at maganda ang lahat tapos didilim... ngunit sa katagalan, makikitang muli ang kagandahan nito.

Ang maliwanag na kalangitan na simbolismo ng bagong umaga kung saan may sikat ng araw. May mga oras na kumukulimlim din... at bumubuhos ang malakas na ulan.

I realized that even if everything is bright, there are times that darkness will mix with that bright light.

Ulap na maaaring maging simbolismo ng ating buhay. Minsan maliwanag at malinaw na puti ang makikita. Nagkakaroon ng magagandang pormasyon at sumusunod sa hangin na sumisimbulo sa daloy ng buhay. Pero minsan may pagkakataon na mahahaluan ito ng dilim na nagsisimbulo sa problema sa buhay. Bubuhos ang ulan na maaaring sumimbulo ng pagsisikap para malagpasan ang problemang hinaharap at muli, liliwanag ang kalangitan.

Magiging tropeyo ang bahagharing lilitaw matapos ang malakas na ulan.

Kapag gabi naman, buwan ay maaaring sumimbulo sa lakas ng loob ng isang tao na lumaban sa buhay. Napapalibutan ng dilim na simbulo ng walang katapusang problema ngunit nakuha pa ring maging maliwanag sa kabila ng kadiliman. May mga oras na natatakpan ito ng ulap na maaaring simbolismo ng kawalan ng pag-asa pero sa huli, lilitaw ang maliwanag na buwan sa kabila ng lahat...

Buwan na kahit may lamat o butas, hindi nasisira o nawawala. Nananatiling matatag at nagpapaliwanag sa madilim na kalangitan. Parang lakas ng loob. Even if you've been rejected many times, it keeps going until we finally reached our goal. Nagkakalamat pero hindi masisira ang pangarap...


Jacob's Point of View

It's been years since she left. I can still remember our first meeting and I'm sure she can't remember me because she was so young when I first saw her...


I'm playing in our backyard when a kid came running to me, crying. Nakita kong hinahabol siya ng Siberian husky namin na halos kasing laki niya lang. 

Help! Mommy!" She cried and hugged my waist.

I could tell that she's around three to four years old because she's small and cute. Pulang pula ang mukha niya kaiiyak pero hindi naging hadlang iyon para mapansin ko ang inosenteng itsura niya. The color of her eyes are somewhat gray and is shaped like an almond. Malalantik ang pilikmata nito at matangos ang namumulang ilong. Kumibot ang manipis at pulang pula niyang labi at sumayaw ang kulay chocolate niyang buhok.

"Viper," I called our dog. "Sit and stay." I firmly commanded which he gladly obeyed.

Nilingon ng bata ang aso namin na humihingal. Viper is a good dog and I think he just wants to play, but this kid is scared because our dog is bigger than her.

"Don't worry, he doesn't bite. He just wants to play with you." Sabi ko sa bata.

The kid pouted.  Parang may kung anong kumabog sa dibdib ko. She looks very adorable..

"B-But he's too big and he might eat me..." Naluluhang sabi nito.

Hindi ko mapigilang tumawa. Binuhat ko siya at lumapit kami sa aso ko pero binaon ng niya lang ang mukha sa leeg ko. She's really scared.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now