Chapter 20

2.2K 64 15
                                    

Nagising ako kinabukasan na nanghihina.

Binalot ko ng tuwalya yung pulso ko na puro dugo kagabi kaya hindi kumalat sa kama yung dugo. Naging pula nga lang yung puting towel ng hotel.

Kahit nanghihina, nagawa ko pa ring ayusin ang sarili ko.

I used the first aid kit here in my room before going out. I decided to walk around the place. I can't stay inside my room the whole day. Baka kung ano pang magawa ko sa sarili ko.

Tulala ako habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Marami ng tao dahil alas nuebe na ng umaga at kahit late na ako nagising ay hindi ako nakakaramdam ng gutom. I felt void. Walang pumapasok na kahit ano sa utak ko pero nasasaktan ako. Yung tipong alam mong may sugat ka kasi nasasaktan ka pero hindi mo alam kung saang parte at kung anong dahilan bakit ka nagkasugat?

That's what I'm feeling right now.

Hindi ko alam kung saan na ako nakarating, basta alam kong malayo na ang nalakad ko dahil masakit na ang mga paa ko. Tirik na ang araw kaya sigurado akong tanghali na. I feel thirsty but I'm not hungry.

What's happening to me?

Muntik na akong matumba nang may mabanga ako. Someone held my hand.

"Sorry!"

Napakurap ako at nakita ang isang babae sa harapan ko. Hindi ko napansin ang pagdaan niya kaya nagkabanggaan kami.

What captivates me the most is her shining amber eyes.

"It's my fault. I apologize..."

She smiled. "I'm partly at fault too. Hindi ko nakita na dadaan ka. Pasensya ka na." She brushed her hair.

She looks Spanish and Italian mixed. Her hair is Asian, though. It's black and wavy. Halos magkasing tangkad lang kami pero mas curvy siya sa akin. She's gorgeous.

"Are you a tourist?" Bigla niyang tanong.

"Yes."

Napatango siya. "That explains..."

Naguluhan naman ako. "Bakit? How did you know?"

"People who live around here wouldn't dare to step in this part of the land." Turo niya sa tinatapakan namin. "Cause my grandfather used to shoot them away." She chuckled.

My eyes widen. "What? Then..."

"This is a private property. You just trespassed." Natatawang aniya.

Napahakbang ako paatras sa gulat. Tumawa lang yung babae sa ginawa ko samantalang ako takot na takot na kasi baka bigla na lang akong bumulagta dito dahil may bumaril sa akin.

Hindi ba't mas maganda 'yun?

"Don't worry." Napatingin ulit ako sa babae nang magsalita siya. "My grandfather is already dead so no one will shoot you here unless you'll harm us."

Nakahinga naman ako ng maluwag.

I smiled apologetically. "I'm sorry. Hindi ko kasi namalayan na napadpad na ako dito. I was walking in oblivion. Pasensya na."

Bahagya akong yumuko at akmang aalis na.

"Wait!"

I stopped.

"I can tour you around!" Napalingon ako sa babae ng bigla siyang mag-offer no'n.

Naglahad siya ng kamay. "I'm Amber Chandler, by the way. Our home is not far from here." Turo niya sa bandang likod niya. "I can tour you in some beautiful places near here."

Nakaramdam ako ng inggit sa kumikislap niyang mga mata. Her light amber eyes are glowing while mine is greyish and dull. Walang kabuhay buhay.

I agreed to her proposal after introducing myself but since it was already lunch time, she invited me to have lunch with her at their house first. Wala daw siyang kasama dahil may pinuntahan ang Lola niya at naiwan siyang mag-isa dito sa kanila. I joined her even if I had no appetite to eat.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon