Chapter 4

2.5K 57 33
                                    

Matapos namin maglibot at kumuha ng iba't ibang litrato sa mga lugar na gusto ni Dev, naghiwalay na kami ng daanan pauwi. Siya papunta sa parking lot at ako papuntang west exit ng mall kung saan makikita ang building ng condominium na tinitirahan ko. Halos sampung minuto akong naglakad bago nakapasok sa entrance ng condo.

Hotel style ang condo at isa ito sa kilalang five star condominium dito sa Makati. Si Tita Imelda ang bumili ng unit para sa akin dahil hindi ako pwedeng tumira sa bahay niya kahit na mag-isa lang naman siya doon. Hindi ko alam pero ramdam ko ang hindi niya pagkagusto sa akin. Mabuti na lang at tinanggap niya pa rin ako para magtrabaho sa kaniya at hindi katulad sa ibang escort, ibinibigay niya ang buong bayad ng customer sa akin imbis na 50/50 dapat kami.

Dahil sa kaniya malapit ko ng mabayaran ang utang ni Dad kaya thankful ako kahit na ramdam kong ayaw niya sa akin.

Pumasok ako sa building at nginitian ang guard at receptionist na binati ako, bago ko ini-swipe ang identification card sa isang machine sa gilid ng reception area. This machine records everyone who goes inside and outside of the building. For security purposes.

"Welcome, owner of unit 510."

Sa ibabang parte ng welcome ay naroon ang mga taong pumasok sa unit ko. Mag-isa lang ako sa unit ko at wala namang halos bumibisita sa akin kaya nagulat ako ng makita ang pangalan ni Tita doon.

'Imelda Araneta has entered your unit at 8 am, and signed out by 9 am'

Kunot noong kinuha ko ang business phone ko para tawagan si Tita habang papasakay sa elevator. Pinindot ko ang 11th floor kung nasaan ang unit ko. Sumandal ako sa malamig na haligi ng elevator at hinintay ang pagsagot niya habang tinitignan ang sariling repleksyon sa metal na pinto ng elevator.

She picked up after five rings.

"Hello?" Malamig na boses na aniya.

"Hello po, Tita. I just wanna ask why did you visit my unit. Do you need anything po?"

Pero kung may kailangan nga siya sa unit ko puwede niya naman ako kausapin para ako na lang ang magbibigay sa kaniya. She can just ask me directly or if she really wants to do it herself, sana sinabihan niya ako na bibisita siya para nasamahan ko siya.

Cause even if she was the one who brought my unit, I want to have privacy from everyone, even from a relative like her.

Ilang segundo siya hindi umimik sa kabilang linya.

"I-I just want to see if e-everything is fine, E-Elizabeth." Bahagyang nanginig ang boses niya na ipinagtaka ko.

She never sound so bothered like this before. Laging malamig ang pakikitungo niya sa akin kaya nagtataka ako sa tono ng boses niya.

"Is everything okay, Tita?"

"No— I-I'm busy! See you later." At basta niya na lang ibinaba ang tawag.

Natulala nalang ako sa cellphone ko hangga't huminto ang elevator sa tamang palapag. Bumuntong hininga ako bago lumabas. Nang nasa harap na ako ng unit ko, I press my passcode and my finger print on the steel door of my unit. I walked inside then close the door behind me. Then I stare at the empty and quiet unit I have. Automatic na nadetect and presensya ko kaya bumukas ang buong ilaw.

Maliwanag pero hindi nito napapawi ang katahimikan na unti unting nag-uudyok sa akin na mag-isip ng hindi maganda.

I'm alone. Again.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng kwarto ko at ni-lock ang pintuan pagkatapos. Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama at tumitig sa kulay kremang kisame. Kahit gaano kaganda at kalaki ang unit na ito, hindi 'to sapat para mapigilan ang pagpasok ng sunod sunod na imahe sa isipan ko.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now