Chapter 3

2.8K 68 14
                                    

Stall by stall and boutique by boutique ang ginagawa namin. Nasanay na ako na ganito siya kapag nagsho-shopping.

Tahimik ko siyang pinapanood habang bitbit ang inumin mula sa Starbucks na unang pinuntahan namin. Nasa isang sikat na clothing line kami ngayon at hindi ko mabilang kung ilang beses nang nagsukat si Dev ng damit saka ipapakritiko sa akin pagtapos.

Bumukas ang pinto ng fitting room sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Lumabas siya mula doon.

"What about this one, Eli?"

It is a black Off-shoulder dress, flowing above her knee with some silver linings on the skirt part. Simple at elegante iyon tignan.

"Looks good on you." Tanging sinabi ko at sumipsip sa milktea na hawak.

Well, ubos na 'yong iniinom ko kanina.

"Come on!" She whined. "Can't you say anything aside from that? We've been in countless stores but your comments are always the same!"

Tinatamad ko siyang tinignan.

"Devonne Gabbie, are you aware that everything you wear suits you? You're not that stupid to realize that every time you look in the mirror, right? So ano pang gusto mong gawin ko? Mag list down ng mga adjectives na pangdescribe sa'yo at yun yung sasabihin ko bawat fit mo ng damit? My goodness, Dev."

Lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko at tinakbo ang distansya namin. Not minding her freaking high heels.

"I really, really love you, Mariyah Elizabeth! You're so honest and you never fail to boost my confidence and because of that, sayo na itong damit."

Wrong move.

Napabuntong hininga ako at tinanggap ang padamba niyang yakap. Gusto ko tumanggi pero ayoko siyang malungkot. She loves playing dress up on me dahil 'di katulad niya, simpleng damit lang ang mga tipo ko.

"I'm fine with the words you said but please, stop saying my whole name. It gives me chills." Naaasar na sinabi ko.

"Oops! Sorry!" Bumungisngis siya at tumakbo pabalik sa fitting room.

Bumalik ako ng upo at bahagyang tumingin sa paligid. These clothes cost thousands to hundred thousand pesos but everything looks simple and ordinary.

Ano 'to? May ginto ba sa loob or what? It's so expensive!

Sa wakas ay natapos din si Dev sa pagsusukat ng mga damit sa boutique na iyon at nagpasya siya na kumain muna kami ng miryenda.

We went to our usual restaurant here in the mall. I silently eat my waffles with ice cream on the top while Dev is telling me every little thing that happened in her life outside the school. I just listened to her and gave comments if needed.

"Our business is blooming and reaching its peak. Masayang masaya sila Mommy at Daddy dahil maraming investors ang pumasok ngayon sa kumpanya!" Kumislap ang galak sa mata niya habang nagkukwento.

I hope I can also tell her my story with that eyes but I know that I will never be happy like her.

Saglit na nawala ang atensyon ko kay Dev. Hindi ko maiwasang mainggit sa kasiyang nararamdaman niya at sa pangarap na meron siya. Dahil ako... wala na akong pangarap para sa sarili ko. I just know I won't reach it so what's the point of dreaming?

"How about you, Eli? Ilang months na lang at graduation na natin. What's your plans?"

Tumigil pa siya sa pagkain para mapakinggan ang sagot ko. But sorry to disappoint her...

"I don't think I have plans aside from working."

Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinagot ko.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now