Chapter 15

2.2K 73 16
                                    

"This?"

"No."

"This one?"

"Not my type."

"What about this?"

"Too revealing."

"Ano ba talaga?" Padabog na binitawan ni Dev ang dress na hawak. "Nakailang boutique na tayo, Eli! Wala ka pa rin bang matipuhan?"

Ngumiwi ako. That's true. Pero kasi hindi ko talaga tipo lahat ng nire-recommend niya. Either it's too revealing or body hugging dresses.

"I don't like your style, Dev."

Simangutan niya ako. "Fine. Pick your own dress."

Graduation party na namin sa susunod na linggo at long gown ang napili kong suotin. It was hard to pick a simple dress dahil magarbo ang disenyo ng mga gown sa boutique na pinapasukan namin.

"What? Wala ka pa rin bang matipuhan?" Naiinip na tinignan ako ni Dev.

"Saglit lang-"

Natigilan ako nang mahagip ng tingin ko ang isang magandang silver long dress na nakadisplay sa katabing boutique na nilabasan  namin.

A silver thin-strapped dress with Swarovski all over it. The chest part is in a deep V cut and there is a high slit on the right side of the leg. It's inside a display case.

Hindi ko gusto ang revealing type na dress pero may kakaiba sa dress na 'to. It instantly hook my attention. Ngayon, iisa lang ang nasa isip ko.

I want this dress.

Hindi ko nilingon si Dev ng tawagin niya ako at basta na lang pumasok sa boutique kung saan naka-display ang gown.

"I want this dress." Sinabi ko kay Dev.

"Are you sure? That's pretty expensive."

Binaliwala ko ang sinabi ni Dev. Instead, I focused on the attendant who went to me for assistance.

"Can I try this one? I want to buy this."

"P-Po?" Napakurap ang staff.

"I want to try this dress."

Parang hindi pa naniniwala ang babae dahil ilang segundo niya pa akong tinitigan. Tumikhim ito at lumingon lingon na parang may hinahanap.

"Can you wait for a minute, ma'am? I need to tell the manager about your request first. This dress is one of our limited edition and an expensive collection."

Tumango ako. "Sure."

Umalis ang staff habang abala ako sa pagsipat sa dress.

This are authentic Swarovski crystals. Siguradong hindi biro ang presyo nito dahil maging ang tela ay napakagandang tignan. May nakalagay rin na stilettos sa ibabang parte nito na partner ng dress.

Mahigpit ako sa pera pero handa akong gumastos para sa damit na 'to.

Maya maya pa at dumadating ang manager. Pinayagan akong sukatin ang dress, pero may charge kung hindi ko kukunin ang dress matapos kong sukatin ko. Masyado daw mahal ang dress at dapat nilang ingatan dahil personal na disenyo iyon ng may-ari ng boutique.

"You look perfect!" Tuwang tuwa na bungad ni Dev nang lumabas ako sa dressing room.

Napangiti ako at tumingin sa salamin. Parang sinukat sa akin yung dress dahil saktong sakto sa katawan ko. Bumagay pa sa maputlang kulay ng balat ko ang kulay kaya ang puti ko tignan.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now