Chapter 14

2.1K 66 28
                                    

Natapos ang unang araw namin na pagod ang lahat. Hindi namin inaasahan na sobrang dami ng bibili kaya lahat kami ay halos humiga na sa sahig sa sobrang pagod.

"Nakakangalay." Reklamo ni Nita na nakaupo sa tabi ko.

Ganon din ang reklamo ko pero sinarili ko na lang. Si Dev naman nagrereklamo na masakit ang paa niya kakatayo at kakalakad pabalik balik.

"We still have four days to accomplish this. Kaya pa?" Asar ko kay Dev na nakasimangot sa harap ko.

Umismid siya. "Of course. Para sa grades."

Nagpatuloy ang magandang sales ng café namin sa mga sumunod na araw. Bumalik agad ang puhunan namin sa ikatlong araw pa lang kaya sa sobrang tuwa nila ay nagsale sila ngayong last day namin. Hindi nga lang namin inaasahan na mas do-double ang magiging customer.

Ininda ko ang paso sa pulso at daliri ko ng kunin ko ang cupcakes mula sa oven. I started putting toppings on the cakes while Nita is preparing for another batch of buko pie. Mas mabenta ang buko pie, chocolate chip cupcakes, at strawberry shortcake kaya nakailang luto na kami. May mga bumibili ng buong cake kaya hindi kami magkandaugaga dito sa kitchen para gumawa ulit pamalit sa mga nabiling pastries.

Sumapit ang hapon at medyo nabawasan ang customer. May tig tatlong stock pa ng bawat pastries sa fridge kaya nagbreak muna kami sa pagba-bake.

Pagod na umupo ako sa upuan at yumukyok para magpahinga. May kasama si Dev sa kabilang table na nagrequest sa kaniya kaya tahimik ako dito sa gilid.

"Tired?"

Napamugat ako.

"Ja—I mean, Sir Jacob? What are you doing here?"

Umupo siya sa harapan ko. He's wearing his usual long sleeves rolled up to his elbow, then slacks and black shoes.

"I just want to see what you are doing." Sumandal siya sa upuan. "And stop calling me Sir 'cause I'm not your professor anymore."

Oo nga pala. May pumalit na nga pala sa kaniya bilang professor namin kaya hindi na siya papasok dito sa university sa Monday.

"If you say so." Kibit balikat ko. "So, hindi mo na ako maihahatid sundo?" Ngumisi ako.

"Oh, yeah?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Says who?"

Sumimangot ako. "Jacob, hindi na ako bata."

"So?"

Inismiran ko siya at sumimsim sa kape na inorder ko. Pinanood niya lang ako habang panaka-nakang sumusubo ng chocolate cake na inorder niya.

"How was the cake?"

"Taste good." Maikling sagot niya.

Ngumuso ako at hinayaan siyang kumain. Malapit na rin naman kaming magpack up at pinapaubos na lang ang pastries kaya pahinga ko na talaga.

I excused myself to Jacob and walk to the counter. Tinuro ko ang mga gusto kong bilhin na pastries kay Reggie na nasa counter ngayon.

"I'll take the whole strawberry shortcake, buko pie, and six pieces of pistachio cupcakes."

Ngumisi si Reggie. "Iuuwi mo? Takaw." Asar niya.

I chuckled. "Yeah. Mahilig ako sa sweets. Paki pack na lang tapos kukunin ko kapag natapos tayo ngayong araw."

"Copy."

Bumalik ako ng upo sa harap ni Jacob na busy sa laptop niya. Ilang sandali pa at tumigil na siya sa pagtitipa at tinignan ako.

"Do you have plans after graduation?" He suddenly asked me.

Napaisip ako. Wala akong plano noon dahil wala akong pakialam sa magiging kinabukasan ko. 

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now