Chapter 25

2.6K 55 23
                                    

Nakatulala lang ako habang kumakain ng dinner kasama si Mamá at Luther. Wala pa si Papá at Hellrion kaya kami lang ang narito sa bahay.

Nagsasalita si Mamá pero wala doon ang atensyon ko. Lumilipad ito sa nangyari kanina.

The kiss...

I was able to get away from Jacob because he suddenly got a call in the middle of kissing me. Naitulak ko siya at mabilis akong nakatakbo pasakay ng elevator. I was so lucky that the elevator closed before he could enter.

Kanina pa ako lutang dahil sa nangyari. Hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik sa opisina ni Mamá at nakauwi sa bahay namin gayong wala ako sa wisyo.

Sino ba naman kasi ang makakapag-isip ng tama kung hinalikan ng taong hindi mo inaasahang lalapit sayo!

I'm sure he was angry about something I did. Oo, naaalala ko ang tinutukoy niya na nakipagsayaw ako kay Oliver, pero malabo ang alaala ko nung bandang huli. I was then dead-drunk. But I remember he tried to kiss me...? Then someone pulled me, I think?

Hindi ko na alam! Basta ang hindi ko makuha ay kung paano ako napunta kay Jacob.

At bakit nga pala siya nasa harap ng women's comfort room in the first place?

Baka lumiko ng landas at pinili na lang maging-

Napasimangot ako sa naisip at umiling iling. That's nonsense. Hindi pwede! Masyado siyang gwapo, dapat kinakalat ang ganong lahi.

I volunteer. Pa-lahi ako-

"Ate, bacon?"

Napunta ang atensyon ko kay Luther nang marahan niya akong kinalabit.

"A-Ah, yes! Here." Binigay ko sa kaniya ang piraso ng bacon.

After dinner, nakipagkulitan ako saglit kay Luther bago nagkulong sa sariling kuwarto.

I swear, hindi na ako babalik sa kumpanya! Isa nga pala ang mga Mondragon sa major investor namin, nakalimutan ko 'yon. Siguradong magku-krus at magku-krus talaga ang landas namin kapag pumunta ulit ako doon.

Hanggang kinabukasan occupied ang isip ko nang nangyaring halikan.

I sighed and caressed my lips using a fork. I still can't eat properly since that kiss keeps on appearing in my mind. At padumi iyon ng padumi!

I bit my lower lip when I remembered how hot he was when mad. I don't know but it excites the hell out of me for some reason. Ang sarap niyang... galitin.

Nababaliw na nga yata ako.

His soft and wet lips...

"Hail!" Napatalon ako sa gulat nang tumaas ang boses ni Mamá. "I'm asking you for the nth time!"

"Po?!" Nanlaki ang mata ko.

Napangiwi ako nang makita ang iritasyon sa mukha ni Mamá.

"I'm sorry, Mamá. I was just thinking about some... things..."

Ayan napapala mo kakaisip ng halik ng lalaking iyon, Lorraine Hail!

"It's fine." She sighed. Tumikhim siya. "As I was saying, I need you to temporarily handle our company. I need to follow your Papá abroad. Something happened."

Napaderetso ako ng upo. "What happened?"

"The shipping of our partnered company's products got delayed due to a strong typhoon. They refused to pay for their part since we couldn't deliver the products on time."

"That's absurd! We should sue them!"

"Of course, we will." Kalmado siyang sumimsim ng tsaa. "Your Papá and I are planning to play with them a little more. We're planning to buy their company."

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon