Chapter 24

2.3K 57 18
                                    

I groaned when I felt the familiar pain in my head. Parang may umiipit sa ulo ko tapos pinupukpok ito!

This is the first hangover I had ever since I got drunk on Dev's graduation party. Pumupunta ako sa club sa Switzerland pero hindi ko umiinom ng sobra kasi nagmamaneho pa ako pauwi. Ngayon lang ako nagpakalasing dahil alam kong safe ako kasama si Dev.

Napamugat ako ng maalalang kasama ko pala si Dev at dapat nasa club kami!

I bit my lower lip when I remembered what happened last night. Someone pulled me out of the bar before I passed out drunk.

Pero sino ang humila sa akin?

Napatingin ako sa side table at nakitang may baso ng tubig doon at isang tableta na tingin ko para sa hangover. May tray ng agahan din doon.

It's suspicious. Wala akong ideya kung nasaan ako at kung sinong nagdala sa akin dito-


"Fuck. I missed you so damn much."

"I'm taking you home..."


H-Huh?

Pumikit ako ng mariin. Ano 'yun?! Bigla na lang akong may naalala, pero hindi ko matukoy kung sino ang nagsabi no'n!

I sat on the bed. That's when I realized I was wearing nothing but a robe!

What the heck?!

I panicked. Bakit wala na akong damit?! Don't tell me, pinalitan ng taong nagdala sa akin dito, yung damit ko?!

Pati underwear wala! Pangpalubag-loob na lang na walang masakit sa akin maliban sa ulo ko, pero hindi pa rin mababago no'n ang katotohanang may naghubad sa akin!

"Shit!"

Tumayo ako. I close my eyes and pace back and forth while trying hard to remember even just a small fragment of memory from last night. Kahit sana yung mukha lang nung humigit sa akin!


"Why do you keep on calling me Mariyah? I'm Lorraine Hail, Mister. Para ka talagang si Jacob..."


Si Jacob! Si Jacob ang humila sa akin kagabi!

Sinapo ko ang noo ko. Nakakahiya! He probably witnessed how messed up I am! That's for sure!

Pero kasal na siya 'di ba...?

I don't know how I got here and how he got me. Wala naman siya sa club kagabi kaya nagtataka ako. Siguro nagkataon lang. Hindi niya naman ako sasadyain doon dahil may asawa na siya...

Bahala na! Basta kailangan ko nang makaalis dito!

Ininom ko ang tableta ng gamot matapos kumain. Hindi na ako nag-inarte pa dahil gutom na gutom na din talaga ako.

Kaya lang, hindi ko alam kung paano ako makakauwi gayong wala akong damit!

Sa pagkabahala sa pagbabalik ni Jacob, pumasok ako sa walk in closet at basta na lang kumuha ng damit doon. I borrowed a shirt and his thick jogging pants. Wala akong panloob kaya namili ako ng makapal na susuotin. Nakakahiya pero kasalanan niya naman dahil siya ang nag-alis ng damit ko!

I disregard the thoughts that he saw me naked again, at binilisan na ang galaw. Ayokong magpang-abot kami!

Thankfully, my stilettos is in his shoe rack. Kung hindi maglalakad talaga ako ng naka indoor slippers.

Nakita ko ang purse ko kanina sa closet ni Jacob kaya naman wala na akong problema kung aalis ako. Lumabas ako sa kuwarto. Kumalat ang pait sa loob ko. Wala man lang siya dito kahit alam niyang nandito ako.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now