Chapter 7

2.1K 63 13
                                    

Tiningala ko ang abandunado at malaking mansyon sa harapan ko. Sunod sunod na pumasok sa isip ko lahat ng alaalang meron ako sa bahay na 'to. Mula patio na nasa bungad ng mansyon, hanggang sa garden at pool na nasa likod na parte ng bahay.

Malayong malayo ang masigla at buhay na buhay na mansyon noon sa sira at madilim na bahay ngayon.

Napabuntong hininga ako at dahan dahang pumasok sa mataas na tarangkahan.

Kupas na kulay at sunog ang kanang bahagi ang makikita sa labas. Alam kong sinadyang sunugin ang bahay dahil tangin kuwarto lang nila Mommy at Daddy, pati ang opisina nila ang nasunog. Walang bakas ng sunog ang gitna hanggang kaliwang parte ng mansyon kung nasaan ang kuwarto ko kaya malakas ang loob ko na pumunta ngayon.

It was locked. Mahigpit ang pagkakakandado ng pintuan pero dahil ilang taon akong tumira dito, alam ko kung nasaan ang iba pang pwedeng pasukan dito. My mother said that she insisted on making different door way for emergency purposes. So we have a few secret passage here.

Dumeretso ako sa likod na hardin at hinawi ang makapal na baging doon. Napangiti ako ng makita ang pintuan na mukhang pader lang na may baging. Dinukot ko ang susi mula sa pasong nakalagay sa tabi nito at binuksan ang pinto. Sobrang dilim dahil gabi na at walang ilaw dahil matagal ng walang nakatira dito. Binuksan ko ang biniling flash light at pinasadahan ng tingin ang paligid. Nasa dirty kitchen ako at sobrang maalikabok kaya hindi ko mapigilang maubo. Tumatama pa sa mukha ko ang mga sapot na nagkalat.

Nakarating ako sa sala at wala sa sariling napangiti dahil maayos na natatabunan ng puting tela ang lahat ng muwebles. Isa isa ko itong tinignan. Kumpleto ang lahat at para bang tinabunan lang ito panandalian dahil inaasahang babalik din ang nakatira. That made me emotional because I know what we have before will never come back.

Maingat akong umakyat sa hagdanan at tinunton ang kuwarto ko. Pinaghalong saya at sakit ang naramdaman ko dahil dito unang nawala ang dignidad ko pero sa kabilang banda, itong kuwarto din ang safe haven ko noong bata ako.

Katulad sa baba, nakatabon ng mga puting tela ang lahat ng muwebles pati ang mga damit na naiwan ko at vanity mirror ko noon. Lumapit ako sa sariling vault ko at binuksan ito. Bumungad sa akin ang lahat ng regalong alahas sa akin at ang iilang passbook na si Mommy ang may pakana. Kinuha ko ito at binuksan.

Balance: $83.000.000 USD

Matagal ko ng alam ang tungkol sa saving account ni Mommy na ipinangalan niya sa akin pero hindi ko ito kailanman ginalaw. I choose to work for my father's dept because I don't want my Mother's money go waste on that reason. Pinaghirapan ni Mommy ang mga pera na ito at hindi ko hahayaan na mapunta lang ang lahat sa utang ni Daddy.

Kinuha ko ang isang backpack ko noong bata pa ako at isinilid lahat ng importanteng bagay sa bag. Someone told me that Tita Imelda will look and get this money tommorow so I went here as soon as I can para unahan siya. Hindi ko hahayaang makuha niya ang pera ni Mommy.

Maaga pa ng matapos ako sa ginagawa kaya naglibot muna ako sa buong bahay. Kampante ako na hindi magagalaw ni Tita ang lahat ng gamit dito dahil ipinangalan sa akin ang mansyon at ang lahat ng ari arian ni Mommy bago siya tuluyang mamatay. Nakapagbilin na ako sa security na kung may gagalawin man si Tita, tumawag agad ng pulis dahil pagnanakaw ang gagawin niya.

Nakarating ako sa library. It smells old and I like it. It feels nostalgic.

Malungkot akong ngumiti sa portrait naming pamilya sa gitna ng library. They are both hugging me while I'm sitting in the middle of the both of them. Masayang masaya kami noon kaya hindi ko maintindihan kung bakit nauwi sa gabitong sitwasyon ang lahat...

Isa isa kong binuksan ang mga cabinet doon na puno ng papel. Mga tambak na trabaho ni Mommy tungkol sa negosyo na hindi niya na nagawa pa dahil inatake siya. I smiled when I saw my picture in a frame in one of her cabinet. Kinuha ko ito.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon