Chapter 12

2.2K 66 16
                                    

Monday came so fast. Sinundo ako ni Dev kaya maaga pa lang ay nasa apartment na siya para sabayan din akong mag-agahan.

Tahimik lang ako habang kumakain dahil hindi ko maiwasang matakot sa maaaring mangyari ngayong araw. Halos tatlong linggo na akong hindi pumapasok at bukod sa marami akong dapat habulin na gawain, siguradong magiging sentro ako ng usapan sa school dahil sa article na inilabas sa Tweeter.

Pinilit kong maging casual nang makapagpark si Dev sa parking space niya dito sa school. Maaga kami ng isang oras para makapagtanong sa mga prof ng mga na-missed namin na gawain.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan.

"Is that Elizabeth?"

"She's back!"

"I can't believe..."

I bit my lower lip as I anticipate their next lines. Inaasahan ko na ang masasakit na salitang babanggitin nila at inihanda ko na rin ang sarili sa magiging husga ng sa akin.

"I can't believe that her aunt did that to her."

"Right! She's an evil! She sold her niece and made her an escort at a young age! I can't imagine her suffering because of that."

"She's so strong. I never saw her pain so she must've endured all of it all these years."

Huh?

Sabay kaming natigilan ni Dev at nagtinginan. Bakas din ang pagtataka sa mga mata niya kaya tingin ko wala din siyang alam sa sinasabi ng mga nakakasalubong namin. They shamelessly talk about me and its confusing me because I though they will throw shits to me.

What is happening?

"Here it is."

Dev suddenly showed me the screen of her phone.

Isang article ang nandoon na mula sa sikat na news page. Nagpublish sila tungkol sa issue ko sa Twitter. Nakasaad sa article nila ang katotohanan tungkol sa buhay ko na nagsasabing walang katotohanan ang naunang article. Nandoon din ang legal documents at contract ko sa Archangel na pinirmahan ni Tita noong minor pa ako at nakapagtataka na may picture akong may sugat at pasa sa katawan pati ang pilit na paghila sa akin ng dating customer ko.

"Mariyah Elizabeth Araneta is a victim. She was forced by her only guardian, Imelda Araneta, to be an escort in her company. She suffered and endured all these years. Her father, Marco Araneta was devastated when he learned everything her daughter had been through."

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may interview pa sila kay Daddy!

"I will make everyone who inflict pain on my daughter, suffer!" He stated.

Napailing si Dev. "He must include himself."

Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko alam kung sino ang naglinis ng pangalan ko dahil wala naman akong ibang kaibigan o malalapitan maliban kay Dev.

We got our make-up activities from all our professors. Kinumusta ako ng mga Prof na nakakausap ko habang ang iba ay ramdam ko ang pang-mamata sa akin. Alam ko na hindi naman lahat maiintindihan ang pinagdaanan ko kaya't hinayaan ko na lang sila.

Now here's another problem. Natambakan ako ng gagawin. Sighed. Bigla akong nagsisi na hindi ako pumasok kahit na maayos na ang pakiramdam ko noong isang linggo.

"This is insane." Problemadong tinignan ko ang mga papel na dapat kong tapusin.

Napangiwi si Dev. We have the same amount of work but she will have a deduction on her final grades since the reason for her absence was not that acceptable.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now