Chapter 8

2.1K 61 12
                                    

Society is so judgemental. They don't even know what is real or fake but they still believe something just because they read about it somewhere. Sobrang babaw ng dahilan pero ang totoo malaking epekto 'yon sa biktima.

Little did they know, many lives were taken just because of their judgment. Hindi nila alam ang epekto ng mga salita nila. Words may not kill someone but they can be a reason why people would wish to kill themselves.

But I guess, social media society doesn't care about the life behind their cellphone. Basta nasa media at maraming suporta, tama na kaagad.

No matter if it's fake or made up, basta trending totoo na.

I didn't sleep that night. I turned off my phone so Dev couldn't locate me. Gusto kong mapag-isa. And this is my problem alone so I should face this kahit na ako naman talaga ang biktima. They're all wrong. It was all fake and I'm suffering from it.

Hanggang kailan pa ba ako pahihirapan ng mga bagay na hindi ko naman kasalanan at ginusto? I just want a peaceful life but He gave me this mess! Pagod na pagod na ako!

Tahimik akong naglalakad sa gitna ng malamig at madilim na kalsada. Hindi ko na alam kung nasaan ako dahil ilang oras na akong naglalakad. Lutang na lutang ako. It was because of an article that was published about me. With pictures and all.

I was so mad because that article twisted the truth and I know Tita Imelda did all of this. She's the only person I can think of because there are pictures of my bookings in the article. Maging ang picture ko noon kasama yung lalaking bumili sa akin ay nandoon.

Tulala ako sa daan habang naglalakad papunta sa kawalan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta na walang nakikitang mapanghusgang mata ng makakakita sa akin dahil sa kumakalat na issue. All of them looked at me with disgust in their eyes so I hid my face by wearing a mask and cap.

Hindi ko kasalanan pero bakit kailangan ako pa ang magtago ng ganito?

Nasilaw ako sa liwanag ng paparating na sasakyan. Kinabahan ako nang makitang tatlong itim na sasakyan ang patungo sa akin kahit na nasa side walk ako.

Napaatras ako ng lumabas ang halos sampong lalaki at naglakad lahat palapit sa akin. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na tumakbo papunta sa opposite na direksyon.

Natakot ako lalo ng makitang hinahabol nila ako!

Hindi ko alam kung anong pakay nila sa akin pero sa dami nila ay siguradong hindi maganda kung lalapit ako.

No one would send a dozen of men just for a casual talk, right?

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo pero nagsisimula na akong mapagod at manghina. Malapit na sila sa akin at natatakot ako sa maaari nilang gawin kaya pinilit kong tumakbo ng mas mabilis kahit pa nanlalambot na ang tuhod ko.

Nakaramdam ako ng tuwa nang may makita akong malaking building sa hindi kalayuan.

Pagod na sumandal ako sa pader nang matunton ko ang tanggapan ng building. Mukhang hotel or condominium ang napasukan ko at kaunti na lang ang tao sa paligid dahil gabing gabi na.

Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok din ang mga lalaking humahabol sa akin at nakita nila akong nagpapahinga.

"Nandito! Habulin niyo! Bilis!"

Agad kong tinakbo ang kabubukas lang na elevator at basta na lang pumindot ng kung anong floor doon. I panicked when they ran towards me as the elevator closes.

"Please! Please! Shit!"

Napaupo ako sa sahig nang sumara ang pinto bago pa nila ako maabutan.

I cried in frustration. I don't know what to think anymore! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sitwasyon kong 'to! Who ordered them to get me and why, I don't know anymore!

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now