Chapter 27

3.2K 59 14
                                    

Nakatunganga lang ako sa kawalan kahit nagsasalita si Dev sa harapan ko. Nasa opisina ako nang bigla niya akong bisitahin. She didn't give me the heads up, kaya nagulat ako na pumunta siya.

Iniisip ko kung ikukwento ko ba sa kaniya ang nangyari kagabi. She will tease me, that's for sure.

Kagabi, kung hindi ko pa napansin ang ilang katulong namin na sumisilip sa garahe, hindi ko pa maitutulak si Jacob. Hindi pa ako hihinto sa paghalik! I was so into it that I didn't notice all the eyes and security cameras that watches us!

Naaalala ko pa ang kislap ng pagkamangha at kapiyuhan sa mga mata niya ng matapos niya akong halikan. He was smirking on his way back to his car, habang tulak tulak ko siya at pinipilit na pumasok na sa sasakyan niya. Hindi kami nag-usap dahil tinakbuhan ko siya kaagad bago pa siya makapasok sa sasakyan niya.

"Hoy!" Dev snapped in front of me, waking me up from my thoughts.

"What?"

"Nakikinig ka ba?"

"Hindi." I honestly replied.

Tahimik kasi akong nag-iisip dito tapos pumunta siya para mag-rant dahil nilalandi daw siya ni Dutch. Nagrereklamo pa siya samantalang willing naman siyang nagpapalandi sa lalaki!

Inirapan niya ako. "Wala kang support!"

Tinawanan ko lang siya at hinayaang nang mag-rant ulit. Lumipad na naman ang isip ko makalipas ang ilang minutong pakikinig sa kaniya kaya natulala ulit ako sa kawalan.

Ngayon naman ay iniisip ko kung anong gagawin ko sa request ni Jacob.

Unti unti ko rin napagtatanto na talagang mali ang inaakala kong may asawa o engaged na siya. I never heard anything about his engagement and marriage up until now. Ilang linggo na ako dito at wala pa akong nakikitang may kasama siyang babae.

Kanina lang nang nabasa ko na personal palang tumanggi si Jacob sa engagement niya sa tagapagmana ng mga Lopez, isang linggo matapos ang pag-alis ko sa Manila. Malaking issue ang pagtanggi ni Jacob kaya medyo nadala sa bingit ang mga Mondragon, pero agad din namang naayos ang lahat.

Now that I know he's not married, I have high hopes for us. I started to mind his actions towards me last night and all I can say is he's the same as before. A little bit more aggressive, but still the same.

Kaya sa tingin ko... handa akong sumugal ulit ngayon.

Hindi malinaw kung parehas kami ng nararamdaman, pero at least sumubok ako, hindi ba? Pagod na ako sa kakaisip ng what if's, kaya oras na siguro para alamin ko kung ano ba talagang namamagitan sa amin.

Pero nang sabihin ng sekretarya ni Mamá na nasa labas si Jacob at inaantay ako, parang gusto ko ulit magback out!

Dev stayed with me so she heard what my secretary said. Mapang-akusa niya akong tinignan dahil wala naman akong sinabi sa kaniya tungkol sa amin ni Jacob.

Kasalanan ko bang mas abala siya sa pagra-rant, kesa sa pakikinig sa akin?

"You have a lot to explain."

"If you just let me, I'll tell you. But you were busy ranting about your ex."

Sinamaan niya ako ng tingin. Nginisihan ko lang siya.

"Hmp! Bukas, mag-usap tayo!"

Sinabayan niya ako sa paglabas ng opisina. At parehas kaming natigilan nang makita namin si Jacob at Dutch na nag-uusap sa visitor's chair na malapit lang sa table ng sekretarya.

Sabay pa silang lumingon sa amin.

I pursed my lips before walking towards Jacob. He shifted his feat and he looks really expectant while watching me walk towards him. Nang makalapit ako ay kaagad namahinga ang malaki niyang kamay sa bewang ko. Pinipilit kong maging casual kahit na halos masira na ang ribcage ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now