Chapter 271

599K 21.6K 27.7K
                                    

Blind kiss

Keifer's POV

Puro bukid ang paligid na dinadaanan ko. Hindi ko alam kung nasan na ko basta ang alam ko lang malapit na ko kay Jay-jay. May kaunting kabahayan akong nakikita pero hindi ganun kadami. Sa sobrang bilis kong magmaneho dinig na dinig ko ang ugong ng makina ng sasakyan ko.

Naglalaro sa 100 to 120 kilometers per hour ang takbo ko. Kung sino mang kumidnap kay Jay, mautak sila para dalhin sya sa malayo. Subukan man nyang tumakas agad din syang mahuhuli.

It didn't take that long when I saw the old building. Nasa tatlong palapag yon at kupas na kupas na ang pintura. Burado na din ang pangalan nito at natitira nalang ang salitang 'coop'.

I stop the car just a few meters away. Hindi nila ko pwedeng makita agad. Mabilis akong bumaba. Malalaki ang hakbang ko habang palapit. Dalawang lalaki agad ang nakita ko na naninigarilyo sa entrance ng buidling.

Hindi pa man sila nakakatayo ng maayos ng ihampas ko sa pader ang ulo ng isa. Mabilis namang napa-atras ang kasama nya pero hindi ko na hinayaan pang maka-alis. Sinakal ko sya at nilapit ang muka sakin.

"Where the fvck is my girlfriend?" I said with a growling voice.

"N-n-n-na-sa..." Hindi na nya magawang ituloy ang sasabihin dahil sa pagkakasakal ko kaya tinuro nalang ang ikatlong palapag.

Binitiwan ko sya pero binigyan ko muna ng isang malakas na suntok bago sya talikuran. I walk inside the building. Hinanap ko agad ang hagdan papuntang second at third floor.

Habang paakyat nasa lubong ko ang isang pamilyar na tao. Bago pa sya makasigaw tinadyakan ko na sya sa dibdib. I'm not sure about his name but I know his from the stupid Alphabet Gang.

Yung gang na gumagamit ng letter for codenames. Muka silang tanga kaya tinawag ni Yuri na Alphabet Gang. Matagal ng nawala ang grupo na to pero alam kong matagal na namin silang natalo.

Malamang na kaunti nalang sila ngayon dahil walang masyadong nagkalat sa building. Dumiretso na ko sa third floor. Nasa hagdan palang ako may naririnig na kong nagtatawanan.

Pinakinggan ko mabuti kung saan galing yon. Sa nakabukas na pinto, nakita ko si Jay-jay na nakatali sa bangko habang nakapiring. Nasa dulo na sya ng kwarto at  nasa kanya din ang mata ng lahat kaya walang nakapansin sakin.

Mukang sya rin ang pinagtatawanan nila. I took advantage of the situation. Tinignan ko silang lahat at inalam na rin ang layo nila sa pwesto ko. Binilang ko na din sila.

"Babae..." One of them said. "...Kalat na sa lahat ng grupo dito na ikaw ang girlfriend ni Keifer. Kaya bakit kami maniniwala sayo?"

Mukang ako ang may kasalanan sa part na yon. Lagi ko kasing sinasabi sa iba na girlfriend ko sya kahit hindi pa naman talaga.

Nice job Keifer.

She's definitely going to be my girlfriend anyway. Advance ko na para alam na ng lahat na akin sya. Para wala na ring magtatangkang pumorma sa kanya.

Actually pwede ko na nga ring i-announce na asawa ko sya. She's my soon to be wife. Kayalang masyado ng advance yon at baka magalit na si Jay.

Dun muna ko sa girlfriend.

"Hindi naging kami..." She said. "...Kasi ginamit lang nya ko."

Para akong sinapak sa sinabi nya. But I realize my mistake.

Alam kong masakit sa kanya pero masakit din sakin yon. Masakit sakin na kailangan ko syang saktan.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon