Chapter 2

3.1K 113 26
                                    

Keisha

"TIMO!"

Sumasakit na ang paa ko sa kakahabol sa kanya. Napaka-hard to get n'ya talaga. Parang hindi ako nag e-exist sa buhay n'ya. Paano n'ya nagagawang hindi ako pansinin? E, halos sumigaw na ako sa kaka-banggit sa pangalan n'ya.

"TIMOTHY!" sigaw ko ulit.

Patuloy lang s'ya sa paglalakad at hindi ako nilingon.

Ah ganon ha? Di mo parin kaya ako kikibuin pag ginawa ko ang bagay na 'to?
Huminga ako ng malalim at tumigil sa paglakad.

"MAHAL KITA TIMOTHY!"

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa kahihiyan. Bahala na s'ya kung maniniwala ba s'ya sa sinabi ko. Basta ang mahalaga ay makuha ko ang atensyon n'ya.

Nang buksan ko ang aking mata. Napatalon ako sa gulat nang itutok n'ya sakin ang kanyang hawak na kutsilyo.

"Ano ba ang kailangan mo sakin?" walang emosyong tanong n'ya.

"P-Pwede mo naman akong kausapin na walang kutsilyo diba?" may pawis na namumuo sa aking noo.

"Umalis ka na" binaba n'ya ang kutsilyo at isinuksok sa likod ng pants n'ya "Lubayan mo na ko, wala kang makukuha sakin"

"Hindi naman ako gold digger ah!" singhal ko "Hayaan mo kong makipagkaibigan sa'yo, wala naman akong gagawing masama sa'yo, e"

"Baka ikaw meron" mahina kong sabi.

"Oo meron nga..." namilog ang bibig ko sa sinabi n'ya "Kung hindi mo ko lulubayan"

"Ah-eh... ito nalang" bumuga ako ng hangin "Sasamahan kita kahit saan ka pumunta. Gawin mo ang gusto mong gawin, hindi kita papakialaman"

Hindi s'ya nagsalita at tinalikuran ako. May mens ba ang lalaking 'to? May sayad ba sa utak? Ipapatingin ko kaya 'to sa psychiatrist.

"Hey! Yes ba ang sagot mo?" patakbong sinundan ko s'ya "Saan ka pupunta?"

Wala akong nakuhang sagot sa kanya "Japanese restaurant tayo, libre ko" magiliw kong anyaya.

"Ay ayaw mo" I pouted "Kung ayaw mong ibuka ang bibig mo, hayaan mo kong magkwento. Makinig ka lang ha!"

"Nung bata pa ko..."

"Sa tingin mo matanda ka na ngayon?"

Ay nagsalita s'ya!

"Patapusin mo muna ako!" pagmamaktol ko "Pinatay ng magnanakaw ang kapatid ko, wala s'yang awa. Kinuha n'ya na nga ang mga gamit namin, pinatay n'ya pa ang nag-iisa kong kapatid" nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga. Pinapakalma ang sarili. "Nasa abroad ang mga magulang namin kaya kaming dalawa lang ng kapatid ko ang nakatira sa bahay"

"Nung wala na ang kapatid ko, na depress talaga ako noon. Sinisi ko ang aking sarili dahil wala akong nagawa para tulungan s'ya. Anong laban ko sa magnanakaw? Napakabata ko pa para labanan s'ya" nagbabadyang tumulo ang aking luha kaya tumingala ako para pigilan ito.

"Share mo lang?" napasimangot ako sa sinabi n'ya pero binalewala ko nalang.

"Ikaw anong kwento ng buhay mo? Ibahagi mo naman kay Ma'am Charo"

"Walang magandang nangyari sa buhay ko" diretso parin ang tingin n'ya.

"Kahit isa? Pamilya mo pala, nasaan na?"

Tumigil s'ya sa paghakbang at malamig na tiningnan ako. Mata sa mata. Ngayon ko lang nakita sa malapitan ang mga mata n'ya, sobrang ganda pala nito. Brown ang kulay ng mga mata at mahaba ang kanyang pilikmata.

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon