Chapter 11

2K 77 6
                                    

Keisha


"Jahoooooon!" Sabay takip ko sa aking mata.

Ako lang ang nahihiya sa pinanggagawa n'ya. Sinong lalaki ang sasayaw sa gitna ng kalsada at mamalimos upang magkaroon ng pera? Gago.

"Hoy Jahon! Tumigil ka na!" Saway ko sa kanya.

Kakaonti lang ang dumadaan na sasakyan dito. Alas diyes na nang gabi kaya safe sa mga mapanghusgang tao. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Marahas kong hinila s'ya.

"Halika na! Gabi na, walang magbibigay sa'yo ng pera. Konti nalang ang dumadaang sasakyan dito." Sambit ko.

Binawi n'ya ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko. "Wala talaga kasi akong pera, e."

"Ibenta mo yung kotse mo." Utas ko.

"Wala akong kotse. Hiniram ko lang yun. Kapag may chics ako, madadala ko sila kahit saan." Saad n'ya.

Napataas ang kaliwang kilay ko. "Hay! Magka-HIV ka sana."

Nag cross sign s'ya. "Oh Diyos na mahabagin, wag sana."

Inirapan ko s'ya at sinimulan ihakbang ang aking mga paa. Ilang beses n'ya kong tinawag ngunit di ko s'ya nilingon. Naramdaman kong sinundan n'ya ko.

"Yayain kita mag dinner, pwede?"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon s'yang nakataas ang kilay.

"Dinner?" Sabay halukipkip ko. "Wala ka nga'ng pera, e."

"Sa bahay mo naman tayo kakain at libre mo. Ako lang magluluto." Nakangising aniya.

Kumunot ang noo ko at inambahan s'ya ng suntok. "Swerte mo!"

Napahawak s'ya sa braso n'ya. "Aray! Masakit ha!" Hinimas n'ya ito. "Sige na, gutom na talaga ako e." At hinawakan n'ya ang wrist ko tsaka hinila.

"Wala ka bang parents na pwedeng mag-alaga sa'yo?" Tanong ko.

"Wala akong parents." Mahinang saad n'ya.

"Kaya pala kulang ka sa aruga." Bulong ko.

"Anong sabi mo?" Tumigil s'ya sa paglalakad, ganoon rin ako.

"Ang sabi ko, maganda ako." Palusot ko.

Umiling siya't tinalikuran ako. Umikot ang dalawa kong mata sa inasta n'ya. Nagiging mataray ata ako ngayon.
Nang makarating na kami sa bahay. Nag presinta s'yang magluto para sa hapunan. Nung una nagdadalawang isip ako kung hahayaan ko s'ya ngunit nagpumilit s'ya. Marunong daw s'yang magluto.

"Hmmm." Amoy ko sa niluto n'ya pagkalapag sa lamesa. "Bango ah, ang tagal kong hindi nakakain ng sinigang."

Umupo s'ya sa tabi ko at nagsandok ng kanin para sakin. "Mai-inlove ka sakin kapag natikman mo na yan." Nakangising aniya.

"Confident ha?" Taas kilay kong sabi. "Matikman na nga" Sabay subo ko. Ngumuya-nguya ako para namnamin ang kinakain ko.

"Oh ano? Masarap ba?" Tanong n'ya.

Nakangiting tumango ako. "Iba talaga! Dito na kita papakainin araw-araw!" Galak kong sabi.

"Paano nalang kaya pag ako ang natikman mo?"

Napaubo ako sa kanyang sinabi at kumuha ng isang basong tubig atsaka nilagok ito. "Mandiri ka nga!"

Humalakhak s'ya. Sinubo n'ya ang pagkain na nasa kutsara habang nagpipigil ng tawa.

"Ikaw maghuhugas ng plato ha." Utos ko.

"Sure. Basta kakainin mo ko."

Dahan-dahan kong tiningnan s'ya at pinektusan. "Kadiri ka talaga!"

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now