Chapter 16

1.6K 57 16
                                    

Keisha



"Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng kapatid ko?" Nanginginig ang labi ko sa sobrang galit.

Ngayon ko lang naramdaman ito. Parang gusto kong patayin ang matandang nasa harapan ko ngayon. Nakakainis ang mga ngiti n'yang mala demonyo.

"Sumagot kang lintek ka!" Sigaw ko.

"Kumalma ka hija." Mahinahon n'yang sabi. Saka nilapitan ako.

"Paano ako kakalma kung hindi mo sinasagot ang tanong ko?!"

Ngumisi s'ya. "Hindi pa ito ang tamang panahon. Marami pa akong pasabog na ipapaalam sa'yo at sisiguraduhin kong magugulat ka."

Payak na tumawa ako. "Anong klaseng pasabog yan? Bomba?"

"Boom!" Ginulat n'ya ko ngunit walang talab sakin.
"Ano kayang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo ang lahat-lahat?"  Lumuhod s'ya upang pantay kami.

"Pag ako nakawala dito, puputulin ko yang dila mo!" Sigaw ko sa mismong mukha n'ya.

Tumayo s'ya't lumapit sa pintuan saka pinihit ang doorknob. "Easy. I shall return." At tuluyan ng lumabas.

"Punyeta ka!" Bulalas ko.

Nakakabanas. Feeling ko ang daming tinatagong lihim ng mundo sakin. Pati sarili kong buhay utang ko sa mundong ito. Ano bang ginawa kong kasalanan para maghirap ako ng ganito? Ano ba talaga ang totoo? Hindi ko alam kung sino ang mahihingan ko ng tulong sa mga ganitong sitwasyon. Wala akong maaasahan.



Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Paglingon ko sa likod, nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Puro duguan ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Naka mask ito at bullcap. Habol hininga n'yang kinalas ang nakatali sa kamay at paa ko.


"Sino ka?" Wala sa sarili kong tanong.

"Mamaya ka na magtanong." At inilalayan n'ya kong tumayo.

"Wait... Jahon?"


Tinakpan n'ya ang bibig ko gamit ang kanyang palad. "Wag mong banggitin ang pangalan ko."

Mabilis akong tumango. Tinggal n'ya na ang kamay n'ya sakin. "Paano tayo makakatakas? May sugat ka." Sabay tingin ko sa tagiliran n'ya.

"Basta sumunod ka lang sakin." Marahan n'yang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila palabas.



Tuwing may nakikita kaming tao, agad kaming nagtatago sa pwede naming pagtaguan. Nung una, nahirapan kaming makatakas dahil ang tagal umalis nung nagbabantay. Pero di kalaunan ay nakaalis rin kami roon.


Mabilis ang takbo namin para tuluyang makalabas sa kampo ng mga kidnapper.
Akala ko makaka-survive na kami pero hindi pala. Hinarangan kami ng tatlong nakaitim na lalaki.

Malakas ang pintig ng puso ko. Napahawak ako sa braso ni Jahon at mas lalong idinikit ang sarili ko sa kanya.


"Saan kayo pupunta?" Nakakatakot ang tono ng boses ng lalaking nasa gitna.

"Ah-eh... dyan lang sa tabi-tabi. Sama kayo?"

Dahan-dahan kong tinignan si Jahon. Mamamatay na nga kami, nagawa n'ya pang magbiro.

"Anong pinagsasabi mo dyan?" Bulong ko.

"Tumahimik ka nalang."

Umiling ako sa sagot n'ya. Pag ako napahamak dahil sa kagaguhan n'ya. Ililibing ko talaga s'ya ng buhay.

"Hinding-hindi kayo makakatakas. Kung sakali mang nagawa n'yo yan, ibig sabihin patay na ko." Bahagyang bumale ang kanyang leeg at ngumisi.

"Back up dancer mo ba ang dalawang yan?" Nginuso ni Jahon ang dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid nito.

"Hawakan n'yo sila!" Utos n'ya. "Siguraduhin n'yong hindi makakawala. Ibalik n'yo sila sa loob."


Nagtinginan kami ni Jahon. Mata sa mata. Alam ko agad ang ibig sabihin ng mga titig n'ya. Sabay kaming tumango at tumakbo palayo sa tatlong lalaki.

Sinigawan kami nila at hinabol. Tatlong beses silang nagpaputok ng baril, ngunit di kami tumigil sa pagtakbo.
Napansin kong nanghihina si Jahon, iniinda n'ya ang mga sugat na natamo n'ya sa pakikipaglaban.

Hinila ko s'ya sa tagong lugar upang di kami makita.
"Jahon, kaya mo pa?" Nag-aalalang tanong ko.

Tinanggal n'ya ang kanyang mask at binigyan n'ya ko ng thumbs up.

"Sigurado ka? Mas lalong lumala yung mga sugat mo." Paninigurado ko.

"Kaya ko pa. Strong 'to." Pilit na ngiti ang ginawa n'ya.

Lumingon-lingon ako sa paligid para masiguradong hindi kami nasundan ng tatlo. "Nawala na sila." Sambit ko.

"Congratulation."

Ngumiwi ako. "Hindi pa ko graduated."

Mahinang natawa s'ya. Mariin n'yang pinikit ang kanyang mga mata at tumingala.

"Dito ka lang. Maghihingi ako ng tulong." Sabay hawak ko sa kanyang balikat.

"Hindi. Mapapahamak ka." Halos pabulong n'yang sabi.

"Magtiwala ka lang sakin." Tatayo na sana ako nang hawakan n'ya ang kamay ko.

"Don't..."

"Sa ngayon, ako naman ang pagkatiwalaan mo." At tuluyan ng umalis.


Sinigurado kong walang may makakita sakin. Para akong tanga na magtatago at yuyuko sa t'wing may taong paparating. Hindi ako pwedeng dumaan sa gate dahil may nagbabantay doon. Kaya ang ginawa ko ay umakyat sa pader para makalabas ako sa lugar na 'yon.


Dali-dali akong tumakbo. Hingal na hingal na ko. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ko alam kung sino ang hihingan ko ng tulong. Nag-aalala ako kay Jahon, baka pagbalik ko doon ay nahuli na s'ya ng mga kidnappers.


Nang makalayo na ko. Umupo ako sa gilid ng kalsada at niyakap ang aking tuhod. Pagod na pagod ako. Masakit ang buong katawan ko, parang di ko na kayang tumayo.


Hindi ako susuko. Hinihintay ako ni Jahon, umasa s'yang babalikan ko s'ya. Kakayanin ko 'to. Tatayo na sana ako nang nakaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa aking sentido. Napamura ako.


Pumikit ako. Sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. I'm mentally and physically tired. Fck!

"Sh*t!" Bulalas ko.

"Profanity."


Inangat ko ang aking ulo. Pagod ko s'yang tiningnan. Nagdadalawa na rin ang aking paningin. Hindi ko masyadong maanigan ang kanyang mukha. Kulay itim lahat ang kanyang suot, naka hood jacket. Familiar.

"You look tired." Diretsong sabi n'ya. Wala akong mababakas na emosyon sa tono ng kanyang boses.


"I want to rest... Timo."

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now