Chapter 19

1.5K 36 2
                                    

Jahon

Namimilipit ako sa sakit. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako dito naghihintay kay Keisha. Paano ako makakatakas ngayon? Kailangan kong gumawa nang paraan para hindi nila ako paghinalaan.

Pinilit ko ang aking sarili na tumayo. Napadaing ako nang biglang kumirot ang sugat sa tagiliran ko. Humanap ako ng tubig sa paligid para hugasan ang sarili ko. Nang may makita akong malaking drum. Agad akong lumapit upang tignan kung may laman itong tubig. Meron.

Hinubad ko ang pang-itaas kong suot at binasa ito. Dahan-dahan kong pinunasan ang sugat ko. Mahapdi. Sinusubukan kong di dumaing ng malakas. Mahirap na't may makarinig. Nang matapos ay agad akong naghanap ng maisusuot. Dapat di halata na ako yung nakalaban nila kanina. Hindi ako makakalabas dito ng buhay kapag nalaman nila ang totoo.

May nakasampay na damit sa taas ng bubong. Salamat naman. Inabandona na ang lugar na 'to kaya ginawa namin itong kampo. Ang itay ko ang namumuno sa grupo. Ngunit kahit isa, hindi ko pa s'ya nakikita. Simula pagkabata.

Inuutusan n'ya lamang ang kasamahan namin kung may gusto s'yang sabihin sakin. Noon, nagtataka ako kung bakit ganon ang pakikitungo n'ya sakin. Kung bakit hindi s'ya nagpapakita sakin. Pero di kalauna'y nasanay na rin ako. Wala akong magagawa kung 'yon ang nais n'ya.

Huminga ako nang malalim bago tinahak ang daan patungo sa loob. Inayos ko na rin ang sarili ko. Sinubukan kong di magpahalata sa kanila. Nakangiti akong bumati sa mga kasamahan ko. Yung iba nagtatanong kung bakit ngayon lang ako ngunit di ko na sila inabalang sagutin. Baka madulas yung dila ko.

"Woy Jahon! Ano naka score ka na ba ha?" Mahinang tinulak n'ya ko sabay kindat.

Umiling ako. "Ewan ko sayo, Fred."

"Nakoooo!" Pinaningkitan n'ya ko ng mata. "Mga pare!" Tawag n'ya sa lahat. "Alam n'yo ba 'tong si Jahon, araw-araw nagpapalit ng babae." Pumalakpak s'ya habang tumatawa. Monggoloid.

"Talaga? Iba talaga kapag Imperial."

"Mahirap kapag di tayo Imperial!'

"Share share naman dyan Jahon!"

Tinampal ko nalang ang sarili kong noo. Napakawalang kwentang kaibigan.

"Ulol! Hanap kayo sa inyo!" Sigaw ko sa kanilang lahat.

Namuo ng tawanan ang paligid. Napailing ako habang hinila ang monoblock malapit sa gawi ko't umupo roon. Sumandal ako. Nakakapagod, parang gusto ko nang matulog.

"Hoy Jahon. Saan ka galing?" Hindi ko inabalang tignan ang nagsalita. "Buti nalang nakaabot ka kundi patay ka kay boss."

Humalukipkip ako at pinatunog ang aking dila. Kumikirot yung sugat ko. "Andito na ko hindi pa ba magsisimula, Fred?"

"Marunong ka namang maghintay no?"

"Inaantok na ko."

"Nakakahiya naman sa'yo. Hiyang-hiya kami sa'yo dito." Sarkastikong aniya.

Di na ata magbabago ang kaibigang kong ito. Siraulo parin at higit sa lahat walang kwentang kausap.

Maya-maya't umayos ang lahat nang biglang sumigaw ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng aking itay. S'ya ang pangalawang lider sa grupong ito. Si Gano.

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now