Chapter 22 (Part 2)

1.1K 32 43
                                    

Third Person's POV



Yakap-yakap ni Keisha ang kapatid n'yang nakahandusay sa sahig. Ilang beses s'yang sumigaw para humingi ng tulong. Binitawan n'ya ang kapatid at tumakbo pababa upang kunin ang telepono at tumawag ng ambulansya.

Halos maubosan na s'ya ng hininga dahil sa kakaiyak n'ya. Nanginginig ang mga kamay at paa. Habang hinihintay n'ya ang pagdating ng ambulansya ay naisipan n'yang tawagan ang kanyang mga magulang upang ipaalam ang nangyari.


"He-Hello... ma"

"Oh anak, bakit ganyan ang boses mo? Ano'ng nangyari?" agad nag-alala ang kanyang ina. May kutob s'yang may hindi magandang nangyari.

"Mama, please tulongan mo kami. Si Athena... si Athena" hindi masabi ni Keisha ang gusto n'yang sabihin dahil na rin sa kaba "May nangyari kay Athena. Mga magnanakaw po, sila po yung dahilan"

"Wait... What?!" rinig sa kabilang linya ang pagmumura ng kanyang ama. "Sandali, gusto kang kausapin ng papa mo.

"Papa..." usal ni Keisha.

"Tumawag ka na ba ng ambulansya?" ma-awtoridad na tanong ng kanyang ama. "Are you okay?"

"Opo pa"

Nang marinig n'ya ang tunog ng ambulansya, hindi na s'ya nagpaalam at agad n'yang ibinaba ang telepono.



Ilang minuto ang itinakbo ng ambulansya bago makarating sa hospital. Halos mabaliw na si Keisha sa kanyang kinatatayuan, hindi s'ya mapakali habang naghihintay sa labas ng emergency room.



Naguguluhan. Nanginginig. Natatakot.
Iba't ibang emosyon ang kanyang nararamdaman. Umaasa s'ya na sana, magiging maayos rin ang lahat lalong-lalo na ang kanyang kapatid.


Maya't-maya naisipan n'yang lumabas ng hospital upang makalanghap ng sariwang hangin.

Sa gitna nang kaguluhan sa hospital dahilan sa maraming pasyenteng dumarating, may isang lalaking tahimik na nagmamasid sa hospital.

"Magiging abo kayong lahat." bulong sa kanyang sarili at kinuha ang isang gallon na puno ng gasolina. Ibinuhos n'ya ito sa paligid ng hospital.

***

"Miss Morales, I would like to say that your sister is finally fine . We'll just wait for her to wake up."

Nabuhayan ng loob si Keisha pagkatapos marinig ang sinabi ng doctor.


"Thank you, doc"

Tumango ito. "If you need anything or there's a problem just call me. I'll go ahead."

Naluluhang pumasok si Keisha sa kwarto ng kanyang kapatid. Hindi s'ya makapaniwala sa kalagayan ni Athena. Lumapit s'ya rito at umupo malapit sa kanya. Hinawakan n'ya ang kanang kamay nito at hinalikan. Patuloy parin ang pag patak ng kanyang mga luha.


"Sorry... sorry kung wala akong nagawa. Wala akong kwenta, Athena. Wala akong kwentang ate"   humihikbing aniya "Mapapatawad mo pa sana ako."

"Di bale, pag gumaling ka na. Ipapasyal kita kahit saan mo gusto. Pero syempre kailangan ko munang humingi ng pera kay Mama para may pamasahe tayo." pakya itong tumawa.


Dahan-dahang ipinikit ni Keisha ang kanyang mga mata, nakaramdam ito ng pagod pagkatapos n'yang kausapin ang walang malay n'yang kapatid. Nanatili parin itong nakaupo habang ang kanyang ulo lamang ang nakahiga sa kama.



Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nasusunog na ang likod ng building. Napansin lamang ito nang biglang naalarma ang ibang pasyente dahil sa kakaibang amoy na dulot ng sunog. Biglang pinatunog ang fire alarm at pinakalma ng guwardiya ang mga tao. Ngunit hindi ito naging sapat upang hindi magkagulo ang lahat.



Nagsitakbuhan ang iba, aligaga itong lumabas ng hospital. Habang ang mga staff ng hospital ay isa-isang pinababa ang mga pasyente mula sa second floor ng building.


Samantalang si Kiesha ay nagising sa ingay. Nagtataka ito kung bakit may nagsisigawan. Lumabas siya't nagulat sa nangyari. Pinagmasdan n'ya ang paligid at doon n'ya lang napagtanto na nasusunog ang kalahati ng hospital. Halos hindi na s'ya makahinga, tinakpan n'ya ang kanyang bibig at ilong gamit ang kanyang kanang kamay. Babalikan n'ya na sana ang kapatid nang biglang may humila sa kanya. Sinubukan n'yang makawala sa pagkakahawak sa kanya, ngunit malakas ito at hindi parin s'ya nito binibitawan.



Nang tuluyan na silang nakalabas ng hospital. Doon n'ya lamang nasilayan ang mukha ng humila sa kanya.


"Miss, ano bang ginagawa mo? Ikaw na nga yung tinutulongan!" kunot noong sabi ng lalaki. Base sa suot nito, isa s'yang nurse.

"Nandoon sa loob ang kapatid ko! Babalikan ko na sana s'ya nang bigla mo kong hinila!" naiiyak sa galit si Keisha.


"Mamamatay ang kapatid ko! Kailangan ko s'yang balikan!" ihahakbang na sana n'ya ang kanyang mga paa nang pigilan s'ya nito.


"Hindi pwede! Hayaan nalang natin ang rescue team na iligtas ang kapatid mo."


Napahilamos si Keisha sa kanyang mukha. Humagulgol ito at napaluhod sa lupa. Pilit n'yang sinisigaw ang pangalan ng kanyang kapatid.

***



Binuksan ng lalaki ang kwarto ni Athena. Ngumiti s'ya ng malaki nang makitang wala itong kasama. Agad n'yang ibinuhat si Athena at lumabas. Nagkakagulo ang lahat kaya hindi nila mapapansin ang kanyang ginawa. Lalong-lalo na ang pag-sunog n'ya sa hospital. Wala silang makukuhang ebidensya dahil abo ang matitira. Tuluyan na silang nakalabas ng building at dali-dali n'yang isinakay si Athena sa kotse.


"Wala nang makakasira sa plano ko" bulong nito.


"Amado, tara na!"





A/N: Kung gusto n'yong malaman kung anong kahayopan mga pinanggagawa ko kapag di ako naka pag update. Subscribe to my yt channel 'Ja Esan'

Thaaaank yooouuu!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon