Chapter 20

1.6K 31 15
                                    

Jahon

Kumaripas ako ng takbo pababa kung saan naroon sina Timothy at Keisha. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko mawari kung bakit nararamdaman ko ito. Siguro kinakabahan lang ako sa pwedeng mangyari kay Keisha sa kamay ni Timothy Cervantez. Ngunit wala namang papel si Keisha sa buhay ko. Bakit ako nagkakaganito?

Walang ilaw o kahit liwanag man lang upang maanigan ko ang dalawa. Napapalibutan ng dilim ang paligid. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid. Hingal na hingal. Pagkatapos nang malakas na sigaw ni Keisha ay wala na akong ibang ingay na narinig. Saan sila?

Ilang minuto ang nakalipas nang may bigla akong narinig na kaluskos at ungol. Pilit kung sinundan ang ingay na iyon. Hanggang sa biglang lumiwanag ang paligid. Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang palad ko sa sobrang silaw.

"Surprise." sambit ng pamilyar na boses ng lalaki. Umigting ang panga ko sa aking nakita. Malakas ang kabog ng dibdib ko, halos umabot sa aking lalamunan. Nakaupo ngayon si Keisha sa monoblock habang nakagapos ang mga paa't kamay nito samantala ang kanyang bibig naman ay nilagyan ng tape.

"Nagustuhan mo ba?" sarkastikong tanong ni Timothy sakin. Nasa likod sya ni Keisha. Nakatayo at ang kanyang magkabilang kamay ay nasa balikat nito.

"Wala bang mas bo-bongga pa jan?" nakangiti kong tanong. "You have no taste talaga pagdating sa ganitong bagay. Wala man lang pasabog."

Bumale ang kanyang leeg tila bang sinusuri n'ya ang buong kilos ko. "Meron... " nanliit ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "mukha mo ang sasabog."

Sarkastikong tawa ang ibinigay ko sa kanya. "Nakakatakot naman. Anong plano mo ngayon sa babaeng yan? Papatayin mo o paglalaruan mo muna? Gusto mo tulungan pa kita?"

Nanlaki ang mga mata ni Keisha pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Sigaw na may halong ungol ang ginagawa n'ya. Batid kong nahihirapan na s'ya sa kanyang sitwasyon ngayon. Kung hindi lang s'ya nakagapos ay kanina pa siguro n'ya ako pina-ulanan ng suntok.

"Tsk. Jahon Imperial? What a freakin' name. It doesn't suit you."

"Alam mo palang mag biro Timothy Cervantez?"

Naiinitan na ko sa suot ko na 'to. Useless lang pala ang effort ko kung nakikilala n' ya pa rin ako.

"Dapat marunong kang gumalang sa nakakatanda." lumapit s'ya sakin. Inihanda ko ang aking sarili sa pwedeng anong mangyari. "Yan ba ang itinuro nila sa'yo?" akmang hahawakan n'ya ang balikat ko nang bigla akong lumayo at sisipain s'ya.  Ngunit mabilis s'yang nakailag.
"Too slow."

Huminga ako ng malalim dahil sa inis. Masyado n'ya kong minamaliit. "Mabilis lang talaga reaction time mo. Gago!"

Inambahan ko s'ya ng suntok, ngunit di ko man lang s'ya natamaan. Sunod-sunod na suntok ang ginawa ko. Hanggang sa napagod na ang sarili kong mga kamay.

"Tao ka ba?!" inis kong tanong. "Lahat ng skills ko ginamit ko na pero kahit isang suntok, hindi kita natamaan."

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag iling ni Keisha. Sumasali pa talaga itong babaeng' to sa init ng ulo ko. Napapahiya ako dito ah.

"You wanted to kill me, right? Then do it now!"

Namilog ang mga mata ko. Alam n'ya ang plano ko, kaya pala hindi n'ya ko nilalabanan. "How did you know that?"

"Hindi mo aakyatin ang pader ng bahay ko kung wala kang masamang intensyon." saad nito.

"Pwede rin namang may nanakawin ako rito." pilyo kong saad.

Nanliit ang kanyang nga mata at ngumisi. "At ano? Sa tingin mo may mananakaw ka dito? Wala."

Teka. Ibang Timothy ang kausap ko ngayon. Binansagan s'yang isang psychopath. Pero, bakit kapag kinakausap ko s'ya parang normal na tao lang ito? Naguguluhan ako ah. He's just manipulating me. Wag magpapadala, Jahon.

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon