Chapter 17

1.4K 46 0
                                    

Keisha

Nagising ako sa sikat ng araw. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng sakit sa aking katawan, napamura ako sa sakit nang sinubukan kong bumangon.
Bigla akong nataranta nang ma-realize kong nasa gilid pa rin ako ng kalsada.

Diba si Timo yung nakita ko kagabi? Di man lang n'ya ko tinulungan! Sana kainin s'ya ng konsensya n'ya. Argh!
Paano kung ginahasa ako dito? Edi good bye virginity, hello wasak.

Tumayo ako't inilibot ang aking tingin sa paligid. Nasaan ba ko? Pa ika-ika akong lumakad. Hindi naman ako binugbog pero ba't masakit yung buong katawan ko?

Patuloy ako sa paglakad hanggang sa may nakita akong sasakyan. Agad ko naman itong pinara at huminto ito.

"Manong, pasakay po. Malayo layo pa kasi yung bahay ko. Please." Pagmamakaawa ko. Pinasadahan ko ng tingin ang likod ng truck. Puro gulay ang karga nito.

"Ano bang ginagawa mo dito, hija?" Takang tanong n'ya. "Delikadong lugar 'to."

"Hindi ko alam. Basta pagkagising ko nandito na ko." Palusot ko.

"Nako!" Umiling ito. "Lasing ka siguro kagabi."

Bumuga ako nang hangin. Pag ako naubusan ng pasensya, sasapakin ko 'to. "Manong, baka naman po pasakayin n'yo muna ako. Nangangawit na ko dito, e."

"Ay!" Binuksan n'ya ang pinto. "Halika, sakay na."

Ginawa ko naman agad. Sinimulan n'ya itong paandarin at pinatakbo. Sumandal ako sa upuan. Biglang humapdi ang labi ko. Tumingin ako sa rear view mirror, dami kong pasa. Paano ako haharap sa mga kaklase at teachers ko, bukas? Baka ano isipin nila. Nevermind.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa aking sentido.

Iminuklat ko ang aking mga mata. "Si Jahon..." Usal ko.

"May sinasabi ka hija?" Napatingin ako kay Manong. Ngayon ko lang natitigan ang mukha n'ya, siguro nasa fourthy plus na ito.

"Manong, anong lugar po 'to?"

"Santa Maria." Diretso lang ang kanyang tingin sa kalsada. Tumango nalang ako. Hindi ko magawang ipikit ang aking mata at matulog dahil nag-aalala ako kay Jahon. Na pano na kaya yun?

Nakarating na ko sa bahay. Babayaran ko sana si Manong pero sabi n'ya wag na raw. Di nalang ako nagpumilit. Mas mabutin na rin yun.
Dumiretso ako sa banyo para linisin ang sarili ko. May mga gamit pa pala akong naiwan sa hotel, hindi ko nalang kukunin yun. Hassle.

Hinayaan kong umagos ang tubig sa katawan ko. Di ko mapigilang mag-alala kay Jahon. Sana naman ayos lang s'ya. Kinakain ako ng konsensya ko dahil sa nangyari. Tinulungan n'ya kong makatakas ngunit di ko man lang s'ya binalikan. Nangako ako, pinagkatiwalaan n'ya ko. Shooocks!

Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis. Bumaba ako para magluto ng tanghalian. Kumakalam na yung sikmura ko.

Binuksan ko ang fridge, kahit isa walang laman! Nakaramdam ako ng pagkainis. Malakas na sinara ko ang fridge at huminga ng malalim. Sa carenderia nalang ako kakain. Konti nalang ang laman ng wallet ko, kaya simula ngayon matitipid na ko. Depende sa pagkain.


Lahat ng kaklase ko nakatingin sakin. Weirdo. Ano na naman problema nila sa kagandahan ko?
Dumiretso akong umupo sa desk ko at hindi na inabalang tingnan sila.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" Rinig kong sabi ng nasa likod ko.

"Aba ewan ko! Tanungin mo." Sagot ng kasama n'ya. Di na ako nag aksayang alamin kung sino sila. Ma i-stress lang ako.

Inilagay ko sa aking tenga ang earphone at nagpatugtog. Iniiwasan kong marinig ang sinasabi nila tungkol sa'kin. Mahirap na, baka di ko mapigilan ang sarili kong isaksak sa bunganga nila ang ballpen.

Sa gitna nang pakikinig ko ng musika. Bigla akong niyugyog ng kung sino. Hayop!
Magrereklamo sana ako nang makita kung sino ito. Namilog ang bibig ko at ilang beses kong kinusot ang aking mga mata. Shocks! Am I dreaming?

"J-Jahon?" Usal ko.

"Oh! Ba't gulat na gulat ka?" Taka n'yang tanong.

Hindi ko napigilan ang sarili kong tumili. Salamat naman at ligtas s'ya! "Ligtas ka!" Sabay yakap ko sa kanya.

"Ha? Ah-oo ako pa ba?" Naramdaman kong ginantihan n'ya ko ng yakap.

Kumawala ako. "Paano? Ano'ng nangyare?" Sinuri ko ng mabuti ang mukha n'ya, tinitingnan kung may sugat. Pero ni isa wala. "Ok na ba yung sugat mo sa tagiliran?"

"Whoa!" Sabay taas n'ya sa dalawa n'yang kamay. "Easy. Mahina ang kalaban." Kinamot n'ya ang kanyang ulo. "Dami mong tanong."

Hinampas ko s'ya sa braso. "Nag-alala ako sa'yo!"

Humalakhak ito bago umupo sa tabi kong desk. "Stop worrying about me. I'm fine."

"Heh! Pa english english ka pa. Bulok naman yung accent." Inikutan ko s'ya ng mata.

"Sila na ba? Ang sweet nila."

"I don't even care about them."

"Naku! Layo-layuan na dapat yan ni Jahon. Delikado s'ya."

"None of our business."

Nagkibit balikat nalang kaming dalawa ni Jahon sa aming narinig.

"Mga kulang sa aruga." Mahinang sinabi ni Jahon.

Inilapit ko ang aking bibig sa tenga n'ya. "Hindi sila pinapakain sa kanila."

"Selos sila sa loveteam natin." Hagikhik n'ya.

"Kadiri." At lumayo sa kanya.

"Kunwari ka pa."

Hindi ko na s'ya pinansin at ibinalik ang atensyon ko sa pakikinig ng music. Alam kong may tinatago ang mokong na 'to. Malalaman ko rin yan.

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon