Chapter 12

1.8K 59 8
                                    

Keisha

One o'clock na ng umaga, nakadungaw ako sa bintana ng aking kwarto. Paano ba naman kasi late na kaming nag dinner. Hindi pa ako natunawan. Buti nalang at umalis na ang dalawang asungot. Tahimik na ang paligid.



Naisipan kong maglakad lakad para mabilis matunaw ang kinain ko. Paglabas ko ng bahay agad akong tumingala upang pagmasdan ang mga bituin sa langit. Ang ganda. Kokonti lang ang mga ito pero ang ganda sa mata.



Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin. Kahit mag-isa lang ako dito nakatira may mga kaibigan naman akong nagpapasaya sakin. Isa na doon si Jahon. I'm so thankful kasi dumating s'ya sa buhay ko. Nagkakasundo talaga kami sa lahat ng bagay. Hindi ko sinasabing pareho kaming baliw pero parang ganon na nga.



Umupo ako sa damuhan. Inunat ko ang dalawang kamay ko. Nang makaramdam ako ng ginaw bigla kong niyakap ang aking sarili.


"Anong ginagawa mo dito sa labas?"

Napasigaw ako sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Kinilabutan ako. Bakit di pa ako na sanay?


"You don't need to shout." Mariin n'yang sabi.

"Ginulat mo ko e!" Umupo s'ya sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito? Paano ka na naman nakapasok? Ni-locked ko yung gate ah." Usisa ko.

"Secret."

Umawang ang bibig ko sa tipid n'yang sagot. "So paano nga, Timo?"

"Masyado kang maraming iniisip kaya di mo namamalayan na may nakapasok na pala sa bahay mo." Seryosong aniya. Diretso lang ang kanyang tingin. Ni hindi n'ya ko tinignan.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang haba ng sinabi mo. Good mood ka ba ngayon?"

Tinukod n'ya ang kanyang siko sa hita n'ya at pinagsiklop ang mga daliri. "Depende sa panahon."

"At hindi ka na masyadong nag i-ingles." Nakangiting sabi ko. "Good yan."

"Alam mo na ba kung sino ang mga suspek sa pagpatay sa kapatid mo?" Seryosong tiningnan n'ya ko.


Napatikom ang bibig ko dahil sa tanong n'ya. Bakit naging interesado s'ya sa buhay ko?
"Hindi pa. Wala makakapagturo kung sino kasi ang linis ng ginawa nilang krimen, e." Namaos ang boses ko.


Tumango s'ya. "I see."

"Bakit?" Hindi ko maiwasan magtanong.

"Nevermind." Umiling s'ya. Tumayo s'ya at pinagpag ang sarili.


Sinundan ko s'ya ng tingin. Bahagyang kumunot ang aking noo nang tinalikuran n'ya ko ng walang pasabi. "Hoy Timo! Bastos ka rin e no!" Dali-dali akong tumayo at hinabol s'ya. "Saan ka pupunta?"


"I'll go home." Saad n'ya. Binuksan n'ya ang gate at lumabas. Bahagya akong lumapit sa gate para makita s'ya. Nilingon n'ya ko. "Lock it. Move your ass and sleep." At tinalikuran n'ya na ako.


Nagkibit balikat nalang ako at sinunod ang kanyang sinabi. What's wrong with him? Naninibago ako ah.



**

"Keisha, umalis ka na dito!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay. Kinusot ko ang dalawa kong mata. Ang aga-aga nambulabog ni Jahon. Kainis! Tumingin ako sa orasan na nasa side table ko. Alas singko pa lang ng umaga.

"Keisha, bilisan mo!" Bulyaw n'ya.

"Ano bang meron?!" Kunot noo kong sabi. "Wala namang pasok ah!" Humikab ako.

"Gumalaw ka na at umalis dito! Wala ng oras. Magpapaliwanag ako mamaya." Natataranta n'yang sabi.

Parang robot akong pumasok ng banyo at ginawa ang morning rituals ko. Maya't maya isang malakas na katok ang narinig ko sa pinto.

"Can you please move faster? We're running out of time!"

Tila nagising ang kaluluwa ko sa binitawang salita ni Jahon. S'ya ba talaga 'to? Umi-ingles na.

"Wtf?!" Bulalas ko nang mapagtantong halos sirain n'ya na ang pinto. Padabog kong binuksan ito at nag martsa palabas. Sinapak ko s'ya bago bumaba ng hagdan.

"Sadista ka talaga!" Singhal n'ya.

"Bwiset ka kasi. Sumasakit ang ulo ko sa'yo." Hinawakan ko ang aking sentido.

"Whatever." Inikot n'ya ang kanyang mga mata. Bading ba 'to?

"Huwag ka munang umuwi hanggang bukas. Mag check in ka muna sa hotel." Sabi n'ya nang tuluyan na kaming nakalabas ng bahay. Ni-locked ko ang pinto pati na rin ang gate.

"Wala ka bang kotse?" Tanong ko.

Umiling s'ya. "Mag taxi ka nalang."

Umirap ako. Nang may taxi nang paparating agad ko itong pinara. Tinapunan ko muna s'ya ng tingin bago tuluyang pumasok sa loob ng taxi.

"Sundin mo ang lahat ng sinabi ko, please." Utas n'ya.

Nagsalubong ang kilay ko. Ano'ng meron? Ba't ako kinakabahan?

"Mag-iingat ka. Tawagan mo ko kung saan ka. Huwag na huwag kang lalabas kung wala kang kasama." May pag-aalinlangan n'yang sabi.

Tumango ako at sumakay na sa taxi. Sinabi ko sa driver na sa Estoria Hotel ako ibababa. Ilang minuto rin bago kami nakarating. Agad akong nag check-in.

Pagkapasok ko sa room. Kinapa ko sa aking bulsa ang cellphone at dinial ang number ni Jahon. Tatlong ring pa lang at sinagot n'ya na ito.

"Nasa Estoria ako. Punta ka dito." Bungad ko.

"Mamayang gabi. Teka, may dala ka bang damit?" Tanong n'ya.

Natampal ko ang sarili kong noo nang ma-realize na wala nga pala akong dalang damit. "Shocks! Nakalimutan ko."

"Tanga! Bibilhan nalang kita ng masusuot. Bayaran mo ko pagkarating ko dyan, ah."

Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Okay. Prepare mo na rin ang explanation mo."

"Fine. Nag breakfast ka?"

"Wala. Kasalanan mo kung bakit hindi ako nakapag-agahan. Mamamatay na ko." Umarte akong umiiyak.

"Ang OA mo! Mag order ka nalang dyan. Sige na, bye." At pinutol n'ya na ang linya.

Napairap nalang ako atsaka tamad na humiga sa kama. Matutulog nalang ako. Hindi naman siguro ako mamamatay kapag nag skip ako ng meal.

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now