Chapter 8

2.1K 73 9
                                    

Keisha

Tanghali na nang magising ako. Hindi ako ulit nakatulog kagabi dahil sa panaginip ko. Tamad akong bumangon at dumiretso sa banyo. Weekend ngayon, kaya maglilinis ako ng bahay at mag go-grocery mamayang hapon.

Lumipas ang ilang minuto. Lumabas na ako ng banyo habang pinupunasan ng tuwalya ang basa kong buhok. Maya't maya may biglang nag doorbell. Takang bumaba ako ng hagdan tapos nagtungo sa main door at binuksan ito. Bumungad ang babaeng may hawak ng isang pack ng sigarilyo at may ngiti sa labi.

"Yosi, gusto mo?"

I shook my head. All of a sudden, magpapakita s'ya na parang walang nangyari. What a shame!

"This is my peace offering" nakangiwing aniya

"What are you doing here?" kunot noong tanong ko

Mahina n'ya kong hinampas sa braso "Oy! Ume-english na"

Humalukipkip ako "Hindi lang ikaw ang may karapatan magsalita ng english"

Itinaas n'ya ang dalawa n'yang kamay senyales na sumuko na s'ya "Fine, fine, fine" sabay iling "Oh ano na? Hindi mo ba tatanggapin ang peace offering ko? Sayang naman 'to, ibibigay ko nalang sa mga tropa kong tambay"

Inis kong kinuha sa kanya ang yosi "Matagal na rin akong di nakagamit nito"

"Ginagamit ba yan?" taka n'yang tanong

"Malamang" agad ko s'yang tinalikuran. Sumunod s'ya sakin at umupo sa sofa. "Wala akong sinabi na umupo ka" usal ko

"Hindi na kailangan, palagi ko naman 'to ginagawa"

Hinarap ko s'ya na nakataas ang kilay "Kapal mo ah!"

"I know right" nagkibit balikat s'ya

Inikutan ko s'ya ng mata "Ano bang kailangan mo?" sabay kuha ng isang stick ng yosi "May posporo ka?"

"Lighter meron" ibinigay n'ya ito sakin at tinanggap ko naman tapos sinindihan ang yosi na nasa bibig ko "Gusto ko lang magsorry dahil nung nakaraang linggo, iniiwasan kita" yumuko s'ya

"Forget that" bumuga ako ng usok "Sanay na ako"

"Look." she sighed "I'm sincere here. I didn't expect na magagawa ko 'to sa'yo, na talikuran at iwasan ka"

Nanliit ang mga mata kong tiningnan s'ya "Nagawa mo na... tapos na. Kaya h'wag ka nang mag-alala"

Tumayo s'ya at nilapitan ako "I'm sorry, girl. You're my bestfriend, ayokong iwan ka sa ere. Hindi ko kakayanin 'yon." she said with a sad face.

Bumuntong hininga ako saka itinapon sa sahig ang upos ng yosi at tinapakan ito.

"Apology accepted." sambit ko "Don't you dare to do that again"

Tumango s'ya at niyakap ako. Gumanti ako ng yakap saka kumawala agad. Ayokong patagalin ang pagtatampo ko sa kanya. S'ya lang ang taong laging nandyan kapag may problema ako. Hindi ko malalampasan ang lahat ng problemang dumating sa buhay ko kung hindi n'ya ko tinulungan. Importante si Rhaine sakin. Ayokong may mawala ulit na mahalagang tao sa buhay ko.

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now