Chapter 9

2.1K 68 18
                                    

Keisha


"Salut ka!"

"Mamamatay tao ka!

"Dapat hindi ka na pumasok dito! Ang kapal ng mukha mo!"

Iba't ibang masasakit na salita ang naririnig ko sa mga kaklase ko ngayon. Narito ako nakaupo malapit sa bintana. Binabalewala ang lahat ng sinasabi nila tungkol sakin. Pinagbabato nila ako ng papel at iba pa. Nagbabadyang tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Palihim kong pinunasan ito.

"Kapal mo Keisha!"

"Wala kang puso!"

"Umalis ka na dito!"

Isang malakas na kalabog ang nagpatigil sa ginagawa nila. Bumaling ako kung saan nanggaling iyon. Laking gulat ko nang makita ang madilim na awra na nakakubli sa mukha ni Jahon. Pinagsisipa n'ya ang mga silya at iwinakli ang iba naming kaklase na nakaharang sa dinadaanan n'ya.

"ANO SA TINGIN N'YO ANG GINAGAWA N'YO KAY KEISHA?!"

Lumapit s'ya sakin at inalalayan akong tumayo. Bigla n'ya kong niyakap saka hinagod ang aking likod.

"Sorry..."

Humiwalay ako sa kanya at takang tiningnan s'ya. "Sorry for what?"

Umiling s'ya "Basta sakin nalang 'yon" nilingon n'ya ang mga kaklase namin. "Ipaparating ko 'to sa Dean ang ginawa n'yo kay Keisha."

"Edi isumbong mo! Wala naman kaming pakialam kahit ma-suspend pa kami!"

"Dapat s'yang mawala sa mundong 'to!"

"Pinatay n'ya ang kaibigan ko!"

"TAMA NA!" ibinato ni Jahon sa kanila ang desk ko. Nagsi-atrasan silang lahat at lumabas ng room. Tumigil ang paghinga ko sa ginawa n'ya tila di ako makapaniwala, na kaya n'yang gawin 'yon para sakin.

Hinawakan n'ya ang pulsuhan ko at hinila palabas. Patakbong tinahak namin ang hallway hanggang sa makababa na kami ng building. Tumigil lang kami sa pagtakbo. Nahirapan kaming tumakas sa guard pero di kalaunan ay nagtagumpay kami. Tumigil lang kami sa pagtakbo nang makalayo na kami sa Pilar City Colleges.

"Okay ka lang?" hingal n'yang tanong sakin

Tumango ako at hinawakan ang aking dibdib, nahirapan akong makahinga dahil sa pagod.

"Magpahinga muna tayo" turo n'ya sa bench na di kalayuan samin. "Halika na"

Sumunod ako sa kanya. Pinunasan ko gamit ang panyo ang aking leeg at mukha. Basang-basa na ako ng pawis. Sabay kaming umupo sa bench. Tumingala ako sa langit at ipinikit ang aking mga mata. Hindi masyadong mainit sapagkat may mga puno na nakapaligid samin.

"Bakit ganon? Wala naman akong ginawang masama pero ako yung pinagbintangan." wala sa sariling sambit ko "Ang unfair ng mundo" nanatili pa rin akong nakapikit.

"Wala akong masabi. Hindi naman kasi ako ang nasa posisyon mo, e"

Bumaling ako sa kanya saka tumawa. "Palit tayo ng kaluluwa para maranasan mo ang naranasan ko"

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon