Chapter 13

1.8K 53 15
                                    

Jahon



"Nasan ang babae dito?!" Sigaw ni Roco. Ang kanang kamay ng boss namin.

"Malay ko ba. Kakarating ko nga lang dito." Patay malisya kong sabi.

Narito kami ngayon sa bahay ni Keisha. Buti nalang at hindi nila s'ya naabutan. Halos gibain nila ang pintuan ng bahay para lang makapasok. Ako naman panay patay malisya lang ako na wala akong alam. Hindi pa ito ang tamang panahon para makuha ang gusto ng boss namin. May iba akong plano.

"Saan ka ba galing kanina, Jahon? Ang aga mong nawala sa teritoryo natin." Usisa ni Fred. Isa sa mga kasamahan namin.

"Tinawag ako ng kalikasan. Alam mo naman walang banyo don." Sagot ko.

"Palagi ka nalang tinatawag ng kalikasan. Pwedeng tawag ng tanghalan naman?" Taas kilay n'yang sabi.

Payak na tumawa ako. "Mapagbiro ka talaga. Infairness natawa--"

Isang malakas na sigaw ang umagaw ng atensyon namin. Mabilis pa sa kidlat kaming pumasok sa loob. Nadatnan naming nagwawala si Roco. Hindi namin napansin ni Fred na umalis pala s'ya habang nag-uusap kaming dalawa.

"Oy pare, baka makabasag ka!" Saway ni Fred.

Matalim na tinignan ni Roco si Fred. "Tayo ang mababasag pag nalaman ni boss na hindi natin nagawa ang utos n'ya. Ilang beses na tayong nabigo!" Singhal n'ya.

"Easy pare. Easy." Malumanay kong sabi. "Sa susunod na araw nalang natin hanapin si Keisha."

Mabilis na hinawakan n'ya ako sa kwelyo. "Hanggang ngayon hindi mo pa, nagawa ang misyon mo. Simple lang naman yun, e. Kunin mo ang tiwala ni Keisha." Ngumisi s'ya. "Huwag mong sabihing nahuhulog na ang loob mo sa kanya."

Marahas kong tinanggal ang kamay n'ya sa kwelyo ko. "Hindi mangyayari yan. Alam ko ang ginagawa ko, Roco. Huwag mo akong itulad sa'yo. Walang silbi."

Akmang susuntukin n'ya ko nang pumagitna si Fred sa aming dalawa. "Tama na yan! Hindi ito ang oras para mag away kayo. Magtulungan nalang tayong hanapin si Keisha." Kunot noo n'yang sabi. Bumaling s'ya sakin. "Tara na, Jahon. Hindi ka gwapo para mag inarte." At hinila n'ya ko palabas.

Napaawang ang bibig ko sa huling sinabi n'ya. Ano daw? Saang lupalop n'ya kaya nakuha ang linyang yun? Nakakabakla.

Marahas kong binawi ang kamay ko. "Teka nga. Saan ba tayo pupunta?"

"Maghahanap ng pera." Saad n'ya.

"Paano? Saan?"

"May kaibigan akong bakla. Yayamanin yun." Makahulugang nginitian n'ya ko.

Nanlaki ang mga mata ko. "No way! Kahit naghihirap ako, hindi ako papatol sa mga bading." Sabay iling.

Mahinang tinulak n'ya ko. "Ano ka ba naman, pare. Ang dumi ng utak mo. Uutang lang tayo."

Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang ngumiti. "Ganon ba? Complete the sentence kasi." Suminghap ako. "Iiwan natin si Roco?"

"S'ya na bahala sa sarili n'ya. Kaya n'ya si boss. Magtiwala ka." Tinaas n'ya ang kanyang hintuturo saka tumingala.

"Ang dami mong ginawang kasalanan sa mundong ito. May pananalig ka pa pala sa kanya?" Natatawang sabi ko.

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon