Chapter 21

1.1K 27 8
                                    

Keisha

"Mama!"

"Papa!"

Inikot ko na ang buong bahay namin ngunit di ko pa rin nahagilap ang mga magulang ko. Nasaan kaya sila? Nakakapagtaka naman, hindi man lang sila nag paalam na aalis sila. Ina-update nila ako kung saan sila pupunta at ano ang gagawin nila roon. Pero ngayon, iba na ang kutob ko.

Sinubukan ko silang tawagan pero cannot be reached. Shocks! Kinakabahan ako!

"Huwag praning Keisha. Baka may binili lang 'yon o baka may importante lang pinuntahan." pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang remote control at in-on ang tv. Napangiwi ako nang makitang may nakasulat sa dvd player.

"Watch this"

Nagkibit balikat ako at sinunod kung ano ang nakasulat. Napangiti ako nang bumungad ang mukha ni papa sa screen. Naka upo siya sa sofa at nakapatong ang makabilang siko niya sa lamesa. Sa pagkakaalam ko nasa office siya dito.

"Hi Keisha, my lovely daughter."

Napa-halakhak ako sa intro ni papa. Nako naman! Alam ko naman 'yon, di na kailangan sabihin.

"I was so afraid nung nalaman kong namatay ang kapatid mo. Gumuho ang mundo ko pati na rin ang mama mo. Halos hindi ako makatulog, pag iniisip ko kung sino yung may kagagawan non."

Tumigil s'ya saglit at ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"Kaya pina imbestiga ko yung nangyari. Hindi sa pulis, kundi sa mga tauhan ko. Wala akong tiwala sa mga pulis dahil mabagal silang gumawa ng imbestigasyon. At lumipas ang mga buwan, nalaman ko kung sino ang tatlong suspek."

Pigil hininga akong nakatutok sa screen.
Inaabangan ko kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Sina Thomas Cervantez, Amando Imperial at Rolando Cuizon. Inalam ko kung sino ang tatlong yan. Inalam ko rin kung saan naninirahan ang kanilang mga pamilya. Wala ako sa tamang pag-iisip nang mga panahon na 'yon. Ang gusto ko lang ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid mo."


Cervantez at Imperial? Teka family name yan ni Timothy at Jahon ah. Naguguluhan ako. Anong kinalaman nila?

"Inutusan ko ang mga tauhan ko na patayin ang mag-ina ng tatlong kriminal. Hindi nga ako nabigo, dahil nakuha ko rin ang hustisya na inaasam ko para sa kapatid mo." unti-unting tumulo ang mga luhang matagal ko ng hindi nakikita sa kanya. "Anak, sana hindi magbago ang tingin mo sakin. Alam kong mali ang ginawa ko, pero hindi mo ako masisisi dahil ama rin ako. Masakit para sakin ang mawalan ng anak.

Kahit ikaw pa ang pinaka masamang tao sa mundo, ikaw pa rin ang Papa ko, hindi magbabago yon.

Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang aking mga palad, dahil kanina pa tumutulo ang aking mga luha.

"Kung may mangyaring masama samin o sakin dahil may posibilidad na gaganti ang mga taong 'yon. Huwag mong kakalimutan na mahal na mahal ka namin ng Mama mo. May pagkukulang kami sa'yo, hindi ka namin na alagaan ng maayos. Sana mapatawad mo kami, anak."

Hinawakan ko ang aking dibdib sapagkat hindi ko na matiis ang paninikip nito.
Ngayon, malinaw na sakin ang lahat na nangyari. Ang mga lalaking humahabol sakin, kumidnap, at nagtangkang patayin ako. Dahil iyon sa mga magulang ko. Sila ang dahilan kung bakit naranasan ko ang mga 'yon. Akala ko, ako yung mali. Akala ko, kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ang buhay ko. Ngunit, hindi pala. Hindi pala ako ang may kasalanan. Masakit isipin na, mga magulang ko mismo ang naglagay sakin sa kapahamakan. Ayoko rin isipin na wala silang ginawang paraan upang maligtas ako at mapabuti yung kalagayan ko dito. Pero... hindi ko maiwasan.

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now