Chapter 10

2.1K 57 5
                                    

Third Person's POV


Nagbunga ang pagmamahalan ng mag-asawang Cervantez. Ang kanilang unang anak ay si Timothy Cervantez na tatlong taong gulang. Labis ang saya na nararamdaman ng mag asawa. Nagsumikap si Mr. Thomas Cervantez upang buhayin ang kanyang mag-ina. Nahirapan s'yang makahanap ng trabaho dahil hindi s'ya nakapagtapos ng pag-aaral. Nang dahil sa hirap, hindi na sila nagkakaintindihan ng kanyang asawa. Palagi silang nag-aaway kapag walang maiuwing pagkain si Thomas. Dahilan sa kakulangan ng nutrisyon, nagkasakit ang kanilang anak. Limang araw nang nasa ospital si Timothy, malaking pera ang dapat bayaran kaya aligagang humanap ng pag-uutangan si Thomas upang makabayad. Subalit walang sino man ang nagpa-utang sa kanya. Halos mabaliw na ang mag-asawa dahil mas lumala ang sakit ng kanilang anak. Hindi ito ginagamot ng doktor sapagkat hindi pa nila nababayaran ang bill sa ospital.

Isang araw, dinalaw si Thomas ng kanyang kaibigan na si Amando. Nagtrabaho ito sa Dubai kaya laking pasasalamat n'ya na pinahiram s'ya ni Amando ng pera.

"Tatanawin ko ito ng utang na loob sa'yo, Pare" sabay tapik n'ya sa balikat ni Amando.

"Walang anuman, basta kapag ako ang nangailangan ng tulong. Tutulongan mo rin ako" natatawang saad n'ya

Nailabas na sa ospital si Timothy. Gumaan rin ang kanilang pakiramdam dahil sa wakas wala na silang problema. Bumalik ang kasiyahan sa kanilang puso.

Ika-labing apat ng Oktubre ay ang araw kung kailan ipinanganak si Timothy. Nagkaroon ng selebrasyon ang pamilya Cervantez, kahit silang tatlo lang ang nagdiwang sa kaarawan ng kanilang anak, masaya pa rin sila. Maya't maya nakaramdam ng pagsusuka ang asawa ni Thomas na si Rosette. Dali-dali itong pumunta ng banyo, at inilabas ang lahat ng bumabara sa kanyang lalamunan. Gumuhit ng pagtataka ang mukha ni Thomas, may hinala s'ya na baka nagdadalang tao ang kanyang asawa.

"Mahal, anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Thomas.

"Buntis ata ako, Mahal. Isang linggo ng nangyayari sa akin ito" may gumuhit na ngiti sa kanyang labi.

"Mahal, naghihirap na tayo. May dumagdag na naman." kunot noong sambit ni Thomas.

Inis na tumayo ang kanyang asawa. "Anong gusto mong gawin ko? Ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko?"

Umiling si Thomas. "Wala akong sinabing ganyan. Kumalma ka nga, makakasama yan sa bata" mahinahong sambit n'ya.

Bumuga ng hangin ang kanyang asawa at umiling. "Pasensya na. Akala ko kasi ayaw mo sa anak natin. Wala akong pakialam kung mahirap pa tayo sa daga, ang mahalaga ay magkakasama tayong buong pamilya. May isa na namang dumagdag sa atin. Biyaya 'to ng Maykapal, Mahal."

Mariin napapikit si Thomas. Wala s'yang magawa kundi tanggapin ang nabuong bata sa sinapupunan ng kanyang asawa. "Gagawin ko ang lahat para maging masaya ang ating pamilya, pinapangako ko yan." niyakap n'ya ng mahigpit ang kanyang asawa.

Dumaan ang siyam na buwan. Ipinanganak na ang kanilang pangalawang anak. Pinangalanan nila itong Thaddeus. Labis ang galak na nararamdaman ng mag-asawa. Itinuon nila ang kanilang buong atensyon sa bago nilang anak. Tila swerte ito sa kanila dahil simula nung ipinanganak si Thaddeus, maraming biyaya ang dumating sa kanila.

"Tinanggap ako sa pinag-applyan kong trabaho, Mahal!" bungad ni Thomas pagkapasok sa loob ng bahay.

Habang pinapadede n'ya ang sanggol napatalon sa gulat ang kanyang asawa. "H'wag mo nga kaming gulatin! Yan tuloy nagising si baby Thaddeus!"

Malakas na iyak ang namuo sa paligid. Iyak ng sanggol. Aligaga naman pinatigil ito ng kanyang ina. Pinadede n'ya ulit ito habang mahinang kinakantahan.

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now