Chapter 1

3.8K 102 24
                                    

Keisha

"Oh ano ngayon? Tumalab ba ang charisma mo?" pang-aasar ni Rhaine.

Napa-face palm ako at itinukod ang siko sa lamesa. Sh*t! Nakakahiya pala ang ginawa ko, hindi ko alam na may kumuha pala ng video samin. Yan tuloy nagviral ang iskandalong ginawa ko. Mapapatay ko talaga ang nagpakalat non.

"Buntis ka pala? Bakit di halata? Butiki ba ang laman ng tiyan mo?" natatawang usisa ni Rhaine.

Konti nalang at masasapak ko na 'to!

"1 million views na ang video mo, sikat ka na girl!" sabay pakita n'ya sa kanyang cellphone.

"Tumahimik ka na nga" walang ganang saad ko.

"Saan na ang 3 thousand ko? Ako ang nanalo sa pustahan" inilahad n'ya ang kanyang palad sa harap ko.

"Ang usapan ay dalawang linggo, hindi isang araw"

"Hmmm..." hinimas n'ya ang kanyang baba "Oo nga pala no? Sorry I forgot"

"Umalis ka na nga dito sa bahay! Naiinis ako kapag nakikita ko ang panget mong mukha"

"Ouch!" hinawakan n'ya ang kanyang dibdib "Ganda mo rin ano?" sarcastic n'yang sabi.

Pa hard to get pa ang Timo na 'yon! Kapag nilandi ko s'ya, siguradong titigas ang kayamanan n'ya.

Panay ang pag-pedal ko sa aking bike papuntang convenience store. Bibili ako ng snacks para kakainin ko mamayang hatinggabi.

Diretso ang tingin ko sa kalsada nang may biglang sumulpot na lalaki. Naka all black s'ya, hindi ko maiwasan mangilabot kaya bigla akong natumba sa bike.

"Ouch!" humapdi ang tuhod ko, nagasgasan ata ito. Inis kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko "Sino ka ba?! Bigla-bigla ka nalang sumusulpot, kita mo na nga nagba-bike ako e!" bulyaw ko "Alas otso na ng gabi tapos itim pa ang sinuot mo!" dagdag ko.

Hindi man lang n'ya ko tinulungan makatayo, hindi alam ang salitang gentleman. Dahan-dahan akong tumayo, humahapdi parin ang aking tuhod kaya nahihirapan akong ituwid ang paa ko.

"Aray!" napasigaw ako dahil biglang sumakit ang siko ko nang dumikit ito sa aking damit "Pati ba naman ang siko ko" mangiyak-ngiyak kong sambit.

"Stupid"

Napadilat ako sa gulat nang magsalita ang lalaking minamasdan lang ako habang namimilipit sa sakit.

"Sinong stupid, ako?" turo ko sa aking sarili.

Hindi ko maanigan ang kanyang mukha dahil naka sumbrero ito. Isang poste lang kasi ang nagbibigay ilaw sa kalsada. Naghihirap na siguro ang subdivision na 'to.

"Let me carry you" sambit n'ya at tumalikod sakin tapos binend ang kanyang tuhod.

"Eh?"

"In the count of one..."

"Huh?"

"Two... my knee is getting hurt"

"Oy! Alam mo palang magbilang?"

"Three... If you don't move, I'll kill you"

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling sumakay sa kanyang likod. Na aamoy ko ang kanyang mabangong leeg. Ano kaya ang gamit n'yang perfume? Char!

Humakbang s'ya at tahimik namin tinatahak ang daan. Iniwan ko ang aking bike, bukas ko nalang kukunin 'yon. Wala naman siguro magkaka-interest don.

"Saan ka pupunta?"

Magtatanong nalang ang cold pa. Tsk!

"Sa convenience store, may bibilhin kasi ako"

"Ihahatid kita sa bahay n'yo"

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon