Chapter 7

2.1K 70 8
                                    

Keisha


"Anong gusto mo?" tanong ko sa lalaking nakaupo sa harap ko.

"Ikaw" nagsalubong ang kilay ko sa sagot n'ya "I mean.. ikaw anong gusto mo?"

"Super meal. Ikaw ang um-order tutal pera mo naman ang gagastuhin" sabay sandal sa upuan ko

Nagkibit balikat s'ya saka tumayo "Sabi mo e, gusto mo coke float?"

Tumango ako "Pakibilisan please"

"Demanding" huling sinabi n'ya bago pumila para um-order.

Kinapa ko sa bulsa ang aking cellphone. Dahil bigla itong tumunog. Nang tingnan ko ang screen, unknown number ang tumawag sakin.

"Hello?" bungad ko

"Be careful of who you trust. They will only hurt you" masyadong garalgal ang boses n'ya. Masakit sa tainga.

"Teka! Sino ka ba?" kunot noo kong tanong

"No need to know"

Pinutol n'ya na ang linya kaya pabagsak kong nilapag ang cellphone ko sa lamesa. Sino ba ang ugok na 'yon? Kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga n'ya. Walang sense.

"Woy! Ang lalim ng iniisip ah?"

Bumalik lang ako sa huwisyo nang inilapag na ni Jahon ang kanyang in-order sa harap ko.
Bumuntong hininga ako at isinubo ang spaghetti. Mas lalo akong naguluhan sa nangyayari. Dati tahimik naman ang buhay ko. Sana hindi ko nalang pinapasok si Timo sa buhay ko. Wala na sanang gulo.

"Hinay-hinay lang. Ilang buwan ka bang di kumain?"

Pinunasan ko ang gilid ng labi ko at kunot noong tiningnan s'ya "Grabe ka! Matakaw na ba talaga, tingin mo sakin?"

Nilunok n'ya ang kinain bago nagsalita "Konti pa lang ang nakakain ko samantalang sa'yo paubos na"

Tiningnan ko naman ang pagkain ko. Napaubo ako nang makitang, konti nalang pala at mauubos ko na ito.

"Sorry" nakangiwing sambit ko "Hindi ko napansin, e"

"Anong problema mo?" malumanay n'yang tanong

"Ang pagiging maganda ko"

Umismid s'ya "Saan banda? Hindi ko makita, e"

"Bigwasan kita dyan, e!"

Humalakhak s'ya. Inikutan ko s'ya ng mata at hindi na kumibo pa. Minsan na nga lang ako nagiging proud sa sarili, hindi n'ya pa sinuportahan. Kaasar!

Pagkatapos namin kumain. Napag desisyonan namin na bumalik sa school dahil may isa pa kaming subject na papasukan. Hindi nagkaroon ng traffic sa dinaanan namin kaya mabilis n'yang pinatakbo ang kanyang kotse. Nang makarating na kami sa campus. Sabay kaming nagtungo sa aming classroom. Hindi alintana na pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil wala kaming pakialam kung ano ang iisipin nila.

Nakarating na kami sa harap ng classroom. Nadatnan namin na wala ang aming mga kaklase.

"Saan sila?" takang tanong ko

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now