Chapter 15

1.6K 47 2
                                    

Keisha

Walang nagawa si Timo kundi ang payagan ako sa gusto ko. Ilang oras din kami nagtalo at sa'twing bubuksan ko ang pinto, hinaharangan n'ya ko. Nang dahil sa kakulitan ko, sumuko na s'ya. Iniwan ko s'ya doon mag-isa. Bahala s'ya sa buhay n'ya.

Panay reklamo ni Rhaine dahil late daw ako. Kanina pa daw kasi s'yang naghihintay sakin, mga 10 minutes. Nakakaloka! Parang ikakamatay n'ya ang sampung minutong paghihintay.

Nasa Jollibee kami. Bago namin libutin ang buong mall. Kailangan muna namin lagyan ng laman ang aming tiyan.

"Hoy girl, minsan nalang tayo magkita hindi mo pa ako ililibre." Mataray na sambit ni Rhaine.

Nilantakan ko ang pagkain na nasa mesa bago nagsalita. "Hoy din! Pareho lang tayong estudyante at pareho lang tayo binibigyan ng allowance."

Sumipsip s'ya sa coke float. "Kuripot mo talaga. Mas malaki allowance mo no!"

Inikutan ko s'ya ng mata. "Hello! Isang beses sa isang buwan nagpapadala magulang ko. Kailangan kong magtipid."

Pinitik n'ya ko sa noo. "Nagtitipid daw pero nasa hotel."

"Masakit yun ha!" Reklamo ko. "Emergency kasi. Tama na ang dada! Ubusin na natin 'to at sa timezone agad tayo."

Nagkibit balikat s'ya. "Sabi mo, e."

Wala nang kumibo samin at pinagpatuloy ang pagkain. Ayokong sabihin sa kanya ang tungkol kay Jahon. At kung bakit ako nasa hotel ngayon. Kahit nga ako hindi ko rin alam.

Nang matapos na kami. Dumiretso kami sa timezone at naglaro ng kung anu-ano. Masayang kasama si Rhaine, pareho kaming nagkakasundo. Tuwing may kabaliwan akong ginagawa, ay sinasabayan n'ya ko. S'ya lang ang naging kaibigan ko. S'ya lang rin ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. If ever na mawala s'ya sakin.

Naghihintay kami ng masasakyan, pauwi. Medyo maraming tao rin kasi ang nag-aabang ng taxi.
Kanina ko pa tinitiis na huwag maihi. Pesteng pantog 'to! Kung kailan nasa labas na ko ng mall, doon pa s'ya nagka-problema.

"Anong problema mo, girl?" Takang tanong ni Rhaine.

"Naiihi ako." Mahina kong sabi.

Pinigilan n'yang tumawa. "So kailan mo balak pigilan yan?" Tinaasan n'ya ko ng kilay. "Punta ka na sa CR. Bilisan mo! Hihintayin kita."

Mabilis akong tumango at tumakbo pabalik sa loob ng mall. Agad kong hinanap ang girls comfort room. Nang nailabas ko na ang kanina ko pang pinipigilan. Naghugas agad ako ng kamay at nag retouch. Nakakaloka!

Paglabas ko. Naramdaman kong may dalawang mata na nakatitig sakin. Mabilis akong naglakad. Kinapa ko sa bulsa ang aking cellphone para tawagan si Rhaine. Dahil sa takot, hindi ko na-control ang aking sarili. Nanginginig akong tinipa ang screen hanggang sa naluhog ito. Tarantang pinulot ko ang cellphone, pag-angat ko ng aking ulo. Dalawang lalaking nakangisi ang bumungad sakin.

Nanlaki ang aking mga mata. Kinilabutan ako bigla. Umatras ako pero mabilis nilang hinablot ang aking mga kamay.

"Subukan mong sumigaw. Puputulin namin yang dila mo." Banta ng isa.

Tinikom ko ang aking bibig at tumango.

"Sumama ka samin. Huwag ka nang pumalag." Sabi ng isa na may peklat sa mukha.

Lumunok ako. Hinawakan nila ang braso ko. Maraming tao ang nakakasalubong namin ngunit walang sino man ang nakakapansin. Hindi rin nagpapahalata ang dalawang lalaki kaya malabong mangyari iyon. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Bakit puro gulo ang nararanasan ko ngayong taon? Ganon na ba ako kasama?




Tinakpan nila ang mga mata ko. Nakagapos ang mga paa't kamay ko. Kanina pa ko pagiling-giling dito dahil hindi ko maitayo ang aking katawan.

May naririnig akong mga lalaking nag kukwentuhan. Hindi na ako nag abalang makinig sa usapan nila. Ang iniisip ko nalang ngayon ay kung bakit ako nandito at anong kailangan nila sakin.

Ilang minuto ang lumipas. May mga yapak ng paa ang papunta sa gawi ko. Dahan-dahan n'yang tinanggal ang tela na nakatakip saking mata. Pagmulat ko, nasa dalwampung lalaki ang bumungad sakin. Lahat sila'y nakatingin sakin. Bahagyang kumunot ang aking noo.

"Ano'ng kailangan n'yo?" Malamig kong tanong.

"Buhay mo." Sagot ng taong nasa harapan ko.

"Bakit? Wala naman akong utang sa inyo a." Taka kong sinabi.

"Ikaw wala pero mga magulang mo meron." Nagsindi s'ya ng yosi at binuga ang usok sa ere.

"Diretsuhin n'yo nga ako. Sino ang may pakana nang lahat ng ito?" Nanatili akong kalmado.

"Gusto mo s'yang makilala?" Nakangisi n'yang tanong.

"Ay hindi. Baka ikaw gusto mo s'yang makilala." Pilosopo kong sabi.

Payak na tumawa ito. "Mahilig magpatawa a." Tumalikod s'ya at nagtungo sa isa n'yang kasama.
"Dalhin s'ya kay boss. "Utos n'ya.

Agad tumango ang inutusan n'ya. Marahas n'yang hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa isang silid. Hindi na ko nagprotesta, sumunod nalang ako sa nais n'ya.

Binuksan n'ya ang pinto at itinulak ako. Napadapa ako sa sobrang lakas nito. Walang hiya! Pwede namang papasukin n'ya ko na hindi tinutulak. Bwesit!

Pag-angat ko ng aking ulo. Isang lalaking nakatalikod habang nakaupo sa swivel chair ang bumungad sakin.
Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang magsalita ito.

"Long time no see, Keisha Morales." At dahan-dahan s'yang humarap. "Kamusta?" Ngumisi s'ya.

"Close tayo?" Taas kilay kong sabi.

Pekeng tumawa ito. "Hindi. Pero nagkita na tayo."

Mas lalo ko pang itinaas ang kilay ko. "Ay hindi kita na noticed. Famous ka ba?"

Kumunot ang kanyang noo. "Ang ugali mo ang magpapahamak sa'yo."

"Ay hindi naman siguro. 17 years na akong nabubuhay sa mundong ito pero heto ako humihinga parin."

Umiling-iling s'ya. "At ito na ang huling hininga mo kung hindi susundin ng mga magulang mo ang aking gusto."

"Ano ba kasi yun?" Nakakainis na. Daming alam itong matandang 'to.

"Alam mo bang malaki ang utang nila sakin? Sa pamilya ko?" Lumapit s'ya sa gawi ko. "Alam mo bang buhay mo ang kapalit sa lahat ng 'yon?"

"At alam mo rin bang wala akong pakialam sa lahat ng sinabi mo?" Nginitian ko s'ya. Pang-aasar na ngiti.

Gumuhit ng pagkainis ang kanyang mukha. Bigla n'ya kong sinakal, napa ubo ako sa sobrang higpit nito.

"Pasalamat ka at kailangan ka pa namin. Kung hindi, pugot na yang ulo mo." Binitawan n'ya na ko. Bumalik s'ya sa kanyang pwesto kanina. Kinuha n'ya ang kanyang telepono at may dinial ito.

"Mr.Morales, kamusta?"

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. This can't be! Totoo nga lahat ng sinabi n'ya. Patay ako nito kay Mama at Papa. Please, wag sana silang magpapaloko sa hinayupak na 'to.

"Gusto n'yo bang marinig ang boses ng inyong anak?" Ngiting demonyo ang ginawa n'ya. "Ha-ha-ha. H'wag n'yo kong subukan. Pag sinabi ko, gagawin ko. Baka isang araw malalaman n'yo nalang na wala nang buhay ang nag-iisa n'yong anak."

"Hay naku. Nagsasayang lang s'ya ng oras." Bulong ko.

"Kung gusto n'yo s'yang mabuhay. Umuwi kayo dito sa Pinas at kayo ang magbayad sa lahat ng kasalanan ninyo."

Anong klaseng kasalanan ba kasi yan?

"Subukan n'yo!" Tumaas ang tono ng kanyang boses. "Nawala na ang bunso n'yo. Isusunod ko na ba ang panganay?"

Nanlamig ang buo kong katawan. Tila huminto ang paligid at ang paghinga ko nalang ang aking naririnig. May alam s'ya sa pagkamatay ng kapatid ko? Pag nalaman kong s'ya ang may pakana nang lahat, hinding-hindi ko s'ya mapapatawad.

In the Arms of Mr.PsychopathUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum