Chapter 5

2.4K 93 15
                                    

KEISHA

Napag desisyonan kong bumaba para sundan si Timo. Nang makababa na ako, nadatnan kong nanonood s'ya ng movie. Bahagya akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi n'ya.

Walang nagsalita samin. Parang namatayan kami sa sobrang tahimik ng paligid. Huminga ako ng malalim at bumaling sa kanya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko

Nanatili parin ang kanyang atensyon sa palabas. Ni hindi man lang n'ya ko, tinapunan ng tingin.

"Anong ibig sabihin non?" tanong ko ulit

Aba! First kiss ko 'yon no. Wala akong naging boyfriend dati dahil mas lalaki pa akong kumilos kaysa sa kanila. May nagtangkang manligaw pero masyadong childish, di ko bet.

"Alam mo bang fir---" umiling ako "Alam mo bang nagulat ako sa ginawa mo?"

"Umalis ka na" gusto kong mahimatay sa tono ng boses n'ya. Nilamig ako e.

"Huh? Bakit?" takang tanong ko

"Don't you understand me? I said GET OUT!" turo n'ya sa pinto

"Ano bang nangyayari sa'yo?" kalmado kong tanong habang nakikipagtitigan sa kanya

"I don't want to be close to you. I don't need a friend like you. I don't need you in my life" malamig n'yang saad at umiwas ng tingin "If you want your friend to live, don't talk to me anymore"

Payak na tumawa ako "Tinatakot mo ba ako? Kasi kung oo, hindi ako natatakot sa'yo" taas noo kong sambit

Tumayo s'ya at sinipa ang sofa. Napahilamos s'ya sa kanyang mukha saka walang buhay akong tiningnan. "Sinusubukan mo ba ko huh?"

Hindi ko pinahalata ang kaba sa dibdib ko. Sinusubukan kong kumalma kahit p*ta sobrang nakakatakot na.

"I can kill your friend, in just one snap" seryosong aniya. Bumalik ang dating Timothy na nakilala ko. Ang mga mata n'yang nakakatunaw ang tingin, ang boses n'yang sobrang lamig, at ang kilos n'yang hindi mo mabasa kung ano ang susunod n'yang gagawin.

Napalunok ako sa kaba at sinabayan ang titig n'ya "Subukan mo Timo, pagsisisihan mo ang gagawin mo"

Humalakhak s'ya at napailing "Nagtatapang-tapangan?"

Nainis ako sa sinabi n'ya. Sinubukan ko nga na wag magpahalata tapos na buking n'ya na. Walang epek 'yong pag-arte ko.

Tumaas ang kilay ko. Humalukipkip ako at tumayo para pantay kami. Hanggang leeg ako sa kanya, sa sobrang tangkad n'ya kailangan ko pang tumingala.
"Hindi lang ikaw ang marunong magseryoso, Timo"

Marahas n'yang hinawakan ang braso ko. Sa sobrang higpit nito, napasigaw ako sa sakit.

"H'wag mo kong susubukan, Keisha"

Keisha? First time n'yang binanggit ang pangalan ko. Imbis na matuwa ako, nag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Masakit ba?" pinasadahan n'ya ng tingin ang braso ko, na sobrang pula na. "Mas masasaktan ka kapag hindi mo ko lulubayan" pinakawalan n'ya na ako

Humikbi ako dahil sa sakit na naramdaman. Tumigil ata sa pagdaloy ang dugo sa braso ko. Sobrang sakit e, nag marka pa ang palad n'ya dito.

"Umalis ka na" malamig n'yang wika at tinalikuran ako.

Humagulgol ako sa iyak at tumakbo palabas ng bahay. Kaya kong tiisin ang lahat ng pananakit n'ya basta magbago lang s'ya. Sa ngayon, tutuparin ko muna ang hiningi n'yang pabor sakin kahit sa marahas na paraan.

Gabi na pala. Walang ilaw sa kalsada kaya nanginig ako sa takot. Paano kung may multo rito? Tapos hahablutin ako at itago sa liblib na lugar. Shocks! Ang creepy!

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now