Chapter 3

2.7K 94 32
                                    

Keisha

Pag mulat ko sa aking mga mata. Masyadong malabo pa ang aking paningin ngunit di nagtagal puro puti na ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Pero hindi e, may naririnig akong ingay. Hagulgol ng isang babae.

Lumingon ako sa kanan, nadatnan ko ang babaeng nakaupo malapit sakin. Tinatakpan n'ya ang kanyang mukha gamit ang palad nito. Akmang babangon ako nang biglang sumakit ang buong katawan ko.

Sh*t!

"Sino ka?" mahina kong tanong

Unti-unti n'ya na pinapakita ang kanyang mukha. Nang maanigan ko ito, biglang nanikip ang aking dibdib.

Impossible 'to! Nananaginip lang ako!

Biglang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata. Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang pisngi, upang siguraduhin kong totoo nga ba s'ya.

"Ate, ok lang ba?" nag-aalala n'yang tanong.

Ngumiti ako nang marinig muli ang boses n'ya "Maganda pa rin naman ako" payak na tumawa s'ya
"Miss na miss na kita" hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ang aking luha.

"Miss na miss din kita, Ate" niyakap n'ya ko "Mag-iingat ka sa taong nakakasalamuha mo. Hindi lahat sila ay totoo" kumawala s'ya sa yakap at tumayo.

Nagtaka ako sa sinabi n'ya. Ano'ng ibig n'yang sabihin? Ano ang nais n'yang iparating?

Magtatanong pa sana ako, ngunit bigla s'yang kumaway sakin na may ngiti sa labi at pinihit ang doorknob saka lumabas.

"Athena!"

"H'wag mo kong iwan!" humagulgol ako sa iyak "Athena please..."

Nakaramdam ako na parang lumilindol. Napakabilis at napakalakas na lindol.

"Keisha! Keisha gising... Keisha!"

Dumilat ako at habol ang hininga. Parang nanggaling ako sa takbuhan at may humahabol sakin. Mabigat ang paghinga ko, halos sumakit na ang dibdib ko dahil hindi ako masyadong makahinga ng maluwag.

Inabot ni Rhaine ang isang basong tubig sakin.
"Uminom ka muna ng tubig" agad ko itong tinanggap. Nang maubos ko na, binigay ko sa kanya ulit ang baso.

"Binabangungot ka" ani nito

Bumuntong hininga ako at hinilot ang aking sentido "Sino'ng nagdala sakin dito sa hospital?" tanong ko

"Hindi ko alam kasi tinawagan ako ng nurse na nandito ka raw" tugon n'ya

Sigurado akong ginamit ng nurse ang cellphone ko upang matawagan si Rhaine. S'ya lang kasi ang naka- phonebook sa contact list ko.

"Gusto ko nang umuwi" malumanay kong sabi

"Hindi pa pwede, kailangan mo munang magpahinga. Hindi pa masyadong naghihilom ang mga sugat mo" sabi nito. Kinuha n'ya ang monobloc at umupo sa tabi ko.

I frowned "Isang unforgettable moment yung nangyari sakin"

"Hala?! Memorable siguro" biro n'ya

Umiling ako at ngumiti "Once in a lifetime lang mangyayari 'to. Sana sinagad na ni Timo ang pagbugbog sakin"

"ANO?!" gulat n'yang tanong. Lumaki pa ang kanyang mata, nag mukha tuloy s'yang tarsier.

"Ay nagulat ka ba sa nalaman mo?" sarcastic kong sabi "Yung taong tulad ni Timo, wala 'yang sinasanto"

"Pero girl, ikaw lang ang hinayaan ni Timothy na makalapit sa kanya. Ikaw lang din ang kinausap n'ya" kumalma s'ya "At ikaw lang din ang binuhay n'ya"

In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now