Chapter 6

2.3K 77 9
                                    

Keisha

"Rhaine, nakilala mo ba kung sino ang nagdala sakin dito sa hospital?" tanong ko sa kanya na prenteng nakaupo sa sofa.

Nagkibit balikat s'ya at kinagat ang mansanas "Hindi ko alam, basta tinawagan ako ng nurse na nandito ka raw. Pangalawang beses na 'to, girl"

Huminga ako ng malalim at pagod na isinandal ang likod sa unan. Pangalawang beses na nangyari 'to. Wala man lang pakialam ang magulang ko, kung maayos lang ba ako dito.

Kinilabit ako ni Rhaine at inilahad ang tumutunog kong cellphone. "Roaming number. I'm sure si Tita 'yan"

Nag-alinlangan pa kong tanggapin 'yon pero wala akong ibang choice. Sinagot ko ang tawag at walang ganang nagsalita.

"Ma?"

"Anak kamusta ka dyan? Nabalitaan kong nasa hospital ka daw"

"Sa awa ng Diyos, buhay parin ako"

"Ano ba ang nangyari sa'yo? Di bale, magpapadala kami ng Papa mo para pambayad mo sa hospital bill"

"Hmmm" tumango ako at tiningnan si Rhaine na inuubos ang dala n'yang prutas na para sakin sana.
"December na, di ba kayo uuwi?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya sa kabilang linya "Pasensya na anak. May trabaho pa kami na dapat asikasuhin"

Nag init ang gilid ng mga mata ko "Ah ganon ba? Ok lang"

Ok lang, kahit p*ta ang sakit na!

"Kina Rhaine ka nalang mag celebrate ng pasko, anak"

"Sanay na po ako mag-isang nagce-celebrate ng pasko" payak na ngumiti ako

"Ikaw ang bahala. Basta magpapadala lang kami ng Papa mo. Mag-iingat ka dyan. H'wag---"

Pinutol ko na ang tawag dahil hindi ko na napigilan ang luha kong kanina pa gustong tumulo. Bakit hindi pa ako na sanay? Taon-taon ganito ang nangyayari sakin. Mag-isa, umiiyak at walang nagpapasaya t'wing pasko.

Patuloy ang paghikbi ko. Lumapit si Rhaine sakin at hinagod ang aking likod. Walang salita ang lumabas sa kanyang bibig pero ramdam kong concern s'ya sakin. Niyakap ko s'ya nang mahigpit at binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.

Nakatulog ako sa sobrang pagod sa kakaiyak. Gumaan na rin ang pakiramdam ko. Pag gising ko wala na si Rhaine, may iniwan s'yang note. Uuwi daw muna s'ya dahil hinahanap na s'ya ng kanyang mga magulang.
May iniwang pagkain at prutas sa lamesa.

Teka! Ubos na 'yong prutas kanina ah?

Hindi ko nalang iyon pinansin at kinuha na ang mga pagkain. May nakita akong note na nakadikit sa plastic. Binuksan ko iyon at binasa.

Hey!
Kainin mo 'to dahil kung hindi, papatayin kita.

-Unknown

Ang harsh ng nagbigay nito ah. Infairness masarap ang pagkakaluto ng adobo.

Inubos ko lahat ng pagkain, wala akong tinira kahit isa. Isang buwan din akong hindi nakakain ng lutong bahay. Minsan kasi nag o-order lang ako. Tinatamad akong magluto, e.

Nagpahinga ako at binuksan ang cellphone ko. Nag online ako sa facebook. Matagal tagal na rin akong hindi nakapag online. Pag scroll ko sa news feed. Laking gulat ko nang makita ang litrato namin ni Timo. Ito 'yong kinukulit ko s'yang, sasama ako sa kanya.
Nagtiim-bagang ako nang mabasa ang caption.

Si Keisha huli kasama si Timothy Cervantez, ang taong suspek sa pagpatay sa mga estudyante. I think kasabwat n'ya si Keisha. They're both Psychopath!

In the Arms of Mr.PsychopathWo Geschichten leben. Entdecke jetzt