Chapter 18

1.5K 39 5
                                    

Keisha

Binulabog ng malakas na ingay ang pagtulog ko. Padabog akong bumangon at tinignan kung ano iyon. Pagbaba ko ng hagdan bumungad sakin ang isang babaeng nagluluto habang kumekembot. Nakatalikod ito sakin kaya di ko makita ang mukha n'ya. Kumunot ang noo ko. Sino 'to?

Bumaling ako sa lalaking nakaupo sa kitchen table habang nagbabasa ng dyaryo at sumisimsim ng kape. Bahay ko ba 'to? Bakit may mga hinayupak dito?

Huminga ako nang malalim. Kalma self. Hindi mo sila sisigawan. Hindi mo sila papalayasin. Tatanungin mo lang sila. Ok, kalma.

"HOY! SINO KAYONG MGA HAYOP KAYO?!"

Napatalon sa gulat ang babae samantala yung lalaki naman ay nabuhos ang kapeng iniinom n'ya.

Napanganga ako sa gulat nang bumaling sila ng tingin sakin. Tila tumigil ang paghinga ko at walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Nag init ang gilid ng aking mga mata. Matagal akong nangulila sa kanila. Sa wakas, nakita ko na rin sila.

"M-Mama... P-Papa" Nabubulol kong sabi.

"Keisha, hija." Sinalubong ako ng yakap ni Mama.

Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg. "Mama, na miss ko kayo."

"Kami rin anak... kami rin." At hinimas n'ya ang aking buhok.

Kumawala s'ya sa pagkakayakap. Pinunasan n'ya ang aking pisngi dahil basa na ito ng luha.

"Papa..." Tawag ko sa lalaking nakahalukipkip at ang kanyang mga mata ay nakatuon samin.

"Buti naman at buhay ka pa." Saad nito.

"Ano'ng gusto mong mangyari sa anak natin Oscar? Mamatay?" Kunot noong tanong ni Mama.

Humalakhak si Papa at umiling. "Nagbibiro lang ako." He spread his arms. I ran and hugged him tight. I really missed my Papa.

"You're such a hard headed, daughter." At hinalikan ako sa noo.

I pouted my lips. "Pa! Kahit ngayon lang, wag ka munang mag english."

Itinaas n'ya ang kanyang kilay. "Mag co-college ka na, mahina parin vocabulary mo sa english?"

"I know how to speak english but not good."

Ngumisi ito. "It's really obvious."

"Papa!"

Humalakhak ito at niyakap ako ulit ng mahigpit. Ipinikit ko ang aking mata at dinaramdam ang mga yakap n'yang matagal kong di naramdaman.

"Ehem!"

Napatingin kami kay Mama.

"Baka naman may plano kayong isali ako." Sambit nito.

"Come here my love." May halong paglalambing na sabi ni Papa.

Tumili s'ya't nagyakapan kaming tatlo. Simula sa araw na 'to, hinding-hindi ko na muli mararamdaman ang lungkot. Dahil nandito na ang mga mahal ko sa buhay. Nandito na ang parents ko. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to... ang mabuo uli ang pamilya namin.

Nakangiti akong pumasok sa school. Ewan ko ba't hindi ko maiwasan ngumiti kapag naiisip kong nandito na nga sina Mama at Papa.

Habang naglalakad ako patungong classroom. Naanigan ko ang isang lalaking nakatayo sa di kalayuan, ang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang pants. At diretsong nakatingin sa gawi ko. Naningkit ang aking mga mata dahil hindi ko masyadong mamukhaan. Binilisan ko sa paglalakad para lapitan ito.

Nang makalapit na ko sa kanya. Agad ko s'yang hinampas sa braso.

"Walang hiya ka Timo! May kasalanan ka pa sakin."

Blangko'ng mukha ang iginawad n'ya.

"Aba aba! Akala mo hindi ko makakalimutan ang pag iwan mo sakin nung nakaraang araw... linggo pala." Nakapamewang ko sabi.

Hindi parin s'ya nagsasalita.

"Alam mo bang nakakabaho ng hininga kapag hindi mo ibinuka ang bibig mo?!"

Ilang kurap ang ginawa ko pero ganoon parin ang ekspresyon n'ya.

"Bingi ka ba?! Wag mo kong idaan dyan sa mga titig mong nakakamatay ha!" Dinuro ko s'ya.

"Ang kapal ng pagmumukha mong magpakita sakin at hindi ka man lang marunong mag sorry dahil sa pang-iiwan mo sakin! Lahat sila iniwan ako..." Mangiyak ngiyak kong sabi. Agad naman ito napalitan ng ngiti. "Pero binalikan naman ako nina Mama't Papa. Ikaw binalikan ka ba?"

He immediately grabbed my arm. "Nakakarindi ang boses mo. I wanna cut your tongue, right now."

Ilang beses akong lumunok. Mauubos na ata ang laway ko neto. "T-Timo parang wala naman tayong pinagsamahan kapag ginawa mo yan."

Pekeng tumawa ito. "Pathetic." At binitawan n'ya na ako.

Nakahinga ako nang malalim. Akala ko matutuloyan na ako, e. "Oy, pinapahalagan n'ya friendship namin." Sabay tusok ko sa tagiliran n'ya.

"You must be kidding." Walang buhay n'yang sambit. Boring talaga n'yang kausap. Inikutan ko nalang s'ya ng mata.

"Your parents are already here."

"I know right." Taas kilay kong sabi at umiwas ng tingin sa kanya. Wait. "Kilala mo mga magulang ko?"

"Nasa tanong mo na ang sagot." Tinalikuran n'ya ko. Hahakbang sana s'ya nang tinawag ko s'ya.

"Sino ka ba talaga Timo? Bakit andami mong alam tungkol sakin?"

Hinarap n'ya ko at inilapit ang kanyang mukha sa tenga ko. "Your greatest nightmare. If I were you, I won't sleep... anymore." At sinimulan n'ya nang ilayo ang sarili n'ya sakin.

Naiwan akong nakatulala. Tinitignan ang bawat hakbang na ginawa n'ya papalayo sakin. Naguguluhan ako sa kanya o sa sitwasyon. Ewan. Sumasakit ang ulo ko sa t'wing iniisip kong ano nga ba ang papel n'ya sa buhay ko. At kung ano ang kailangan n'ya sakin. Kung nababasa ko lang ang isip n'ya, wala na siguro akong problema.

"Gusto kong makilala ang pagkatao mo, Timo. Gagawa ako ng paraan para malaman ito. Hinding-hindi ako titigil hangga't wala akong may nakukuhang impormasyon tungkol sayo. Kung balak mong sirain ang buhay ko, mauuna muna sayo. Ikaw ang greatest nightmare ko pero ako naman ang greatest enemy mo sa reyalidad. Wala akong balak na kalabanin ka, pero binigyan mo ko nang dahilan para gawin iyon."

In the Arms of Mr.PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon