Panimula

6.7K 140 33
                                    

Keisha

"Keisha, h'wag kang lumapit sa kanya" bulong ng bestfriend ko na si Rhaine.

"Bakit naman?" takang tanong ko habang sinisindihan ang stick ng sigarilyo.

"May personality disorder yan, hindi nakikipag-usap sa mga tao, at heartless" binuga ko ang usok ng sigarilyo sa mukha n'ya dahilan nang kanyang pag-ubo.
"Magkaka-asthma ata ako sa'yo neto."

"Sa gwapong 'yan may personality disorder? Ganyang klaseng mukha hinahabol yan ng mga babae" napailing ako atsaka itinapon ang sigarilyong hawak ko. "Pustahan tayo, lalapitan ko yan at ipapakilala ko ang sarili ko. Pagdating ng ilang linggo mai-inlove yan sakin"

"Deal! 3 thousand, siguraduhin mo lang na buhay ka pa kapag nakipagkita ako sa'yo" humalukipkip s'ya at isinandal ang kanyang likod sa pader.

Lunch time ngayon kaya nandito kami sa likod ng building ng senior high school. Kanina pa namin minamasdan ang lalaking natutulog sa ilalim ng puno.

"Sige aalis na ko" sabay tapik n'ya sa balikat ko. "Good luck...advance rest in peace"

Napairap ako sa huling sinabi n'ya. Mukhang hindi ang lalaking kaharap ko ang may saltik kundi ang kaibigan ko.
Umupo ako sa tabi n'ya at isinandal ang likod ko sa puno. Naramdaman n'ya siguro ang presensya ko kaya nagising s'ya't walang emosyon tiningnan ako.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong ko sa kanya.

Inalis n'ya ang tingin sakin at inayos ang nagusot n'yang uniporme.

"Keisha nga pala, anong pangalan mo?" tanong ko ulit pero hindi n'ya parin ako kinikibo kaya tumingin ako sa ID n'ya.

"Timothy..." mahinang bigkas ko. "Can I call you Timo?"

Hindi n'ya parin ako pinapansin.
Teka multo ba ko?

Tumayo s'ya at isinukbit ang bag n'ya sa kanyang balikat. Akmang aalis na s'ya nang hawakan ko ang braso n'ya upang pigilan.

"Hindi naman ako multo, nahahawakan naman kita" sabi ko. Sobrang lamig ng pagtitig n'ya sakin at marahas n'yang binawi ang kanyang braso sa pagkakahawak ko.

May naisip akong ideya, nakakahiyang ideya para mapansin n'ya ko.
Humakbang s'ya palayo kung kaya't sinundan ko s'ya. Ang bilis n'yang lumakad, tumakbo ako para habulin s'ya.

"Timo sandali!" tawag ko. "Ganon nalang ba 'yon? Pagkatapos kong ibigay ang lahat sa'yo, iiwan mo ako?"

Hindi n'ya ko nilingon. May mga estudyante kaming nakakasalubong kaya napatingin silang lahat sakin nang umarteng humagulgol ako sa iyak.

"Timothy, buntis ako at ikaw ang ama!" tinakpan ko ang aking mukha ng dalawa kong palad.

Tumigil s'ya sa paglalakad at dahan-dahang nilingon ako. Bahagyang bumale ang kanyang leeg upang pagmasdan ako.

"Isang buwan ko nang dinadala ang bata sa sinapupunan ko."

Oy! Nag work ang effort ko!

"Kaya mo ba ko iniiwasan dahil wala kang pakialam samin ng anak mo?" dagdag ko.

"That's not my child and besides..." he smirked "YOU'RE.NOT.MY.TASTE"

Jusko! Nakakasakit ng damdamin!

"I don't even know you, so get lost."

Nakaramdam ako ng lamig, tirik naman ang araw pero sobrang lamig ng pagkakasabi n'ya non.

"You already found me" pilosopo kong sabi.

"Bayarang babae ka siguro."

Nanlaki ang mga mata ko at nagtiim-bagang ako dahil sa inis.

Tinalikuran n'ya ko, bago pa s'ya makalayo sumigaw ako dahilan nang pagbubulungan ng mga estudyante.

"Isa kang PSYCHOPATH!" at pinulot ko ang bato sa lupa saka ibinato 'yon sa kanya.

Oops! Natamaan s'ya sa ulo, natakpan ko ang aking bibig nang makita may dugong tumutulo rito.

Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nanginginig ako sa takot na baka patayin n'ya ko dito mismo sa campus.

Pero nakalipas ang ilang segundo hindi n'ya ko binalikan at hindi n'ya rin ako nilingon. Nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad na parang walang iniindang sakit.





In the Arms of Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now