Chapter 3: First Day of School

2.9K 148 15
                                    

Evor PoV

"Evor gising na!" Rinig kong sabi ni  Christoff! Actually magkadorm kami noon pa man kaya nga naging bestfriend ko sila eh. Ayoko nang balikan pa ang naging ex bestfriends ko.

Nagsimula na akong gawin ang daily routine ko dahil first of school ngayon kaya ayokong ma-late. Except sa division ay magrooon ang bawat division ng iba't ibang seksyon kung saan nahahanay ang bawat estudyante base sa kanilang lebel. Unfair man pero yun ang patakaran dito eh. May anim na Classes dito , Class S+( Level 850-1000 above), Class S(Level 750-849), Class A+(Level 600-749), Class A(Level 400-599),Class B(Level 300-399), at panghuli ay ang Class C (Level 299- below). May 2,267 libong estudyante ang nakabilang sa Division of Delvoron kaya  halos  karamihan sa mga estudyante dito bawat seksyon ay pinili ayon sa naging abilidad nila noong nagsimula palang ang pag-aral nila dito at magbabago yung Class mo pero depende nalang sa iyo kung magsusumikap ka sa pagti-training.

Sa Class C ako kasi dahil level 175 palang ako,s aklap diba?!. Kahit ganon ay okay lang sa akin. Hindi ko man hangad na maging sikat. Oo nga pala, bumalik tayo, kasalukuyan akong papunta sa school 7:30am  na nang umaga kaya kailangan ko nang umalis dahil 8:00am ang umpisa ng klase namin sa Cadmus Academy.

Noong second year college palang ako ay kasa-kasama ko ang dalawa kong bestfriend na sina Christoff at Davis, kaso ngalang nang tumaas na ang lebel nila ay inilipat sila sa ibang matataas na Class. Silang dalawa ay kabilang na sa Class A sapagkat umaangat ang lebel nila noong nagdaang mga taon dahil na din sa kanilang pagti-training. Kahit ganoon ay matatag pa rin ang aming samahan. Yun nga lang ay hindi na kami buong araw na magkasama dahil nasa ibat-ibang Class kami ngayon.

Nandito na ako ngayon sa labas ng Cadmus Academy. Ang Academy ay isang napakalaking lugar na maihahantulad sa isang palasyo na kumikinang dahil sa ginto nitong kulay. May napakagandang disensyo at mga kakaibang ukit na halos perpekto nitong pagkakagawa. Sa loob ng Akademya ng Cadmus ay may labindalawang palapag na sobrang lawak nito.

Ang Unang Palapag ay dito makikita ang mga Opisina ng mga professor/ guro. Sa ikalawang Palapag naman ay ang Headmaster's Office, Guidance Office, Dean's Office at Detention Office.Sa Ikatlong Palapag naman ay ang sobrang laking Library Room at Ang Alchemy room. Sa Ikaapat na Palapag naman ay ang Equipment Room at ang Training Room. Sa Ikalimang Room naman ay ang classroom ng Class C, Sa Ika-anim na Palapag naman ay classroom ng Class B, Sa Ika-pitong Palapag naman ay ang Classroom ng Class A, Sa Ikawalong palapag naman ay ang Classroom ng Class A+, Sa Ika-siyam na Palapag naman ay ang Class S, At ang Panghuling Palapag o Ika-sampong Palapag naman ay ang Class S+ kung saan makikita ang mga pinakamahusay at Pinakamalalakas na mga nilalang na malapit na sa Rurok ng kanilang Lebel ng Kapangyarihan.


BILANG NG MGA ESTUDYANTE BAWAT CLASS

CLASS C - 502
CLASS B -460
CLASS A -368
CLASS A+ - 387
CLASS S - 281
CLASS S+ - 269

TOTAL NUMBER OF STUDENTS - 2,267

Naglalakad na ako papunta 5th floor kung saan ang Room ng mga kagaya kong Class C. Nagmamadali ako ngayon sapagkat ayokong ma-late sa una kung asignatura. Ang totoo niyan ay nagtataka talaga ako na hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa Class C dahil halos lahat ng mga kaklase ko noong nagsimula akong nag-aral ay nasa ibang mga Class na samantalang ako hanggang ngayon ay dito pa rin sa Class na ito.

Marami pa namang nambubully na kapwa namin estudyante na galing sa ibang class na  iniinsulto o kaya'y pinapahiya sa ibang kapwa rin namin estudyante. Marami yan dito sa aming Division mapa-lalaki man o babae. Iwas din ang mga  kapwa-estudyante dito lalo na sa grupo ni Matthew Hogens at sa mga alipores nito.

Sa totoo niyan ay ngayon lang ako nahiwalay sa kanila dahil sa sila ay pinagsabihan na ng aming Headmaster Ryan Shiro na dapt ay lumipat na sila Christoff at Davis ng Class dahil hindi na sila nababagay sa Class C dahil sa mataas na nilang Level kaso ay nagpumilit sila kay headmaster na kung pwede ay sa susunod na taon na sila lilipat ng Class kaya ngayon ay hindi ko na sila makasama pa pero magkadorm pa rin kami.

Papasok na ako ngayon sa sild-aralan namin. Pagkapasok ko ay umub-ob muna ako at napapikit narin ng mata.

"Good Morning Class!"sabi ng aming Guro na si Miss Yvonne. As usual siya pa rin ang guro ko. Ewan ko nga ba kung bakit ang hirap magpataas ng Level ko. Matagal at maraming hirap na rin ang pagti-training ko kasama ko si Christoff at Davis na bestfriend ko pero hanggang ngayon dito pa rin ako.

Malakas naman ang taglay kong kapangyarihan at alam yun ng aking mga kaibigan kaso nga lang ay hindi ko pinapakita sa mga kaibigan ko ang Ikaapat na Mythical Creatures sapagkat hindi ko pa kayang ipalabas siya. Madalas nga akong magtraining para mapataas ko ang Level ko hanggang 200 para makontrol ko na ng buo ang Ikaapat kong Mythical Creatures/Pet. Evolution Magic daw sabi ng ama ko  ang kapangyarihan ko at hindi summoner o Upgader sapagkat kayang-kaya kong Magkaroon ng Form based sa Gusto ko. First form(Baby Form), Second Form(Middle Form, Third Form/ Last Form(Full Form). Tatlo pa lang ang napapalabas kong Mythical Creatures. Hindi lang basta Creatures dahil Sobrang lakas nila , yun nga lang ay humihigop ng enerhiya din ang mga natatawag kung Mythical Creatures kaya nga puspusan ang training ko. Wala pa akong ideya kung ano ang anyo ng aking fourth Pet dahil hindi pa daw oras ng kanyang paglabas.

Naputol ang aking pag-iisip ng may lumitaw na dalawang tao sa aming paningin.

"Siya nga pala, may bago kayong kaklase, Siya ay sina Cleo Vonn Diaz at Chlea Nicole Sarmiento." Sabi ng aming guro.

"Mind introducing yourselves?!" Dagdag ni Miss Yvonne na ngayon ay kaharap niya ang dalawang baguhang estudyante.

"Hi Everyone! My Name si Chlea Nicole Sarmiento, 17 years old, I'm a Flower Manipulator, Level 158." Masiglang bati niya. Halatang friendly at Hyper din ang babaeng ito.

"Hello Everyone! My name is Cleo Vonn Diaz, 18 years old. I'm a Puppet Manipulator, Level 150." Masayang sabi nito sabay ngiti.

Ang hina naman ng mga kapangyarihan nila! - Boy1
Oo nga brad! Sarap ilampaso! -Boy2

Malamang dadagdag na iyan sa mga ibu-bully dito! -Boy3

Super weak naman ng babae na 'yan! -Girl1
Kawawa naman sila especially si Cutie boy! -Girl2
Oo nga, sana hindi siya maging target, yung babae na lang sana ang i-bully! - Girl3

For sure magiging kahiya-hiya sila dito!-Girl4
Sa wakas may dumating na rin na mas weaklings pa kaysa sa atin - Girl5

HAHAHA!!!! -Tawanan ng halos lahat ng mga estudyante dito sa Class C.

"Quiet!" - sigaw ng guro namin na may himig ng pagbabanta.

"Bago palang ang dalawang ito, tinatakot niyo na! Maupo na kayo!"dagdag ni maam na tinutukoy ay ang dalawang transferee.

Humanap ng upuan ang dalawa at sakto namang wala akong katabi ngayon na noo'y mga bestfriend kong si Christoff at Davis ang umuupo dito kaso nga inilipat na sila ng aming Headmaster.

"Pwedeng bang dito kami uupo?!" Sabi ni Chlea. Sabay tukoy niya sa dalawang bakanteng  silya na katabi ng inuupuan ko.

"Oo naman!" Sabi ko sabay ngiti.

"Thank you"-magiliw na sabi nila sa akin sabay bitaw ng matamis na ngiti.

"You're Welcome!" Sabi ko sa kanila na gamit ang medyo mahinang boses.

Nagdicuss na si Maam about blah!blah!blah! -halos lahat kami ay alam na namin yan. If you know, lahat naman kami ay excited mamaya sa mangyayaring Battle lalo na't First dat ngayon kay expected na naming lahat na may Class Battle.

Muntik ko nang makalimutang sabihin, Ang schedule pala ng klase namin sa umaga (8:00am-11:00am) ay Puro DISCUSSIONS at sa Hapon (12:30pm-6:00pm naman ay Training Room /Battle Area pupunta ang mga estudyante.

May mga rules and Regulations na dapat sundin. Ang Golden rule dito ay bawal pumatay!, yun lang naman. May rule din  na napagkasunduan ang mga President ng bawat Class at iyon ay dapat may magiging Representative ang bawat Class dahil magkakaroon ng mga Class Battle.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now