Chapter 26

1.9K 114 7
                                    

Hindi mawari ni Evor na hahantong sa ganito ang naging labanan. Ang nasaksihan ng mga mata ng mga nanonood lamang ay kahindik-hindik lalo na sa mga brutal na aksyon na nasaksihan nila kani-kanina lamang.

Hindi ito naaayon sa plano at kagustuhan ni Evor lalo pa't ang inaasahan niyang magiging maayos ang maggiging labanan ay kabaliktaran ngayon sa nakikita ng kaniyang nagliliwanag na pares ng mata.

Makikita aakalaing mgiging magulo ang labanan at walang awang pinapatay ang mga taong nasasagupa nila maging kakampi man ito o kaaway. Makikita mong ang bawat isa ay gustpng manalo kahit anong mangyari.

K A P A N G Y A R I H A N 💥🐚⌛️🌀🔥❄️⚡️⚡️💧☄️

Iyan ang gustong makamit ng mga taong sumabak sa labanan. Naging ganid sila sa kapangyarihang hindi nila pagmamay-ari. Inuuna ang sarili kaysa sa iba.

Papatay ng inosenteng tao mapakaibigan man o hindi. Isang karaniwang nangyayari ngunit patuloy pa ring umiiral sa mundong ito.


Mga hangal, sinong nagsabi sa inyo na kailangan niyong magpatayan? Isang gawaing dudungisan niyo ang inyong kamay ng dugo ipang manalo?" Sambit ni Nescafra sa mga tao sapagkat ang kanilang ginawa ay sobra na sa kanilang inaakala.

Ang inyong kawalang-awa sa pagpatay ng mga tao ay tunay ngang gawain ng isang halimaw, tao pa ba kayo?
 

Dahil sa sinabi ng dalawang naglalakasang nilalang na nasa harapan nila idagdag pa ang kanilang maaamong mukha ay tuluyan ng bumalik sa nakakabing katahimikan ang kaninang magulong labanan tanda na itinigil nila ang kanilang laban.

"Pasensya sa aming katalampalasanan mga kamahalan ngunit ang aming ginawa ay ------- "
Sambit ng lalaking dating sundalo na hanggang ngayon ay buhay pa ngunit hindi niya pa man nasambit ng kumpleto ang kaniyang mga sinasabi ay nasaksihan lamang nila ang paghiwalay ng ulo nito sa katawan nito sa isang iglap.

Napasinghap ang lahat sa nangyayari na hanggang ngayon ay hindi pa rin naka-recover sa nangyari.

Nakikita ng lahat ng saksi sa pangyayaring ito sa kanilang pares ng mata ang napakatulis na espada na kumikislap ito ngunit ang espada ay puno ng dugo. Hindi tukoy kung kaninong dugo ngunit nakita nila ang isang heneral na hawak-hawak mismo ang kaniyang espada na siyang kumitil ng buhay ng isang dating sundalo. Walang bahid ng pagsisisi ang makikita sa mata nito.

Hindi nila pinagtuunan ng pansin ang dating heneral.

Nang makarekober ang iba ay mabilis din nagtaas sila ng depensa at ipinamalas ang kanilang malalakas na atake sa katabi nila maging sa nakikita ng kanilang mga mata.

Maraming mga tao ang nasawi at nadamay lalo pa't hindi pa naka-recover ang karamihan kaya hindi sila agad nakapagtaas ng depensa kung kaya't humantong sa maagang kamatayan.

Ang kaninang mga maraming tao ay unti-unti na ring lumiit ang bilang hanggang sa...

"Tumigil kayong lahat!" Maawtoridad na sabi nito na may halong galit.

Kasubod ng pagkasambit ni Evor ng kanyang utos ay siyang paglitaw ng dambuhalang itim na dragon na siyang isa sa alaga ni Evor.

Agad na sumigaw ang dragon. "ROAR!!!!!"
na tanda ng pagsang-ayon.

Nakakabingi ang pagsigaw nito ma wari'y sumasang-ayon sa kanyang tagapangalaga.

Ang akala niyang madadala sa usapan ang lahat ay hindi pala sapat. Ang kawalang-hiyaang ginagawa ng mga tao sa labanan ay hindi niya papalampasin ng ganun-ganon lang.

Ang mga bangkay ng namatay na karamihan ay mga estudyante na kung bibilangin ay napakarami nito.

Magagaling ang mga estudyante ng Vintouso Academy ngunit dahil mas marami pa rin ang bilang ng Spiral Academy ay walang natira sa mga ito, tanging ang umalis lamang ang nabuhay.

Ang Primordial Beast ay wala na rin. Nilisan niya na ang lugar bago pa mangyari ang insidenteng taatpos sa labanang ito. Tuso ang katulad na nilalang na iyon kung kaya't hindi ito nadamay sa pangyayari.

Gamit ang nagliliwanag na kulay gintong mata ni Evor na kung tawagin ay Gorgon Eye, ang lahat ng nakikita niya maging ang kapaligiran ay mabilis na naging abo na wari'y napudpod sa hindi malamang dahilan. Ang mga puno't halaman na nakatayo sa kapaligiran ay naging abo. Maging ang naglalakihang mga bato ay unti-unti na ring nagkabitak-bitak at napudpod ng napakapino.

Maging ang maraming tambak na mga bangkay na nagkalat sa paligid ay naging abo.


Lahat ng nakikita ng mata ni Evor ay unti-unti na ring naging abo maging ang mga nilalang na nabubuhay ay nagsisimula naring abo kahit na may planong tumakas ang iilan ay hindi nakaligtas at unti-unti na ring nangasibulok ang mga laman nito sa mabilis na paraan.

"Wag ----- !

"Isa kaming bantay ng kontinente----- ahhh!!!"

"Demonyo k----- ahh!"

"Hayop ka, m------ ahhh!"

Madaming mga nagsisigawan at maging ang lahat ng mga espiya ay humihiyaw sa hirap at sakit ng nagbabadyang panganib at kamatayan.

Hindi pa nila natatapos ang sinasabi nila ay tuluyan na silang naging abo. Kamatayan ang naghihintay sa kanila. Isang napakasakit na kamatayan.

Kagaya ng mga nasa paligid ay naging abo na rin ang mga ito ng tuluyan. Walang natirang kahit anuman liban sa mga nakatambak na mga abo sa paligid.

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan na naging bunga ng pagkatapos ng mga pangyayaring gigimbal sa lahat ngunit walang kahit na sinong nabuhay na naging saksi pagkatapos ng pangyayaring ito.

Tanging si Evor lamang ang taong natira at ang apat nitong alaga.

Tanda na walang naiwan kahit na ano o sinuman. Naging patag na ang noo'y may kasukalang lugar na ito, ang mga puno't mga taong kani-kanina lamang ay nagkaroon ng naglalagablab na mga labanan sa bawat sulok ngunit ngayon ay wala na. Isang indikasyon na tapos na ang lahat.

Wala na ring mga sigawan at patayan tanda ng pagkatuso ng ibang mga taong kapangyarihan lamang ang gusto. Hahamakin ang lahat para sa sariling kapakanan, sariling benepisyo ang gusto lamang.


Maya-maya lamang ay nagkaroon ng napakalaking Magic Circle na sakop ang lawak ng lugar na pinangyarihan ng lugar.

Hiniwa ni Evor ang kanyang kanang palad. Umagos ang napakasaganang dugo na unti-unting pumapatak sa loob ng napakalaking Magic Circle.

Unti-unting nagliliwanag ang napakalaking Magic Circle na halos magtakip ng mata ang sinumang makakakita lalo pa't nagliliwanag ng napakasilaw lalo na ang hindi maintindihang mga simbolo ng Magic Circle.

Unti-unti na ring nagsambit ng napakahabang  engkantasyon si Evor.

"If death shall come to everyone in the battlefield. Numerous cries of agonies and sorrow will be heard. Death to everyone but someone can bring their life again. Phoenix rise ashes, so people shall rise in behalf on it. THE ART OF REBIRTH SHALL GIFT TO EVERYONE, RISE!" Pagsusumamo ni Evor na gagawin ang lahat upang ibalik ang buhay ng nangamatay na.

Kasabay ng pagsambit ni Evor  ng engkantasyon ay nagliliwanag ng sobra ang mata nitong hiniram niya sa mata ng Phoenix.

Kasabay ng pagtatapos ng engkantasyon ang paggalaw ng dambuhala at maalamat na ibon, ang phoenix na si Phoenuro.

Ang kaninang kalmadong paglipad ng maalamat na ibon ay naging iba sa kilos nito.

Unti-unting bumulusok ito sa lupa. Habang pababa ng  lipad ang dambuhalang ibon ay unti-unting namumuo sa dibdib nito ang bulang apoy na kulay asul.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon