Chapter 16

1.8K 116 4
                                    


Dion Claspior Lemnevor, Factionless!

Halata sa mga estudyante ang tuwa dahil sa wakas wala ng poprotekta sa estudyanteng si Evor.

"Gusto ko lang linawin sa inyo na si Evor ay isang anak ng maempluwensyang tao at isa lang siyang estudyante ng Cadmus. At bilang Founder ng Akademyang ito ay dapat na matuto tayong tumanggap ng bisita dito at baka maapektuhan ang ating reputasyon ng ating eskwelahang ito." Malumanay na paalala ng Founder na si Mr. Dim.



Dahil sa sinabi ng Founder ng eswelahang ito, parang bomba na binagsakan ang mga estudyante ng Vintouso Academy lalo na ang nagpaplanong may gawing masama kay Evor.


Alam nilang malaki ang mawawala sa kanila lalo na at baka bumagsak ang pundasyon ng eskwelahang ito. Hindi birong maling galaw lang ng eskwelahang ito ay baka hindi masigurong magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Lalo pa't nalaman nilang anak ng maempluwensyang tao si Evor kaya't wala silang magagawa ukol dito. Hindi lang magdudusa ang mga Opisyales ng Eskwelahang ito kundi pati na rin sila.

Napag- isip isip din ito ng mga Factions Officials lalo ang Faction Antropolis, alam nilang walang magandang dulot kung pahihintulutan nilang may masamang gagawin ang mga estudyante lalo na ang mga miyembro nila sa Factions. Di nila kilala ang angkan ni Evor o kaya man lang ay background. Alam nilang kapag nagsumbong si Evor ay baka magkaroon ng malaking dagok na kanilang kakaharapin.

Kaya't ngayon palang ay pinaalalahanan ng bawat Faction Officials ang kanilang miyembro. Alam naman nilang walang mapapala kung patuloy lang nilang gagambalain ang isang ordinaryong estudyante na anak ng maempluwensyang tao sa Cadmus.




Kaya't makailang sandali ay naging tahimik na ang mga estudyante sa Trial Hall ng Faction Selection. May utak at prinsipyo sila kaya alam nilang hindi nila magagalaw ang estudyanteng si Evor. Napagalang ng Founder at mga Opisyales ng Vintouso Academy sa kanya kaya't alam nilang di basta-basta ang background nito. Lalo pa't isang independent student siya kaya't lahat ng bawat Faction Officials ay mananagot kapag may mangyaring aberya.

Pero may exception ang kontrol ng pamamahala ng Paaralang ito dahil sa oras na magkaroon ng battle of Abilities at mga duels ay pwedeng masaktan o pahirapan ang mga estudyante dito. Wapang kontrol ang pamamahala ng Akademyang ito. Tanging sarili mo lang ang magiging sandigan mo.



Maraming pang mga importanteng impormasyon ang sinabi ng pamamahala at isa na sa hinahandaan nila ay ang Festive of Talents na siyang kinasasabikan ng marami dito.

Isang buwan mula ngayon ay gaganapin iyon kaya't maraming gustong sumali lalo pa't siguradong malaking papremyo o pabuya ang kanilang makukuha na siyang magbebenipisyo sa lahat.

Sa ngayon ay maraming estudyante ang gustong magpursiging mag-ensayo at husayan pa lalo abilidad nila.






Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now