Chapter 8: Sa Office ng Headmaster

2.2K 114 8
                                    

Third Person PoV

Alam niyo naman na bawal ang gumamit ng kapangyarihan sa loob ng akademya diba?!

Tumango naman ang lahat tanda ng pagsang-ayon.

Ano ang totoong nangyari sa labas at nagkaroon pa ng komosyon?! Tanong ng Headmaster sa kanila

'Wag kayong magtangkang magsinungaling dahil may mga hidden Cameras lalong-lalo na ang sa loob at labas ng Battle Area at Training Room maging ang halos lahat ng parte ng Academy pwera na lamang ang mga pribadong mga lugar dito!" Banta ng headmaster sa lahat."

Natakot ang mga miyembro at lider ng mga ibang Class liban na lang sa grupo ng Class C dahil baka patalsikin sila sa Academya at maging kahihiyan nila na magdudulot ng pagtatakwil sa kanila at iyon ang pinaka-iniiwasan nilang mangyari.

"Natalo po sila headmaster sa laban at pinagtangkaan po nila ang buhay ni Evor sa labas ng Battle Area." Sumbong naman ni Chlea na may halong pag-aalala sa kay Evor

Totoo ba iyon?! Sigaw na tanong ng Headmaster para kumpirmahin ang sinabi ng taga Class C.

Yumuko ang lahat ng Grupo ng Class A, A+, S, at S+  tanda na toto ang bintang sa kanila.

"Alam niyo naman ang mangyayari kapag lumabag kayo ng patakaran ng eskwelahang ito diba?! Baka nga ipatanggal kayo ng Academyang ito." Sabi ng headmaster na siyang ikinanlumo ng mga Class na ibinangkit kanina.

"Bakit niyo iyon ginawa?!" Dagdag tanong ni Headmaster sa kanila

Nagkaroon ng magandang ideya si Prinsesa Anelia sa kanyang isipan para sila ang magmukhang kawawa sa harap ng Headmaster.

"Headmaster, di po iyon toto lahat ng bintang ng mga taga-Class C, ang totoo po niyan ay may halimaw sa loob ng katawan ng lider nilang yan at halos patayin niya kami ng halimaw na Cracker ba yun?! Ah basta yun na iyon at kung hindi ka po dumating Headmaster baka pinaglalamayan kami ngayon! Halimaw yang lider nila headmaster, Mamamatay-tao po yan! Umiiyak na sabi ni Prinsesa Anelia na pang- Oscar Award talaga, halatang nagpapa-awa siya

Sinang-ayunan naman ng lahat ng Class liban sa Class C.

Madami pang mga salitang laban sa Class C lalo na sa lider nila na si Evor.

Sasagot pa sana si Chlea para ipaglaban ang lider nila kaso pinigilan siya ni Evor. Walang nagawa si Chlea kundi manahimik na lamang dahil wal naman silang laban sa Apat na malalakas na Class nila.

"Tumigil kayo!" Sigaw ng headmaster sa miyembro ng mga Class na sang-ayon kay Prinsesa Anelia na ngayon ay lihim na matutuwa.

Natahimik naman ang lahat at hinihintay ang hatol ng Headmaster tungkol sa suliraning ito.

"Papalampasin ko ito ngayon pero sa susunod na mangyari ito ay makakatanggap kayo ng mabigat na parusa lalo na kayo mga higher Class dahil baka Hindi kayo ma-nonominate bilang magiging kasama sa gaganaping tournament na gaganapin sa mga susunod na buwan!" may halong banta na sabi ng headmaster

"Opo headmaster, hindi na po kami gagawa ng gulo!" Sabi nila dahil alam naman ng upper class (A, A+, S, S+) na malaking karangalan ang mapasali sa Tournament.

Natuwa naman sila dahil nakalampas itong suliranin nila at halos lahat ng upper class ay lihim na nagpapasalamat kay Anelia ( Through facial Expressions) .


"Nagtitiamwala ako sa inyo na hindi na mangyayari gulong ito!"  Malumanay na sabi ng headmaster

Agad-agad tumungo ang lahat tanda ng pagsang-ayon sa usapan.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon