Chapter 20

1.9K 109 20
                                    

Nagtaka at natahimik ang lahat lalo pa't isang hindi inaasahang pangyayari ito lalo pa't may nagbalak na atakehin ang mga estudyante.

Malaya ang lahat sa pag-atake kung nakapatong o nakatungtong  ka sa malawak na entablado. Hindi lamang ito ang unang beses na nangyari ito ngunit wala silang magagawa lalo pa't malaking eskwelahan din ang Spiral Academy at hindi ito nagagalaw ng kahit na sino man, maging sila ay ginagawang laruan ng estudyante ng Spiral Academy.

Noong nakaraang apat na buwan ay ibang estudyante ang pumunta dito at lahat ng mga estudyante ng Vintouso Academy ay nilampaso. Halos wala lahat ng Fourth Year noon kung Kaya't Third Year hanggang Fi rst Year ang lumaban at nilampaso sila.

Ang estudyante na iyon ay hindi pa nakabilang sa Top Students, ano pa kaya na isa sa Top Students ang makakalaban nila, masyadong imposible para sila ay manalo.

"Siguraduhin niyo lang na matutuwa ako sa inyo, dahil ang tahimik niyo at walang gustong lumaban sa akin ay mamimili na lamang ako."malademonyong wika ni Jack Shinato na mababakasan ng masamang hangarin.


Ikaw!

Ikaw sa kaliwa!

Ikaw na nasa gitna!

Ikaw sa bandang  kanan!

Ilan lamang ito sa mga sinasabi niya. Halos lahat ng nakalaban niya ay hindi nakakatagal sa laban, tanging may mabibilis lamang na liksi at galaw ang nakakaiwas sa mga atake. Hindi din siya natutuwa dito dahil na rin sa napaka-boring ng mga nakalaban niya at naiirita siya sa habulang nangyayari.

Agad siyang nagmasid at nagpahayag ng nangmamaliit na tono. Lahat ay nakayuko liban na lang sa lalaking si Evor na may sarkastikong ngiti sa labi. Nakita ito ni Jack Shinato kung Kaya't di niya mapigilang manggalaiti sa galit lalo pa't nagmumukhang mayabang ang lalaking parang ordinaryong tao lang para sa kanya lalo pa't lahat ng sa katangian ni Evor sa kanya ay plain at walang taste.

"Ikaw na mayabang lalaki sa likod, pumunta ka dito sa harap nang malampaso kita!" Galit na galit na talaga siya lalo pa't nainsulto sa inasal ni Evor na hindi niya matatanggap kaoan pa man.

"Okay!" Simpleng pagkakasabi ni Evor na nagpagulantang sa mga karamihang estudyante maging sa mga Opisyales. Hindi nila kailanman nakitang lumaban ang binata kahit na namumuo pa rin sa kanilang mga isipan ang kuryusidad kung ano ang abilidad niya ngunit ang ibang estudyante ng Vintouso Academy ay may mapanghamak  na tingin na noon pang pinipigilan na mangyari. Wala naman ang mga Founder ng Akademyang ito kung Kaya't di din ito naging problema para batuhin ng mapagnuyang mga tingin at salita si Evor.

"Ang yabang mo naman Evor!"

"Humingi ka nalang ng paumanhin Evor!"

"Lampasuhin mo nga yang mayabang na Evor na yan!"

"Sa inyo nalang ang basurang yan!"

"Patayin niyo na yang walang silbing Factionless na yan!"

"Di na nahiya!"

"Matuto ka sanang umintindi ng malakas sa mahina Evor!"


Iyan lamang ang mga malalakas at mapanghamak na mga salita ang ibinabato ng karamihan kay Evor, hindi maipagkakailang masakit at mabigat ang loob ni Evor ngunit ikinalma niya muna ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mapangunahan at kainin siya ng kanyang emosyon.

Agad na siyang nakarating sa ibabaw ng entablado. Dahil sa galit si Jack Shinato ay gumawa siya ng surpresang atake agad-agad. Nagpaulan siya malabombang enerhiya na sasaboh kapag nakadikit ito sa katawan ng kalaban at hindi siya nabigo. Dumikit ito sa katawan ni Evor at nagkaroon ng maraming pagsabog sa pwesto nito kasabay ng mga makapal na usok na sanhi ng di makitang kalagayan ni Evor.

Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1Where stories live. Discover now